ANG plano kong pagtanggi sa pagsama kay Max ay naudlot nang balingan ako ng mga staffs niya. Nang sulyapan ko si Trina ay nakikiusap din ang tingin niya sa akin. Naikuyom ko ang kamao! Ang kapal ng mukha ng babaeng ito! Alam naman niyang nagpasa na ako ng resignation! “Alam mo Trina, dapat gamay mo na ang trabaho dito eh! Supervisor ka, ‘di ba? Hindi ka ba nahihiya sa sinabi mo sa Big Boss natin?” baling ko sa kaniya. Ngayon lang ako nagsabi sa kaniya ng saloobin at batid kong labis niya iyong ikinagulat. Ngayon pa ba ako mag-aalala na baka magalit siya? “Eh ‘yon ang sabi ni Boss Emong—” “Kasi nga hindi mo alam ang trabaho kahit ang tagal mo na dito! Paano ka sa susunod? Sinong ituturo mong gumawa ng trabaho para sa ‘yo?” Hindi siya nakaimik. Ngayon ko napagtanto na hindi naman pala siy

