Check Mark

2000 Words
"OH EM GEE! This is something! She is different! I want to meet her! Did you talk to her after last night? I think she's the one babe! WAAH!" "Ssssssssssssh Alex! No I did not. I was so stupid of not getting her number. Aish!" "WHAT? YOU STUPID GIRL! Of all yun pa makakalimutan mo? Once in a lifetime na nga eh!Eto na yun eh! Sa mga babaeng kahit isang t***k man lang wala kang maramdaman kuha ka kagad ng number, eto pa nakalimutan mo!" Isang malakas na batok ang binigay sakin ni Alex. Grrrrr! Ano ba to! Alam ko na nga ung katangahan ko eh ipapamukha pa! Haaay naku. "Oo na!!! Alam ko na nga eh! Wag mo na ipamukha." "Pano na yan babe? Haaaay naman. Nakakainis ka. Kelan na kayo magkikita nyan?" "Next week and the next time I see her, I'll make sure na hindi yun ang magiging last na magkikita kame."  ---------------------------------------------- LANCE POV Pagkatapos ng dramahan at kulitan namin ni Alex, agad akong nag shower at sumakay ng kotse ko. Since malapit na magdinner time, naisipan kong umuwi nalang at magpahinga. Kung sinipag ako, maglalaro nalang ako ng Xbox.  Driving pauwi biglang may nakasabay ako sa daan na Red Hyundai Accent, naalala ko nanaman si Pat. Hay. Kelan ko kaya sya makikita? Sa lalim ng iniisip ko biglang nagulat nalang ako na puro busina naririnig ko, GO na pala di ko napansin kaya nagpatakbo ako kagad ng mabilis.  Pag daan ko sa CEB (COFFEE EAT BAR) may babaeng pumasok at eto nanaman po ang puso ko. Feeling ko maaga akong mamamatay hindi sa kakainom ng alak eh, kundi sa heart attack tuwing nakikita ko siya! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon kanina lang inis na inis ako dahil hindi ko nakuha ang number niya. At may drama line pa ko na the next time I see her, I'll make sure na hindi yun ang magiging last na magkikita kame.  Pero eto na! Hindi ko masabing answered prayer kasi di naman ako nagdasal kanina. Eto na ba ang sinasabe nilang DESTINY? Sa sobrang tuwa ko, di ko na alam pano ko napunta sa parking at eto ko ngayon naglalakad palabas para kunwaring napadaan lang din ako dito sa CEB. Pag lingon ko sa loob, andun siya nakaupo at mukhang hindi alam kung ano oorderin. Yung tipong gulong gulo. Confused. Naisip ko sana isang araw makita kitang ganyang nagugulahan dahil feeling mo mahal mo na ko. PANGARAP! ANG LAKAS KONG MANGARAP!  Habang nakataas ang menu sa mukha niya, bigla akong umupo sa harap niya at ngumiti ng malapad. Hinihintay kong ibaba niya ang menu para makita niya ko. ANG TAGAL NAMAN! Nangangawit na yung panga ko kakangiti at baka pasukan na ko sa langaw nito. Kaya ang ginawa ko nalang ay.. BOOGSH!  Binaba ko ang menu na pagkanda lakas-lakas sa table! Yung mukha niya parang lalamon ng tao sa inis at gulat. Naku pano pala kung hindi siya to eh di pahiya ako pag nagkataon. Buti nalang at SIYA! Kaya tawa ako ng tawa sa reaction nya. Natatawa talaga ko eh. Pano ba naman? Ang cute nya pag ganyan, ung tipong sobra sa kasungitan at hindi mo mapaamo. Yung mga ganyan ang sarap pangitiin eh.  "Hey! Hindi ako kasama sa menu. Sa tingin mo palang feeling ko kakainin mo na ko!  Want a taste of me? "  Wow confidence! San ka nanggaling ha? Pero sa totoo lang hinang hina na ko. Feeling ko masasampal na niya ko. "Lance! Ano ka ba! Muntik na kong atakihin sa puso dahil sa ginawa mo. Akala ko mapapaaway na ko. What are you doing here? Don't tell me stalker na kita ngayon?"  "Wow! Medyo manipis ata ang face mo! Swerte mo ganda ng stalker mo noh! Anong ginagawa ko dito? Eh di same thing as you, KAKAIN."  And I want you as my dessert. Behave Lance.  "Oh. Okay. Alam mo ba anong masarap dito? Gutom na ko eh."  Yung nasa harap ko mukhang masarap. Behave Lance.  "Ah. Ano bang hilig mo? May craving ka ba ngayon? Actually lahat masarap dito pero ang best seller nila yung Bagnet, must try talaga. Pero baka ayaw mo nun at nagdidiet ka."  "Wow! Yummy nga ata yan. Sige yan nalang orderin ko. Anong diet? Walang diet diet sa pagkain noh!" Tumatawa siya ng parang bata. Ayan nanaman yung mata niyang parang nawawala. Ang cute lang parang ang sarap titigan tapos panoorin buong araw na tumatawa lang siya. Ang gulo ng utak ko baka naman sa mental siya deretso pag buong araw siyang tumawa.  Napataas ang kilay ko bigla sa sinabe niya at nagtaka naman siya. "Anong meron at nakataas ang kilay mo? Anong mali sa sinabe ko? May iba ka bang gustong orderin?"  "Seriously?! Okay lang sayo orderin at wala kang diet diet??? Are you kidding me?" Eh totoo naman noh! Ang hot niya! as in when I say hot, it's H-O-T! Grabe sexy tapos ganun?  "Yeah. Why stop yourself? Ang sarap ng food papapigil ka? Order na tayo at nagwawala na mga alaga ko sa tyan."  "I just didn't expect. Para kasing you're the type na who's very conscious sa katawan. Don't get me wrong ah, I'm just saying." tapos tinawag ko na yung waiter para umorder. "Hay naku Lance. Kaya nga may kasabihan na "Don't judge the book by its cover" diba. That's okay. I get that alot. Sakin naman, binabawi ko nalang sa exercise wag lang akong titipirin sa pagkain."  "Okay fine you win. So why are you here? Kakasabi mo lang kagabi na gusto mo matry dito, andito ka kagad."  "Pauwi narin kasi ako. Walang tao sa bahay. Napadaan ako dito kaya I decided to have dinner nalang dito para matry ko din. Para medyo marelax nadin. Ganda ng ambiance nung place eh. Nakakarelax. Alam mo feeling ko yung may-ari nito laging stressed out."  Natawa naman ako bigla sa sinabe niya. Totoo lage akong stressed out. Alam ng officemates ko yan. Hanggang office lang ang stress ko. Hindi ko na dinadala sa labas kasi ayoko madamay ung iba. Kaya pag sa labas lage akong nagpapakasaya. "Ha? Bakit naman? Yung totoo sa advertising ka ba talaga nagtatrabaho or psychologist? Parang kilalang kilala mo yung may-ari ah."  "Baliw. Hindi naman. Pansin ko lang kasi yung place sobrang relaxing. Di ko lam pero feeling ko naiintindihan nung owner na kailangan ng isang place para makalimutan mo lang lahat ng problema mo. Parang ung meron kang escape place. Yung tipong pupuntahan mo ung lugar na yun pag gusto mong sumaya kahit sandali lang. Siguro malungkot siya sa buhay at ganun din nararanasan niya kaya niya pinagawa ang lugar na to."  Grabe tong si Pat. Parang nakabasa ata ng libro ng tungkol sa buhay ko. Totoo naman talaga. Kaya ko talaga pinagawa to dahil escape place ko ito. Gusto ko mashare sa mga tao. Although di alam ng karamihan na ako ang may-ari nito. Kahit yung mga employees dito sinabihan ko na pag andito ko, itreat nila kong parang customer. Pag kakausapin ko sila about work or the business, dun sa loob ng office ko. Kakaiba talaga tong si Pat. She has the looks, she has the sexy body, she has the smile that can make your heart melt, she has the humor, she has the good attitude, tapos she has this personality na feeling mo kahit ano pang sabihin mo sa kanya maiintindihan niya. Yung parang kahit sino ka pa, matatanggap ka niya. Ang swerte lang ng taong mamahalin niya at ang malas ng taong pinakawalan sya. "Lance! Nagspace out ka nanaman. Masyado bang madrama ang sinabe ko? Sige ganto nalang gawin natin para di ka natutulala dyan. 21 questions. Magtatanong ako tapos sasagot ka pero hindi mo pwede ulitin ung tanong ko at di ka pwedeng magtanong hanggat di pa ko sumasagot. Game?"  "Game. Sino mauuna? "  "Patangkaran nalang tayo. Kung sinong mas matangkad sya unang magtatanong."  Sabay kaming tumayo at para kameng mga tangang pinagtitinginan mga tao samin kasi akala aalis na kame. "Ang daya mo naman eh! Nakaheels ka kaya! Malamang mas matangkad ka sakin." "Kasalanan ko bang mas maliit ka sakin ha? "  "Whatever. Yan ang nagagawa ng magical heels mo. Game na tanong!"  Dumating na ung order namin at ung mga mata ni Pat parang batang nakakita ng maraming candy. Pero sa kanya ngayon, nakakita sya ng maraming taba sa bagnet at tuwang tuwa siya. Ang cute. Ngayon lang ulit ako nakakilala ng babaeng ganto, yung tipong walang arte kahit mukhang maarte. Yung babaeng nageenjoy lang hindi mapili. Ano ba to? Siguro kung maglabas ako ng checklist ng MY DREAM GIRL, malamang lahat ng yun may check mark para kay Pat. "Hoy Pat! Maglalaro tayo ng 21 questions diba? Bakit parang nagka-amnesia ka na nakakita ka lang ng malulutong na taba memory gap na? "  "Sorry naman! Ang sarap kasi eh. The best yung food dito. Babalik balikan ko na dito. Yummy!"  "Sabe naman sayo eh. The best talaga dito. Ako na kaya magsimula nung game ang tagal mo eh!"  "Hoy! Mas matangkad ako kaya ako magsisimula wag ka maduga. Game. Ilang taon ka na?"  "Walang kahirap hirap na tanong. 25. Gusto mo ba talaga ng work mo?"  "Hmmm. Yes. Naeenjoy ko yung work ko. Kasi nakakatulong ako sa mga companies para makilala ung product nila. I feel successful pag nakikilala yung product nila dahil sa mga ginagawa namin. It's like I'm part of their success. Chaka lahat naman ng naging clients namin, happy sila sa service na binibigay namin. May kapatid ka ba?"  "Meron. Older brother. Dalawa lang kame. We rarely see each other. He's already engaged and starting his own family kaya ayun. Bakit nga pala Ley ang tawag sayo ni Lara? "  "That's my childhood nickname. Tawag kasi sakin sa bahay Ley. Nung bata kasi ako hindi ko daw kayang sabihin yung Patricia lage ko lang daw sinasabe Ley. Eh pag tinatawag daw akong Patricia di daw ako lumilingon, pag Ley daw lumilingon ako kagad."  "Okay lang bang Pat ang tinatawag ko sayo?"  "Ang daya mo! Ako pa magtatanong." "Commercial break lang. Game na tanong." "Hmmm. anong work mo?"  "Nagwowork ako sa isang computer brand na company. Kaya kung kailangan mo ng computer, sabihin mo lang."  "Libre?"  "Swerte lang? Discount lang noh. "  The whole night nagtanong lang kame at sumagot tapos nagaasaran din. More than 21 na nga ata ung questions na natanong namin. Alam nyo ung feeling na hindi niyo na namamalayan ano pinaguusapan niyo at di niyo alam pano kaya napunta sa topic na yun matatawa nalang kayo kasi ang layo na ng mga napagusapan nyo. Ang sarap lang sa feeling na parang hindi ako nahihiya sa kanya. Walang kahit anong ilangan. No awkward moment. Sobrang happy at enjoy lang. Hindi namin namamalayan ung oras hanggang sa napansin nalang namin na nakabaliktad na lahat ng chairs sa paligid namin. Pag lingon namin wala na palang mga tao. Kame nalang. "Ikaw kasi ang daldal mo! Kawawa tuloy sila Kuya natagalan dahil satin. 3:00 am na pala. "  "Ikaw kaya ung madaldal. Tawa ka pa ng tawa. Muntik ka na malaglag sa upuan mo kanina. Uwi na tayo?"  "Ano pa nga ba? 3am na noh. May pasok pa bukas ng maaga. Monday pa. Traffic nanaman for sure."  "Oo nga eh. Two streets away ka lang naman diba? Hatid na kita or may dala kang kotse?"  "Wala. Naglakad lang ako  kanina. Maganda kasi ung weather kanina kaya naglakad nalang ako. Chaka para tipid din sa gas. "  "Sige. Hatid na kita. Okay lang maglakad nalang tayo?"  "Ano ka ba. Okay lang noh. Tara."  Hinatid ko si Pat hanggang sa condo nila. Habang naglalakad kame tuloy parin ang usapan at kwentuhan namin. Parang di kame nauubusan wala ring tigil ang tawa namin. Muntik pang madapa si Pat sa kakatawa dahil di siya nakatingin sa daan. Kaya mas lalo kameng natawa.  Andito na ko sa bahay. Buhay na buhay yung feeling ko. Feeling ko ang dami ko pang energy. Yung parang ang dame ko pang pwedeng gawin. Feeling ko ang aga pa. Pag tingin ko sa salamin, parang nagulat ako sa nakita ko. Di ko maalis ung ngiti ko. Kahit hindi ako nakangiti, feeling ko nakangiti parin ako. Lalo na ung mga mata ko. I've never felt this happy. Ang tagal. Feeling ko never akong nasaktan. Feeling ko never akong nalungkot. For the longest time na hinintay ko, I suddenly felt complete as if this is the real Krystalance Vergara that I lost pero ngayon nandito na ulit nakangiti na parang walang nangyare. --------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD