Chapter 9 - PMA Hindi ko mapigilan ang kalampag ng puso ko sa dibdib ng makita ang pag-martsa ng mga kadete na mag-wewelcome sa amin ngayon dito sa Borromeo Field. Oo. Reception Rites na. Sobrang bilis na parang kahapon lang, kakapasa ko lang ng cadetship application form. Ang reception rites ay ginagawa tuwing April 01. Ito ang paraan ng pag-wewelcome sa mga bagong pasok, o plebes. Pero isa itong bukod tanging welcoming rites. Bakit? Simple lang. Papahirapan lang naman kami sa sobrang daming exercise ng mga upperclassmen, o yung mga higher year. Kung yung iba e may pa-banner at paghahanda para sa mga bagong dating, kami, laksa laksang pahirap ang ganap. Dito pinahihirapan ng sobra sobra ang lahat ng mga plebo, o mga bagong dating. Dito pagsasama-samahin ang training na nag-coconsist ng

