Chapter 26 - I Like Your Answer Sa ganitong oras ng buhay ko kinaiinisan ang military confidentiality rule. Wala ba akong karapatan mainis? Syempre, wala. Dahil sundalo ako. Pero dahil sa confidentiality na yan, hindi ko man lang napaghandaan ang sandaling ito. Sandali kung saan kasama ko ang past at present ko nang wala man lang akong ka-clue clue. Sandali na kailangan magpapanggap ako na parang ayos lang lahat dahil, trabaho ito. Seguridad at kaayusan ng bansa ang nakasalalay dito. Buhay ng mga mamamayan na pinangako naming poprotektahan ang nakataya. Kaya kahit mahirap, wala akong magagawa dahil ito ang sinumpaan kong tungkulin. Bawal akong umarte. "This will be the men's quarters during your stay here in Benham." Saad ni Dos habang pinapakita sa amin ang malawak na kwarto. "

