Good Morning

1778 Words
Andito na ko sa bahay. Buhay na buhay yung feeling ko. Feeling ko ang dami ko pang energy. Yung parang ang dame ko pang pwedeng gawin. Feeling ko ang aga pa. Pag tingin ko sa salamin, parang nagulat ako sa nakita ko. Di ko maalis ung ngiti ko. Kahit hindi ako nakangiti, feeling ko nakangiti parin ako. Lalo na ung mga mata ko. I've never felt this happy. Ang tagal. Feeling ko never akong nasaktan. Feeling ko never akong nalungkot. For the longest time na hinintay ko, I suddenly felt complete as if this is the real Krystalance Vergara that I lost pero ngayon nandito na ulit nakangiti na parang walang nangyare. -------------------------- LANCE POV Nagising ako ng nakatitig sa orasan sa tabi ng kama ko. Nakangiti akong habang naaalala si Pat. Kung pano sya ngumiti, tumawa, kumain, magsungit, magtaray, magjoke, lahat na. Grabe para kong baliw na natatawa at nangingiti dito. Ang sarap ng feeling. Kahit umaga na ko natulog nagising ako ngayon ng parang ang haba ng tulog ko. 6:00 am palang. Kung dati, world war muna ang kailangan bago ako magising, ngayong araw IBA. IBANG IBA. KAKAIBA. TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT Kinuha ko nag phone ko na nagriring. Mukhang alam ko na kung sino to. Pagtingin ko nakita ko ang image ni Denise na tumatawag, malamang nagmomorning call ito sakin. "Goodmorning Denise!"  "Uhm. Good morning. Is this Ms. Vergara?"  "May iba pa bang sasagot ng phone ko Denise. I'm already up. Thank you."  Binaba ko ang phone kagad tapos nagconcert na ko sa banyo, as usual.  Oh oh sometimes I get a good feeling yeah. Kanta kanta ko habang nagbibihis. Mornings are beautiful. You get a new chance, new hope, new day, new love, new life. Kakornihan nanaman ang nasa utak ko. Binilisan ko na kumilos at agad akong nagdrive papuntang office. Pag pasok ko ng office lahat nakatingin, nagtataka, maski si manong guard. "Uhm. Good morning Ms. Vergara?"  "Good morning Kuya" with flashing smile. Pag pasok ko ng lobby lahat nakatingin at bumati sakin. Lahat sila nginitian ko kahit sa elevator. Bakit ganun ung mukha nilang lahat? Parang ngayon lang ba sila nakakita ng taong nakangiti?  Hmmmm  sabagay. On a normal day, poker face kasi ako sa office. Yung tipong matatakot kang kausapin ako dahil sobrang serious face.  Pag pasok ko sa floor lahat sila parang nataranta at nagulat. Naririnig ko pa. "Uy andyan na si Ms. Vergara!"  "Hoy wag ka magjoke mamaya pa yun darating. End of the world na ba? Di yun papasok ng 8am noh."  "May sakit ba si Ms Vergara? Nakangiti pa oh!"  Haaaay ang daming comments! Kaya ang ginawa ko para mas lalo silang magulat.... "Good morning everyone. I hope you will all enjoy your day."  (insert Ms. Universe smile)  Yung mga kaninang nakaupo at walang pakialam na hindi naniniwalang andito ako eh parang tinusok ung mga pwet at biglang napatayo.  "G-gu-gu-good morning Ms. Vergara!"  Iniwan ko na silang lahat na nagtataka. Nakita ko si Denise sa labas ng pintuan ko na parang takang taka rin. Ang sarap tingnan ung mga epic faces nila.  "Good morning Denise! How are you today?"  "I-I'm fine Ms. Vergara. Are you okay? Do you need anything?"  "Of course. I'm okay. Why will I not be okay? I'm good you can continue your work."  "Nothing Ms. Vergara. Thank you."  Lumabas na siya ng room ko. Pag upo ko, bigla kong inikot ang chair ko at tiningnan ang view. Nakikita ko mataas ang sikat ng araw. Nakikita ko lahat ng taong nagmamadaling maglakad. Nakikita ko ang kotse na nakapila sa kalsada. Nakita ko yung ulap nagfoform ng ibat ibang mga shapes, parang may smiley face pa nga eh.  "So it is true. Andito ka na pala talaga. First time ah. Anong meron Ms. Not-a-morning person?"  Inikot ko ang upuan ko at nakita kong si Jam na nakapamewang at nakangiti ng sobra kaya ayan di nanaman nakikita ung mata niya. Dito rin nagwowork si Jam. She's on training. Training para pumalit sa Dad niya. This company is owned by her family. Sabe ng parents niya sa kanya daw ibibigay yung company kaya eto magkasama kame. Since college maganda ang partnership namin ni Jam pag dating sa lahat. Alam kasi namen kung san magaling at mahina ang isa't isa kaya alam namin ano ang gagawin kagad. After graduation, dito na ko nagwowork dahil narin sa request ng parents niya. "Nothing. Diba 8 AM ang pasok sa office, kaya I'm here. Are you not happy Ms. Soon to be CEO? "  "Hay naku Lance. Lokohin mo na lahat ng tao ako hindi mo maloloko. Eh kahit nung college tayo never ka naman pumasok ng ganto kaaga noh. Ni hindi ka nga kilala ng mga prof natin sa umaga noon dahil di ka pumapasok. Now tell me the truth ano ang nangyare?"  "Ms. Tan, can we talk about this over lunch? We're on our working hours. Sayang ang pera na sinusweldo ko."  "Whatever Lance. Make sure to tell me or else F.O. tayo!"  "Wow! Feeling mo teenager ka pa sa mga terms mo? Sige na go. I know you also have a lot to do. Let's meet sa favorite resto natin mayang lunch. "  "Hmmm. Mukhang good news nga ah. Sige, see you."  Umalis na siya. Di ko na napansin ang oras. Sobrang busy. Reports, meetings, planning, monitoring, emails, etc. Lunch na  pala. Bumaba na ko ng office at pumunta sa favorite naming Korean restaurant ni Jam. Alam na ng mga tao dito ano ang order namin ni Jam kaya ngumiti lang ako nagsimula na silang magprepare. Di naman kasi kame mahilig ni Jam magpalit palit ng order, pag nagustuhan namin, favorite kagad namin. Maya maya lang dumating na ang walang mata. "Tagal mo naman. Akala ko di ka na pupunta eh."  "Woooo. Para ano? Para di ka na magkwento? I would never miss this! Game kwento! Ayoko ng may iniiwan kang details ah! Tell me EVERY LITTLE THING!"  Ayun kinwneto ko sa kanya simula nung nakita ko si Pat hanggang sa nangyare kagabe. Lahat ng details. Ganto talaga gusto niyang kwento eh. "Hoy Jam! Back to earth! Tapos na ko magkwento! Tulala ka naman. "  Pano ba naman nawalan na ng boses? Hindi na nagsalita? Nakabuka pa yung bibig. "OH MY GOSH LANCE! Wow lang! Actually, parang tinatanggap ko na nga noon na hindi to darating eh. Pero eto na."  "Anong pinagsasabe mo? Wag mong sabihing dadagdag ka sa mga kaibigan nating nagconfess ng feelings sakin? No way Jam!"  "Baliw! Sobra lang sa pagkafeeling? Lance, this is it! I think she's the one?"  "Anong she's the one? Agad agad? Di pa kame masyadong magkakilala!"  "Lance ano ka ba. Di mo ba napapansin ang effect niya sayo? The first time you saw her. Tapos the first time you talked to her. Kung ibang babae yan hindi mo kakausapin yun. Naguusap kayo na parang walang katapusan. Hindi ka naman madaling magkwento at mag open na tao. Hindi ka basta basta nakikipagusap ng ganyan. Tapos ano? Maaga ka ngayon? Good vibes pa? Narinig ko pa mga tao sa office kanina na nginitian mo sila? Eh daig mo pa si Lady Gaga sa Poker Face mo sa office eh. That smile that you have today, I have never seen that smile in years! Wag mo na ideny. She got inside this."  Turo nya sa puso ko. Totoo ba talaga to? Di ko napapansin pero parang oo? "Pero Jam, oo nga ganto at ganun siya. She has this effect on me. Pero Jam naman, STRAIGHT! As in sa tuwid na daan ang direction niya!"  "Lance, ikaw ba talaga yan? Kelan naging problema sayo yan ha? Sa tatlong naging ex mo, ano ba sila bago naging kayo?"  "Straight."  "See? Tapos ngayon mo pa yan proproblemahin."  "Bahala na. I'll think about it. Go with the flow nalang muna siguro. Enjoy lang."  "Lance, don't be too hard on yourself. You've been hard on yourself for the past 5 years. I think it's time for you to open your heart. Not only to love but to be happy. You deserve it Lance."  Naisip ko na yun. Tumagos sa puso ko ang sinabe ni Jam. Tama siya. Masyado kong iningatan ang puso ko ng matagal. Baka nga oras na para ayusin ko na to.  Bumalik na kame sa office ni Jam. I was in the middle of doing my reports ng bigla akong pinatawag ng Vice President namin. Kailangan ko daw pumunta bukas sa Cebu. Isa sa mga planta namin ang nagkaproblema at kailangan kong ayusin un kagad kung hindi, malaki ang mawawala sa company dahil sa delay. Lumipad ako papuntang Cebu first thing in the morning. Sa sobrang busy at gusto ko na matapos ang lahat di ko namalayan Friday na pala.  Nasa hotel na ko. Grabe sa walang tigil kong trabaho for the past week parang ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod. Naalala ko si Pat. Kamusta na kaya siya? Kinuha ko ung phone ko para itext sya. Tinatype ko na ang pangalan niya ng biglang... NO RESULTS FOUND. Badtrip naman o! Di ko parin pala nakuha number nya! Hay Krystalance Vergara napaglihian ka ba ng katangahan ha?! Grrrrr!  Haaay di bale Saturday na bukas, usapan naman namin na pupunta syia sa CEB. Makikita ko na siya. This time kukunin ko na talaga yung number niya. Promise! Cross my heart hope no one dies.  Saturday.... Tinapos ko lahat ng paperworks at pinirmahan lahat ng kailangan para matapos na ang lahat. Dumeretso ko ng airport 6:00 PM ang flight ko. Sakto pagdating ko dun, party mode na lahat. Perfect timing. Hindi ako makapaghintay. Kulang nalang ako na magpalipad ng eroplano para bilisan lang makarating. Gustong gusto ko na siyang makita. Feeling ko miss na miss ko na sya. Feeling ko kulang ako ngayon at siya lang magpapakumpleto sakin. Haaay Patricia Jimenez ano bang ginagawa mo sakin?  Pag dating ko ng Manila, agad akong pumunta sa bar. Nakita ko andun na silang lahat. Palingon lingon ako. Hinahanap ko si Pat... "Hoy Lance! Baka mabali na ang leeg mo! Sino ba hinahanap mo?" "Ah Lara. Asan na si Pat? Ano oras ba daw siya pupunta?" "Ha? Di ko alam eh. Di naman nagrereply eh. Text mo."  "Sige ano ba number?"  Inabot sakin ni Lara ung phone niya at tinext ko na si Pat. TO: 091******** Pat, it's Saturday night. San  ka na? - Lance 5 mins... walang reply. 30 mins... walang reply. 1 hour... walang reply. 2 hours..... 3 hours.... Lasing na silang lahat. Namuti narin ang mata ko. Nangawit na ang kamay ko sa kakahawak ng phone ko. Di ko kasi binitawan. Kasi baka di ko marinig o maramdaman ung vibrate pag nagreply siya. Pero wala. Eto naguuwian na ang mga tao. Nagliligpit na ang mga waiter.  Pero wala. Feeling ko 0% ang energy ko, happiness ko at parang ang ung puso ko biglang bumagsak.  Bakit wala siya? Bakit hindi siya nagpunta? Bakit hindi man lang siya nagreply?  Haaaay. Wala pa nga ko sa first step. Wala pa ngang kahit anong plano para mag first step. Wala na agad.  Haaay tama na nga rin siguro to para habang di pa nagsisimula to, wala na.  Back to normal Lance. Balik mo na ang puso mo sa freezer. --------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD