Chapter 25 - Hell Of A Mission Walang gana kong pinaglalaruan ang gulay na nakahain sa harapan ko dito sa mess hall. Binabali-baliktad ko iyon gamit ang tinidor habang wala sa sariling pinapanood ang galaw nito. Pakiramdam ko, tinraydor ako ng tadhana. Palagi naman akong tinatraydor niyon, pero parang hindi pa din ako nasasanay. Akala ko, mapag-hahandaan ko ang muli naming pagkikita. Akala ko, maihahanda ko ang sarili ko- yung tipong taas noo ko syang mahaharap kasi handa na ang puso ko. Pero mali ako. Hindi pa ako ready. "Captain." May kamay na nagpabalik-balik para kuhanin ang atensyon ko. Nilinga ko kung kanino iyon nagmula at nakita kong lahat silang limang kasamahan ko ay nakatingin sa akin. "Ha? May sinasabi kayo?" Tanong ko. Ibinaba ni Piccolo ang kutsara at tumigil sa pagkain.

