Pakiramdam ko ay lumipad ang kaluluwa ko nang sa ilang segundo lang ay nasa likuran ko na siya at mahigpit na nakayakap sa akin. Para siyang kidlat kung kumilos sa sobrang bilis. Pero nang marinig ko siyang magsalita, para akong nanghihina bigla. Mabuti na lang at yakap niya ako dahil kung hindi, malamang bumagsak na ako. "Gavin, ikaw ba talaga 'yan...?" Nanginginig ko pang panigurado sa kanya. Ang walang humpay kong kaba ay hindi pa rin humuhupa hangga't hindi ko nasisigurong siya nga ang nasa likuran ko. "Yes, honey.." Paos niyang sagot na para bang pagod na pagod siya. Naramdaman kong niluwagan niya ang pagyakap niya sa akin. Kaya gumalaw ako nang dahan-dahan at humarap sa kanya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagyakap sa akin na para bang anumang sandali ay tatakbo ako palayo sa

