Chapter 3

1227 Words
Chapter 3 - Their Beginning Apat na araw na kaming nag-iistay dito sa Liaison. Alas-onse ang tulog araw-araw, tapos ang gising naman ay alas-dos para makapag-prepare ng sarili. Madalas natutulog na akong naka-sapatos na. Tapos ay suot na din ang damit kinabukasan para hindi ako mahirapan. Toothbrush nalang at konting pulbo, good to go na. Atleast, pwedeng ma-extend ko pa nang ilang minuto ang tulog ko. Gaya ngayon. "Mga buds, form daw sa court in five minutes!" Sigaw ni marcher. Marcher ang tawag sa tumatayong pinuno ng mga pulutong; alpha at bravo. Bawat platoon o pulutong may kanya kanyang platoon leaders. Ang marcher, kumbaga, ang pinaka leader ng mga leader. Gets? Ah, basta. Napakamot ako sa ulo habang pupungas pungas na umupo. Bakit ba kasi ang sarap sarap matulog e. Bumaba ako mula sa upper bunk at dumiretso sa cr para mag-ayos. After mere seconds, narealize kong halos lahat ay nagtatakbuhan na. Holy alveoli! Formation na nga pala in five minutes!Dinalian kong mag-sipilyo pagtapos ay ipinatong ko nalang iyon sa surface ng kama ko bago tumakbo pababa. Nakakainis. Ako nalang ata ang mag-isang naiiwan. Madali akong nag-tatakbo pababa ng hagdan, but still careful not to make a noise dahil sa ilalim ng hagdan ang kwarto ni Sir Periodico. "Ahh!" Kung sinuswerte nga naman. Natapilok ako three steps away from the ground. Kung mas sinuswerte ka nga naman. May nakasalo sa akin. Way too clumsy, Dria. Buti nalang at may nakasalo sayo. "Ayos ka lang ba?" Magalang na tanong sakin nung nakasalo sakin. Napatingin ako sa kanya. Sya si cutie guy na chinito holding silver maleta na tumitingin sa akin nung first day. Ano ngang name nito? Ka-platoon ko tapos hindi ko alam ang pangalan. Cracking, nuts. Nanlaki bigla ang mata ko when I realized na nakayakap sya sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Out of immediate response, naitulak ko sya palayo. Really, Dria? After he saved you? "S-sorry," napakamot ako sa ulo ko while I bit my lower lip in embarassment. Natawa sya at lalo lang nawala ang mga mata nya. "Okay lang," sabi nya. "Red nga pala." "Adrianna. Dria nalang." Tumango sya habang nakangiti. I swear he really looks adorable. "Okay ka lang ba, Dria?" "Ah, oo. Nagmamadali kasi ako kasi-" Nanlaki bigla ang mata ko. "Yung formation," sabi ko sabay takip ng bibig ko. "Dali!" Hinawakan ko agad ang pulso nya at hinila sya para tumakbo palabas. Madilim pa dahil mag-aalas tres pasado pa lang ata, pero kitang kita ko ang linya ng mga nakaputi sa court kahit malayo layo sila. Late na ata kami. Papalapit na kami nang mapansin kong wala pa pala si Drill Sergeant. Thank you Lord! The best ka po talaga. Agad kaming sumingit sa mga puwang na iniwan ng mga buddy namin sa Bravo platoon. Nilingon ako ni Red at nginitian. Napansin iyon ni Travis na katabi nya sa form, kaya lumingon iyon sa likuran nya probably to see who his squadmate is smiling at. Ngumiti ako pabalik at nakita din nya iyon. Kami kasi ang magkatapat. Sa first squad kasi sya at ako sa second. Isa pa, palinga linga din kasi sya. "Attention daw," sabi nya kay Red. Agad sumunod si Red at itinoon na ang atensyon sa harap. Nginitian nya ng matipid si Travis bago tumayo ng matuwid. Mga ilang minuto pa ang lumipas at bumukas na ang dalawang spotlight. Panandalian kaming napapikit sa silaw pero nag-adjust na din after a few sec. Maya maya din ay lumabas ang nag-iinat na si Sir Periodico at Sir Claveria mula sa dilim. Naghihikab pa sya at halatang antok na antok pa. "Count off mo marcher," sabi nya. "Yes sir," tugon naman ni marcher. Isa isa kaming nagbilang at pagkatapos ay pinag-exercise na naman kami. After 60 push ups, 60 jumping jacks, 45 squat thrusts, 30 high-knees, at iba pang overload exercise, natapos din kami sa morning drill. "Bravo dito tayo sa baba. Alpha sa barracks maglilinis," order ni marcher. Agad kaming sumunod at kumuha ng mga tingting at dustpan. Pare-pareho kaming mukhang naligo sa tagaktak ng pawis namin kahit malamig pa ng bahagya dahil madaling araw. Sa court kami na-assign maglinis. Nakakainis dahil basa ang mga dahon ng acacia kaya ang hirap walisin. Nakadikit pa kasi sa hindi finished na semento kaya kailangan ng matinding effort para mabakbak. "Anong meron sa inyo ni Red?" Nagulat ako sa biglang sumulpot na si Travis. Napatalon pa nga ata ako e. Paano, ibagsak daw ba yung dustpan sabay salita? "May plano ka bang patayin ako?" Napahawak ako sa kumabog kong dibdib. Hindi pa sya sumasagot pero agad nya akong kinaladkad palayo sa mga kasamahan namin. "Hoy teka," di pa din sya tumigil sa pagkaladkad sa akin. Dire-diretso lang sya sa paglakad papunta sa ilalim ng puno ng mangga sa tapat ng Dental section. Panay pa din sya sa paglinga. "Teka, teka nga. Ano bang ginagawa natin dito? Mapapagalitan tayo nito e. Neglect of duty," sabi kong paranoid. Aalis dapat ako kaso hinila nya ako. "Ang OA ng neglect of duty mo," sabi nya.  I rolled my eyes. "Thirty minutes of your time," sabi nya. "Anong thirty minutes of my time? Baliw ka ba? O may tililing? Lagot tayo," saad ko sabay pameywang. "You can't say no. You already promised me you'll give thirty minutes of your time," sagot nya habang tinuturo ako. Napaisip ako. Oo nga pala. Um-oo ako pagtapos nya akong tulungan. "Ngayon na talaga? Hindi ba pwedeng pagtapos na nitong CPE?" Tanong ko. He crossed his arms and shook his head. "Ngayon na," sagot nya. Umirap uli ako sa kawalan. "Okay, okay. Fine!" Sabi ko sabay taas ng kaliwang kamay ko. Pinindot ko ang smart watch ko para magbukas ito. "And what exactly are you doing?" Tanong nya. "Duh, syempre nag-ooras." "Seriously?" Tinignan ko sya ng 'what' look at umiling naman sya habang natatawa. "And thirty minutes starts..." "You gotta be kidding me," "Now!" Akala ko magsasalita na sya kaso tinitigan nya lang ako. His stare is different. It makes me feel uneasy and nervous. "Oh? Ano na?" Tanong ko. "Sayang oras." Umihip ang malamig na hangin at bahagyang nagulo ang buhok nya na messy naman talaga. "You did not answer me," seryoso nyang sagot. "What's with you and Red?" Nakaka praning ang pagpapalit nya ng aura. Kumunot tuloy ang noo ko. "Anong samin?" Tanong ko. Silence. "Gusto mo ba sya?" Diretso nyang tanong. Nanlaki ang mata ko. "Ano? Hindi!" Sagot ko. "Natapilok ako kaninang umaga bago ang drills. Nasalo nya ako." Bumuntong hininga sya at napapikit. Ang ganda pala ng mga pilik mata nya. "You scared me, Adie." Sabi nya sabay mulat ng mga mata. "Adie?" Tanong ko. "Sinong.. Adie?" Bangag ba 'to? Baka mali ng kinakausap. "Your nickname, silly." Sabi nya sabay tawa ng nakakaloko. "My nickname? Baka mali ka ng kinakausap," sagot ko. "Dria ang nickname ko." Lalo syang natawa. "I made you a new nickname, I guess." Sabi nya sabay taas ng balikat. Bipolar ba sya? How can he shift from being serious and then suddenly back to the playful one? "Ginawan mo ko ng bagong nickname?" Tumango sya na parang casual lang. "At bakit mo naman ako ginawan ng bagong nickname?" Ngumiti sya at yumuko. "Because you're special." Tugon nya. Bumilis ang t***k ng puso ko at nagsimula nanamang uminit ang mukha ko. Don't overreact, systems. Baka mali tayo ng intindi at rinig okay? Kalma lang. "I'm.. special?" Paglilinaw ko. He leaned forward at ako naman napaatras. A big meaningful smile crept to his face. "You're special to me," sabi nya. Hindi ako nakapag-salita. Natulala lang ako nun dahil pakiramdam ko nawala ang kakayahan kong magsalita. "And I want to be special to you, too. Gusto ko ako lang yung iba ang tawag sa'yo. That way, I'll be different from the rest." Proud nyang sabi. Ngumiti sya at pakiramdam ko pati mata nya ay nakangiti sa akin. "At bakit mo naman.. g-gustong maging s-special sakin?" Nabulol na ako sa sarili kong mga salita. Lumapit sya at pinitik ng marahan ang noo ko. "Come on. Don't play the fool," tugon nya. Napalunok ako. I don't want to assume. Ayokong mag-isip ng iba lalo na ang maglagay ng meaning sa mga salitang pwedeng may ibang kahulugan. "You know I like you, Adie." He straight-forwardly told me. And that was how our love story began.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD