"Bella!" Malakas kong sigaw sa loob ng coffee shop dahil hindi ko agad napigilan ang sarili sa aking nakikita. Halos paliparin ko na nga ang kotse sa pagpapatakbo para lang makauwi agad pagkatapos kong makita ang resthouse na bibilhin ko, tapos ito pa ang makikita ko? Oh, fvck! Nakakataas ng dugo. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa galit nang makita kong kasama na naman niya ang boyfriend niyang unggoy. At nagpahawak pa talaga siya ng kamay dito. s**t! Parang gusto kong pumatay ng taong unggoy ngayon. Ayoko sanang pumunta ng Batangas at i-cancel na lang muna ito. Kaso baka maunahan ako sa bahay na 'yun. Sayang kung palalampasin ko pa ito. Kaya no choice ako kundi napipilitan na sumama kay Darwin para puntahan namin ang bahay na 'yon. Pero balak ko rin umuwi agad matapos ko

