Max POV Agad akong napabalikwas ng bangon. Ramdam ko ang mabilis na pagt*ibok ng puso dahil sa kaba. What a bad dream! Sa mga nagdaang araw ay madalas kong mapanaginipan ang nangyari sa araw na iyon. Ang araw kung kailan gumuho ang mundo ko. I don’t know how I survived that day…that betrayal. Hindi pinaniwalaan ng mga awtoridad ang sinabi ni Angel na ako ang nag-utos sa kaniyang magtungo sa café para makipagkita kay Janet. Nanatili ang tiwala sa akin nila Tito Alvaro at Harold. Ang gusto nila ay mabulok si Angel sa kulungan. But I begged them—literally begged them—not to throw her in prison. Hindi ko kaya noon na pagmasdan siya habang umiiyak sa presinto. I wanted to save her. The sting of betrayal, however, is too much to bear. Hence, I made the choice to leave her. I ended things with

