Chapter 8 – Her resolve

1960 Words
NAGING laman ng mga usapan ng mga katrabaho ko ang wedding proposal ni Max sa kaniyang kasintahan. Her name is Melody. Ang swerte niya dahil minahal siya ni Max. Naranasan ko rin naman ang mahalin ni Max. Ramdam kong totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa akin noon. Kaya nga tinumbasan ko iyon. Inalay ko sa kaniya ang lahat nang walang pag-aalinlangan. Naniwala ako na hindi niya ako sasaktan. Maayos naman ang lahat sa amin noon ngunit nagsimulang magulo ang aming relasyon nang ipakilala niya ako sa pamilya niya. Ang totoo ay wala namang masamang ipinakita sa akin ang mga magulang at kapatid niya. Gayunpaman ay ramdam kong may mali. Hindi man nila sabihin, ramdam kong hindi nila ako tanggap. Every time Madam Lucia has talked to me, she has always been very formal. Mas lalong seryoso ang ate Ramona niya at ang nakababata naman niyang kapatid na si Isabel ay halos hindi ako kinakausap. Ayon kay Max ay hindi mahalaga sa kaniya ang sasabihin ng iba maging ng pamilya niya. Kaya hindi ko akalain na hahantong kami sa puntong ipagtatabuyan niya ako. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali? “Psst! Lalim ng iniisip natin ah?” untag sa akin ni Peter na siyang nagpabalik sa lumilipad kong isipan. As usual ay kaylapad ng ngiti niya sa akin. “Ahh..naisip ko lang si…si Mattheo,” kaila ko. Totoong nag-aalala ako sa anak. Kanina pa rin ako hindi mapakali kaiisip sa kaniya. Ngayon siya dadalhin ni nanay sa hospital at kanina ay nagpadala na ako ng pera sa kanila. “Bakit? Anong nangyari sa kaniya?” “Hindi daw nawawalan ng ubo eh! Ipapa-check up na ni nanay ngayon,” mahinang sambit ko. Ang totoo ay naiilang akong pag-usapan ang anak dito sa opisina. Lalo pa at nandito si Max. “S-Sige na Peter. Mauna na ako sa ‘yo. Pupunta pa kasi ako doon sa old office.” Dinampot ko na ang bag para hindi ko na kailangang bumalik dito sa opisina mamayang uwian. Dala ko din ang paper bag na may laman na pabango. Kagabi ay nag-message sa akin sila Ara na kukuha sila ng pabango kaya dala ko na ito ngayon. “Saan ka kakain ng lunch?” tanong ni Peter nang makitang bitbit ko na ang mga gamit. “May baon ako. Doon na lang ako kakain para hindi na ako napapagod bumalik dito.” “Ang labo naman kasi n’yang si Boss Emong. May problema ba kayo at parang biglang naging masungit sa ‘yo?” hindi na nakatiis na tanong ni Peter. “W-Wala naman akong natatandaan…b-bukod doon sa nabasag kong materyales.” “Tss! Hindi mo naman kasalanan ‘yon,” nailing na sagot niya. Natigil kami sa pag-uusap nang biglang pumasok ang boss namin sa opisina. Agad siyang napatingin sa akin at sa bag na noon ay bitbit ko na. “G-Good morning, sir,” naiilang na bati namin sa kaniya. Halata naman ang pagbabago ni Boss Emong sa akin. Marahil ay pinoprotektahan niya ang sarili. “Morning! Papunta ka na sa old office, Gel?” malumanay na bati niya sa akin. “Yes po, sir.” Humakbang na ako palabas ng opisina nang muli niya akong tawagin. Nilingon ko siya na noon ay seryosong nakatingin sa akin. “Our company's year-end party is next Friday. I… I shortlisted you for an award for best employee in our department. Each awardee will receive a cash incentive. Para makabawi man lang sa binabayaran mo sa materyales na nabasag. And, you know...to make up for the promotion you never got.” Pagkasabi niyon ay agad siyang tumalikod at pumasok na sa kaniyang opisina. Naiwan kami ni Peter na parehong nanlalaki ang mga mata. Gusto kong maiyak at sugudin ng yakap si Boss. Para na rin niyang sinabi na ako ang deserving ng promotion, kaya lang ay may pumipigil sa kaniya. Alam ko na naman kung sino ang humadlang sa promotion ko. Dahil sa mga sinabi ni Boss Emong ay nabawasan ang lungkot ko. At least I know he appreciates me. Tama na lang muna ako doon. Isa pa, hindi na ako maghahabol sa promotion dahil aalis din naman ako dito. Hindi ko na matatagalan pang manatili dito. Nagsimula na ulit ako sa trabaho sa old office. Panay ang sulyap ko sa cellphone dahil baka mag-message si nanay sa akin. Nalulungkot pa rin ako. Ayaw ko man pero ang isip ko ay bumabalik na naman sa nakaraan namin ni Max. Paano kaya kami kung tinanggap ako ng pamilya niya? Naalala ko si Melody. Maganda ito at mukhang galing sa mayamang pamilya. Siya iyong tipo ng babae na pihadong gugustuhin ng pamilya ni Max. Hindi tulad ko. Sana noon ay sinabi na lang nilang hindi nila ako gusto. Hindi iyong gumawa pa sila ng paraan para magalit sa akin si Max ng husto. Ipinilig ko ang ulo. Nangako ako noon na hindi na iisipin si Max, pero sa mga nagdaang araw ay pulos siya ang laman ng isip ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang trabaho. Bandang tanghali nang mag-message si nanay. May mga antibiotic umanong inireseta kay Mattheo na kailangan nitong inumin ng pitong araw. Hindi pa rin humuhupa ang pag-aalala ko sa anak. Kung puwede lang na umuwi ako para alagaan siya. Ngunit ayaw kong biguin si ate Eden sa ikalawang pagkakataon. Matapos kong kumain ng lunch ay nagtungo na ako sa Admin Building. Malakas ang loob ko dahil hindi sa reception area naka-duty si Ara ngayon. Doon siya sa may likod ng Admin Building sa tabi ng clinic. “Hi Maam Angel!” masayang bati agad ni Ara pagkakita sa akin. “Hello Ara!” ganting-bati ko. Agad kong inabot sa kaniya ang paper bag na may lamang mga pabango. “Tama nga ba ang nadala ko?” Excited naman na binuklat ni Ara ang paper bag. “Oo maam! Naku, mababaon ako sa utang nito. Dami ko nang utang sa ‘yo Maam!” “Ayos lang ‘yon!” tumatawang sagot ko. Biglang sumilip din ang aming company nurse na naka-duty. “Ano ‘yan? Pa-order din ako n’yan Maam! Alam n’yo namang inggitin ako,” biro niya saka tiningnan ang mga pabango na dala ko. “Pili ka lang Maam. Mababango lahat ‘yan,” alok ko sa kaniya. “Hmn! Nakita ko din ang mga bags na pino-post mo. Nahihiya lang akong magtanong,” amin niya. Nagkakagulo kami sa likod sa table ni Ara nang mamataan ko ang lalaking naglalakad patungo sa pwesto namin. Halatang nagulat ang lalaki nang mamukhaan ako. Harold? Seryoso lang na nakatingin sa akin si Harold at mukhang wala siyang balak magbawi ng tingin. Mukhang hindi siya natuwa na makita ako. Kahit sa tingin lang niya ay ramdam ko ang panunumbat niya, nagtatanong kung bakit ako nandito. Kaybilis ng tahip ng dibdib ko habang papalapit siya sa pwesto namin. Mas lalo pa akong kinabahan nang mamataan sina Melody at Max sa likuran niya. Kaymalas ko naman! Nilingon ko ang paligid at noon ko namataan ang sasakyan ni Max na naka-park katabi ng company ambulance. Saka naman dito nila naisipang dumaan! “S-Sige, Maam. Aalis na ako. Nandiyan na ang Boss natin,” bulong ko. Mabilis kong kinalap ang mga pabango at maging si Ara ay napatuwid ng upo. Nagkunwari siyang busy sa logbook niya. Ang nurse naman namin ay walang pagmamadali ang kilos. Marahil dahil lunch break naman. Akmang tatalikod na ako nang marinig ko ang boses ni Melody. “Oh? Ano ‘yan?” Natigilan ako at hindi muna siya nilingon. Lihim akong nagdarasal na sana ay hindi ako ang kinakausap niya. Ngunit naramdaman ko ang paglapit niya sa pwesto namin. Nabalot ng tensyon ang paligid dahil kilalang mahigpit si Max sa trabaho. Naglakas-loob akong sulyapan si Melody at sinalubong agad ako ng nakangiti niyang mga mata. Napaawang ang labi ko nang mapagmasdan siya. Mas maganda siya sa malapitan! “P-Pabango po, Maam,” mahinang sagot ko. Sinulyapan ko si Max na noon ay nakakunot na ulit ang noo. Wari’y naiinip siya at nagtataka kung bakit pa lumapit sa amin si Melody ngunit hindi niya magawang magreklamo. Dinampot naman ni Melody ang isa sa mga pabango. “Wow! Wow! I'd like to buy this one,” masaya niyang sambit. Hawak niya ang pink na bote ng pabango. Sinulyapan niya ako at mas lumapad ang pagkakangiti niya. “Hon? What do you think? Do you like how this scent smells on me?” baling niya kay Max at ipinakita din dito ang bote ng pabango. “I prefer the perfume you are currently wearing,” diretsang sagot ni Max. Dumako din ang mga mata niya sa akin habang nagsasalita. Hindi ko nagawang tagalan ang mga tingin niya. Ako ang naunang nagbawi ng tingin. “Hmp! I’ll buy this one, Miss,” baling sa akin ni Melody. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Max. “T-Talaga po Maam? T-Thank you,” sambit ko saka tipid na ngumiti. Tumango si Melody at kumuha ng pera sa wallet niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa suot niyang singsing. Kumikinang iyon sa bawat tama ng liwanag ng araw. Dati ay binigyan din ako ni Max ng singsing. Pero iniwan ko iyon sa condo unit niya noong umalis na ako. Iniabot ni Melody sa akin ang isang libo. Akmang kukuha ako ng sukli ngunit pinigil niya ako. “Keep the change, Miss.” Napakurap ako habang matamang nakatingin sa kaniya. Para talaga siyang anghel! Maganda na, mabait pa. “T-Thank you,” sambit ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Dahil ba sa napakabait niya o dahil sa napagtanto kong wala akong kalaban-laban sa kaniya? Ngumiti lang si Melody pagkatapos ay binalingan na si Max na noon ay halatang naiinip na. Magkasabay na silang naglakad patungo sa sasakyan na naka-park di kalayuan sa amin. Maging si Harold ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa mga tingin niya. Gusto kong lumubog sa kahihiyan habang hawak ang isang libo na ibinayad sa akin ni Melody. Para bang sinasabi niyang mukha talaga akong pera dahil hindi ko na binigyan si Melody ng sukli. Nakapanliliit. “Ang sipag mo talaga, Maam Angel! Kumusta na nga pala ‘yong…ano nga bang pangalan n’ya? Mark nga ba o Matteo?” biglang baling sa akin ni Ara. Sa sulok ng mga mata ko ay napansin kong lumingon si Max sa amin dahil sa sinabi niya. “H-Ha? Ahh, o-okay lang siya,” kinakabahang sagot ko. Kaybilis ng tahip ng dibdib ko at naging alerto ako sa mga susunod pang maaari niyang sabihin. “Ahh! Ilang taon na ba siya Maam? Malaki na siguro ang batang—” “Ara, okay na ba itong pabango? Aalis na ako! Malayo pa kasi ang old office, baka hinihintay na ako noong multo na kaibigan ko na doon,” mabilis kong putol sa sinasabi niya. Agad namang natawa si Ara sa sinabi ko. “Kaya ayaw ko mapa-assign doon, Maam! Baka may multo nga!” Ngumiti ako para itago ang kaba. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadampot ang mga pabango. Mas lalo ang kaba ko nang pagtunghay ko ay nakatingin pa rin si Max sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. “Let’s go?” untag sa kaniya ni Melody. Noon lang siya kumilos at sumakay na sa sasakyan habang si Harold ang nasa driver’s seat. Nakahinga na lang ako ng maluwag nang makaalis ang sasakyan nila Max. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa old office. Mabuti na lang at wala nang iba pang nabanggit si Ara. Bahala na! Bukas na bukas din ay magpapasa na ako ng resignation letter. Hindi ko na hihintayin pang matuklasan ni Max ang aking sikreto na maaaring mas magpagulo ng aming sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD