Isang buwan na ang nakalipas magmula nang makipaghiwalay ako kay Mark. At isang buwan na rin nang huli kong makita si Gavin. Ni ha, ni ho, wala akong narinig mula sa kanya. May number na nga siya sa akin pero ni isang text o missed call ay wala rin akong natanggap sa lalaking 'yun! Nakakainis dahil namimiss ko na siya. Siguro ay galit din siya sa akin dahil inaway ko siya noong araw na 'yon dahil pangingialam niya sa akin. Nakakainis naman kasi dahil wala siya sa tamang lugar para sabihin 'yon. Napahiya ako sa ginawa niyang pag-sigaw at paghila na lang basta nang araw na 'yon. O, kaya ay natauhan na rin siya kaya hindi na nangungulit pa. Pero kahit na! Hindi man lang niya sinabi sa akin na sa batangas na siya titira! Kung hindi ko pa tinanong kay Mama ay hindi ko pa malalaman na umalis

