Chapter 4 - One Day
Mahirap daw i-voice out kapag gusto mo ang isang tao. Kaya nga marami yung population ng mga natotorpe. Hirap daw kasi silang sabihin ng direkta.
Ang karaniwan kasing nangyayari, puro mabulaklak na salita. Yung tipong sa sobrang daming paligoy-ligoy, pwede ka nang gumawa ng kanta o tula.
Yung goal mo ay pakiligin yung sasabihan mo. Yung tatatak sa kanya ang sinabi mo kasi pwedeng quotable quote? Yung tipong pwedeng maiyak sa touch yung sinabihan mo.
I know that because Travis is not the first to confess to me. May mga nag-try na mapanalunan ako through flowery, meaningful and touching words. Yung tipong nobela na? Kaya nung diretsahang sinabi ni Travis na gusto nya ako, hindi ko iyon maalis sa isip ko.
Tumatak iyon dahil naiiba sya.
Nagpapa-ulit ulit iyon sa utak ko kahit wala man lang kalaman laman bukod sa salitang gusto kita. Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan ng sobra sa simpleng mga salitang iyon. Samantalang, wala man lang akong naramdaman kahit katiting na epekto ang mga narinig ko na noong mas mahahaba at meaningful. Agad agad lang iyong pumasok at lumabas sa tenga ko na parang narinig ko lang at hindi na-digest. Pero yung sinabi ni Travis? Para iyong sirang plaka na nagrereplay sa utak ko.
Paulit-ulit yung boses nya at paulit ulit ko ding nakikita ang mukha nya, yung ngiti nya.. Ilang araw na pero parang nag-hang yung utak ko sa araw na sinabi nyang gusto nya ako.
"Earth to Dria!" Nagulat ako nang pumalakpak si Dawn sa harap ng mukha ko.
Napansin kong isang buong hilera na silang nakatingin sa akin dito sa lamesa sa mess hall. Mess hall ang tawag sa dining area namin, na sa kasalukuyan ay amin ding waiting area kapag bawal umakyat sa barracks. Wala nang ginagawa at hinihintay nalang namin iserve ang last boodles o ang huling pagkain dahil uwian na ngayon. Akalain nyong isang linggo ang mabilis na lumipas?
Ang grupo namin napag-desisyunan na mag-kwentuhan nalang kesa yumuko at umidlip habang naghihintay. Ang kaso, lumulutang talaga ang isip ko.
"Sorry ano nga 'yon?" Tanong ko.
"Sabi namin ang ganda mo," sagot ni Esther.
Natawa kaming magkaka-ibigan.
"Parang 'di naman," napalingon kami bigla sa kabilang grupo ng mga babae na nasa katabing mesa.
Sila yung naunang batch. Underage passers kasi kami. Sila, originally all girls. Yung batch lang namin ang may mga lalaki. Sampung lalaki to be exact. Pinilit naman naming maging close din sila ang kaso, may ugali talaga yung mga girls na ito. Lalo na yung tumatayong leader, si Keena, na sya ding nag-react ngayon ngayon lang. Tumawa pa sila at hindi ininda ang tingin namin.
"Pigilan nyo ko, ibabaon ko yang kamukha ni Jinkee Pacquiao," bulong ni Rubilyn na nang-gagalaiti.
Natawa kaming lahat sa sinabi nya kaya tumingin uli sila Keena at inirapan kami. Ewan kung bakit parang sa akin pinaka-mainit ang dugo nya.
"Travis! Red! Zaijan!" Tawag ni Kaye, isa sa mga alipores ni Keena.
Napalingon ako sa likuran only to see the flawless face of Travis Villareal approaching with the other male candidates. Alongside him was Red and another guy whose name is Zaijan. Parang silang tatlo ang leader ng boys.
"Bakit?" Tanong ni Zaijan saka lumapit sa table nila.
Umikot si Travis at Red paibang direksyon ang kaso ay hinarang sila ni Keena.
"Travis, ikaw ba talaga yung nasa video na pini-em sakin ni Kaye?" Patanong na sagot ni Keena.
Halatang nagpapa-cute sila. Syempre babae ako. At alam ko ang inaasal ng kapwa ko babae.
"Uh-huh," cool na sagot ni Travis.
"Ang galing ng axe kick mo. Kaso medyo kulang sa rotation. If you like, pwede kitang turuan," excited na sabi ni Keena. "May malapit na Muay Thai gym dun sa atin. Around Lipa ka lang din 'di ba?"
"No thank you," sabi ni Travis sabay talikod.
Ni hindi man lang ata sya nag-isip sa offer ni Keena.
"Tara labas tayo," aya ni Fairy. "Andaming higad dito e."
Agad kaming tumayo sa pag-kakaupo namin saka diretsong lumabas doon sa shed ng Liaison. May dalawang bench dito kaya dito kami naupo. Mas mahangin kahit tanghaling tapat, at mas tahimik kesa sa loob.
"Gusto ko tuloy ng softdrinks bigla," sabi ni Dawn nang may dumaang marine trainee na umiinom noon.
"Tara bili tayo!" Agree ni Czarina.
Tumayo silang lahat pwera sa akin.
"Sige guys kayo nalang. Ayoko," sabi ko.
"Sigurado ka buds? Alis na kami," paninigurado pa ni Jellie.
Tumango ako at ngumiti. Agad silang umalis dahil malayo layo pa ang tindahan. Isa yun sa dahilan kung bakit hindi ako sumama. Sobrang init at baka makita ko uli yung manyak.
"Pwedeng maupo?" Napatalon ako ng may magsalita sa likod ko.
Travis.
He really has this habit of freaking the hell out of me, doesn't he?
Natawa nanaman sya.
"Did I scare you?" Tanong nya.
Umiling ako. "Nagulat lang. Kung may sakit ako sa puso matagal na akong patay."
Tumango tango sya habang nakangisi saka tumabi sa akin. Umihip ang malamig na hangin sa ilalim ng sikat ng araw.
"I wanna show you something," sabi nya saka inilahad ang cellphone nya.
Pinindot nya ang gallery at ang video section.
"Yan ba yung video na pinag-uusapan nyo ni Keena?" I asked.
Hindi ko alam kung bakit may tono ng bitter ang pagkakatanong ko.
"Yeah," sagot nya. "Just watch. Hindi yan nakakagulat."
Pinindot nya ang play button at ni-rotate ang screen. Matama naman akong nanood at tumutok doon out of curiousity.
Nagsimula ang video sa kantyawan ng mga lalaki, yung iba mga buddy namin at yung iba parang matatanda na at hindi ko kilala. Nakapaligid sila at nakapabilog.
Sa likod nagmula yung nag-vivideo at para silang nag-rariot dahil magulo ang kuha.
"Excuse me," sabi nung nag-vivideo at saka nakiraan para makuhaan ang kung ano mang nakaka-agaw ng atensyon.
In no time, nakarating yung nagvi-video sa harapan. May dalawang lalaki sa gitna ng bilog, na gawa din ng iba pang boys.
Pumapaikot ikot sila habang nakataas ang mga kamay na parang mag-boboxing. Yung parang sa mga pelikula.
Mukha silang pamilyar sa akin. Napalapit yung isa sa camera at namukhaan ko kung sino.
"Teka! Ito yung manyak na lalaki!" Sigaw ko sabay tingin kay Travis tas balik sa screen.
Mas lalong nanlaki ang mata ko ng mahagip ng video ang kalaban nung manyak.
"Ikaw 'to!" Sabi ko. "Ikaw 'tong kalaban!"
Bumalik uli ako sa panonood. Nakita kong unang umatake ang lalaki. Napahawak ako sa bibig ko dahil muntikang tamaan sya ng suntok. Nakailag si Travis at sumugod paibaba para tamaan ang kalaban sa sikmura.
"Yan tama yan! Sige pa! Sipain mo pa!" Pumapalakpak pa ako habang nagsasalita.
Napapasigaw ako dahil sa intense ng fight scene nila na parang sa pelikula ang peg.
"Ilag!" sigaw ko.
Natamaan si Travis ng suntok sa labi. Nakita ko pang tumulo ang dugo dun.
"Ouch ang sakit nyan!" Saad ko na napapahawak sa bibig.
Pinunasan nya agad iyon at ngumiti ng nakakainis kaya umatake uli yung lalaki. Sabay sa pag-lapit nun ang pag sipa nya ng malakas na pinatama nya sa mukha nung lalaki.
Successful syang mapatumba iyon at napatulog pa nga ata dahil sa panga lumanding ang sipa nya.
Napahiga sa daanan yung lalaki.
"Wag ka nang tatayo." Utos ko sa kalaban ni Travis habang dinuduro iyon sa screen.
At dun na nga nag-end ang video kaya napa-buntong hininga ako.
"Hay salamat natapos na din," I exclaimed holding out a deep breath of relief.
Nilingon ko sya at nakangiti lang sya sa akin na parang tuwang tuwang nanood ng cartoons na pambata.
"Grabe ang galing mo dun!" Sabi ko sakanya. "Yung sinuntok mo sya ng sunod-sunod tas, boom!"
Itinaas ko ang kaliwa kong paa. "Sipa sa panga! Knock-out!"
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang dumugo nyang labi kanina kaya agad ko syang nilingon.
"What are you doing?" Tanong nya habang chinicheck ko ang mukha nya.
I sighed. Hindi na iyon visible.
"Akala ko may sugat ka pa," sabi ko.
"Concerned much?" Ngisi nya habang itinaas ng playful ang isang kilay. "That was a week ago. Ngayon ko lang naipakita sa'yo."
Silence.
"Bakit kayo nag-away?" Tanong ko.
Kahit mukhang alam ko ang sagot doon, I wish the answer was different.
"Come on, Adie." Here goes the nickname and the smirk. "You're fond of playing the fool, aren't you?"
Tumahimik ako.
"He insisted on seeing you. Kaya napuno na ako," dagdag nya.
He is my savior, isn't he? Knight in shining armor? I think he really is.
"I guess I owe you again," sabi ko. "Hindi ka naman tumatanggap ng thank you di ba?"
Ngumiti sya.
"Yeah, you got it right." Sabi nya.
Tumango ako. "Another 30 minutes of my time?"
"That was life and death situation. I could have died tapos thirty minutes lang uli?" Pagmama-OA nya.
Natawa ako kasi halata namang hindi sya nahirapang manalo dun sa lalaki tapos life and death agad ang comparison nya.
"Okay then. You tell me," sabi ko.
He smiled. A smile that made my stomach flip, and my heart race.
"Isang araw," he answered. "Isang buong maghapon kasama ka."
And like the wind that gently blows out of nowhere, a strange feeling inside me suddenly popped out.
Kung ano iyon, hindi ko pa sigurado.