Chapter 5 – Threat

1832 Words
Wala pang alas singko ay gising na ako. Ang balak ko ay papasok pa rin sa trabaho. Mabuti na lang at nawala ang pananakit ng sikmura ko nang makainom ako ng gamot na ibinigay ng nurse sa akin kagabi. Acid reflux umano iyon marahil sa pag-inom ko ng softdrinks na walang laman ang tiyan. Sa clinic na lang ako naghintay kay Peter na matapos ang ginagawa. Matapos ang isa’t-kalahating oras ay bumalik si Peter sa clinic at magkasabay na kaming umuwi. Panay ang pagalit niya sa akin dahil sa hindi ko kinain iyong sandwich na binigay niya. Sa susunod ay kailangan ko talagang makabawi sa kaniya. Sobra sobra na ang tulong niya sa akin at hindi man lang ako makaganti sa kaniya. “Oh? Bakit ka pa pumasok? Okay ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong agad ni Peter pagkakita sa akin. “Okay na okay na ako. Isa pa, ayaw kong umabsent. Wala akong gagawin sa dorm kundi tumunganga.” “Kaya naman gusto kita eh! Napakasipag mo!” pasaring ni Peter. Agad akong napatingin sa paligid dahil sa sinabi niya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang wala si Trina. “Asan si Trina?” Sa halip ay tanong ko. “Ouch! Deadma lang ako!” reklamo niya. “Peter, alam mo namang—” “Alam ko na ang sasabihin mo. Hindi ka bagay sa akin. Tsk! Hindi ko alam kung bakit ‘yan ang iniisip mo. Oo, alam kong may anak ka—” “Peter!” saway ko sa kaniya. Sa kaniya ko lang madalas sabihin ang tungkol sa anak ko. Hindi ko naman ikinakahiya si Mattheo pero hindi ako madalas magkwento sa mga katrabaho tungkol sa personal na buhay ko. Maging ang social media ko ay halos walang laman. Sinabi ko lang kay Peter ang tungkol sa anak ko para alam niya ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang payagan na manligaw at para na rin alam niya ang nakaraan ko. “I’m sorry!” hinging paumanhin niya. Halata ang lungkot sa kaniyang mga mata at nakaramdam ako ng awa. Noon dumating si Trina na nakasimangot. Normal na yata niya iyon sa tuwing papasok sa opisina namin. Kani-kaniya na kaming punta sa pwesto. Mayamaya ay dumating na rin si Boss Emong. His awra is less tense than it has been in the past few days. Siguro dahil natapos na ang audit at unti-unti na ring nawawala ang issue sa aming Department. Abala na ako sa trabaho nang tumunog ang telepono sa tabi ni Trina. Sinagot niya iyon at hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. “Okay, Maam. Sasabihin ko sa kanilang pumunta diyan,” aniya bago ibinaba ang telepono. Agad siyang bumaling sa amin. “Angel, Peter, ipinapatawag kayo sa Human Resource Office.” Agad akong natigilan sa narinig. Nilingon ko si Peter na napakamot din sa puno ng kilay. Parang alam ko na ang sasabihin ng HR sa amin. “Bakit pati si Angel?” tanong niya sa sarili. Bigla ang pag-ahon ng aking pagdududa. Mukhang may alam na siya na ipapatawag kami ng HR ngayon. Naalala ko ang laman ng kahon na nabasag ko. Malamang ginawan nila ng report iyon! Namataan ko din si Boss Emong buhat sa kaniyang puwesto na napailing habang nakatingin sa amin. Marahil ay alam na din niya ang nangyari kagabi. “K-Kasalanan ko,” mahinang bulong ko sa sarili. “Tsk! Angel, hindi mo kasalanan!” ani Peter na narinig ako. “Hindi mo kasalanan na sumama ang pakiramdam mo. This is the first time it has happened. Kailangan lang nating mag-explain,” aniya. “P-Pero ako lang dapat ang ipatawag ng HR. B-Bakit damay ka?” “Dapat nga ako lang eh! Hindi mo naman trabaho ang mag-stack ng mga materyales eh!” napapakamot sa ulong sambit niya. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya sa kaniya. “P-Peter, I…I’m sorry,” hinging tawad ko. “Hays! Tara na lang doon sa HR. Huwag kang iiyak pagdating doon ha?” bilin niya. Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Habang patungo kami sa kanilang building ay mataman akong nag-iisip. Kung sana lang ay may nararamdaman ako para kay Peter. He is the most responsible man I have ever met. Aniya ay handa din siyang tanggapin ang responsibilidad sa anak ko. Pagdating sa Admin Building ay pinagtitinginan na kami ng ilang empleyado habang patungo kami sa ikatlong palapag kung saan naroon ang HR Office. Pagsilip namin sa opisina ay agad itinuro ng isang staff ang pinto patungo sa opisina ng Manager nila. Naabutan namin ang HR Manager namin na abala at may binabasang report. Nang mag-angat siya ng tingin ay naging seryoso ang kaniyang expression. “Maupo kayong dalawa,” aniya at iminustra ang upuan sa tapat ng table niya. Kinakabahang naupo ako. “M-Maam, good morning po.” Hindi ko naitago ang panginginig ng boses. “I’ve read the report. Ang sabi dito ay si Peter ay nag-o-operate ng forklift at aksidenteng nahulog ang isa sa mga kahon at nabasag ang laman niyon.” Natigilan ako sa narinig. Hindi ganoon ang nangyari! Ako ang may hawak ng kahon. Akmang magsasalita ako ngunit napansin ko si Peter na bahagyang umiling. Dahil doon ay naitikom ko ang bibig. Batid kong napansin din ng HR Head namin ang tinginan namin ni Peter. Malalim siyang nagbuntong-hininga. “You don’t have to lie. We’ve already investigated the incident. Dinala sa clinic si Miss Velasco kagabi. I'm sure something happened that led to this incident.” “Maam, sumama ang pakiramdam ni Angel. Nag-panic ako kaya nahulog ang isang box. Bakit kasama siya kung magka-memo man kami? Nagkasakit na nga ‘yong tao eh!” depensa ni Peter. Halata ang inis niya. “I understand. Pero alam n’yo ba kung magkaano ang halaga ng mga nasirang materyales dahil sa kapabayaan mo?” seryosong tanong ng aming kaharap. Hindi ko magawang magsalita. Hindi tamang si Peter ang maipit sa nangyari! “M-Maam, kasalanan ko po talaga,” amin ko. Sinulyapan niya ako saka nagbuntong-hininga. “Twenty thousand pesos, Miss Velasco. Willing ka bang bayaran lahat ng iyon?” tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Twenty thousand pesos? Saan ako kukuha ng ganoong halaga? “You are aware of the rules. I'm only doing my job, which is to serve this memo to you. You two will be required to pay the amount. It will be deducted from your salary,” pinal na sabi niya. Wala na kaming nagawa ni Peter kundi tanggapin at pirmahan ang memo. It was extremely unfair, especially to Peter. Sinisisi ko ang sarili dahil maging siya ay nadamay dahil sa akin. Kung kailan kailangan ko ng malaking halaga dahil sa thesis ni ate, saka naman ako magkakaroon ng deduction sa salary. “S-Sorry talaga, Peter,” hinging paumanhin ko nang makalabas kami sa opisina. “Huwag mo nang isipin ‘yon! Sa iyo nga ako nag-aalala eh!” ani Peter. Nag-aalala ang mga tingin niya sa akin. “E-Excuse me. Pupunta lang ako sa CR,” paalam ko dahil hindi ko na mapigil ang maluha. Kanina ko pa pinipigilan ang umiyak sa loob ng HR office. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadali na akong humakbo para magtungo sa CR. Pagtalikod ko pa lang kay Peter ay nag-unahan na sa pagbagsak ang aking mga luha. Ayaw kong may makakita sa akin kung kaya hindi ko na narating ang CR. Isa pa ay hindi ako pamilyar sa building dahil madalang naman ako magawi dito. Namataan ko ang maliit na espasyo sa dulong bahagi ng palapag kung saan photocopying machine lang ang naroon. Doon ako pumunta at tahimik na umiyak. Kailangan ko lang mailabas ang sama ng loob na kanina ko pa kinikimkim. Ilang minuto na ako doon nang maramdaman kong hindi ako nag-iisa sa maliit na espasyong iyon. Pagpaling ko sa kanan ko ay halos matumba ako pagkakita kay Max na seryosong nakamasid sa akin. Nakakunot ang noo niya na halatang nagulat din pagkakita sa akin. May hawak siyang papel at noon ko napansin ang mga yukos na bond paper na nagkalat sa sahig. Mukhang nag-malfunction yata ang photocopying machine at hindi niya iyon mapagana ulit. Pero bakit siya ang gumagawa niyon? Sinulyapan ko siya at napigil ko ang paghinga dahil mataman pa rin siyang nagmamasid sa akin. “Are you crying because of a disciplinary memo from HR? If you cannot perform your tasks properly, you are free to leave." Malamig niyang sambit. Hindi ko magawang magsalita. Kaylakas pa rin ng epekto niya sa akin. Napaatras ako nang sa isang iglap ay kaylapit na niya sa akin. Lalong nagwala ang puso ko sa kaba. He was about to grab my arm, but he stopped midway. It seems he can’t bring himself to even touch me. Sa halip ay sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Lalo akong nanliit sa ginawa niya. “What happened to you? Where did that money go? Tama nga sila, walang umaasenso sa gumagawa ng illegal. Look at you now.” Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo—” He laughed wryly. Dahil doon ay natigil ako sa pagsasalita. “Still trying to deny it? Angel, if I were you, I'd simply leave. It's not worth it. You're giving me the opportunity to exact revenge on you for ruining me.” May halo ng pagbabanta ang boses niya. Napatulala ako sa kaniya. Naghihiganti siya? Gayong wala akong ginawang kasalanan sa kaniya. Ni hindi niya ako pinaniwalaan. Sa unang pagkakataon ay sinalubong ko ang tingin niya. Bagay na hindi ko akalaing makakaya ko pang gawin. “And you told me you loved me, but you didn't even stand up for me,” wala sa sariling usal ko. Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi. Napansin kong natigilan din siya sa sinabi ko, ngunit saglit lang iyon. Muli ay nanlisik ang kaniyang mga mata sa galit. Wala sa plano ko ang ungkatin ang nakaraan namin ngunit nagawa ko na. Ngayon ako nakaramdam ng pagsisisi. “Who are you to speak of love when you have chosen money over me?” His eyes are red with rage. Napaatras ako sa takot. Akmang magsasalita pa siya nang maulinigan ko ang boses ni Peter. “Angel?” tawag ni Peter sa akin. “Ahh, s-sir Max, good morning po.” Halata ang pagkagulat niya pagkakita sa boss namin. Max didn't even look at him. Nanatili ang nagbabaga niyang tingin sa akin. Binawi ko ang tingin kay Max at nagmamadali nang lumapit kay Peter. Nakatungong inabot ko ang braso niya at hinila siya. “Tara na, Peter,” aya ko sa kaniya. Gusto ko nang makaalis sa lugar. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Nagtataka man sa reaksyon ko at ni Max ay agad naman tumalima si Peter. Magkasabay na kaming umalis ng lugar. Hindi na ako nagtangka pang lingunin si Max. Batid kong mas lalo ko lang siyang ginalit dahil ipinaalala ko ang nakaraan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD