Chapter 10 - Endorsement Isang linggo na ang lumipas mula nang araw ng reception. Hindi ko din alam kung paano ako nakatagal ng isang linggo sa hirap. May araw na hindi kami kumakain o umiinom man lang. Wala rin kaming tigil sa pag-eexercise kahit gabi o madaling araw. Wala na kaming itinutulog. Sobrang dami nang nag-ququit. Inaayos na nga ang mga papeles nila para tuluyang makalabas pauwi sa kanila. Nung una, paisa-isa lang. Hanggang naging 234 nalang kaming natitira out of 350. Sabi ng ibang officer, mas lalo pa daw kaming mababawasan sa pagdaan ng mga araw. "Double time! Ayokong makakita ng kahit katiting na lukot dyan," sigaw ni Ma'am Bayona kay mate Nalog na taga-ayos ng kobre kama. "Yes ma'am!" Sigaw nya bilang sagot. "Ongga-as! Yang pillowcases puting puti dapat," bulyaw naman

