Chapter 2

1245 Words
         Chapter 2 - Savior Pagpasok sa orientation room ay naupo agad ako sa harapan. Mas gusto ko kasing mas malapit sa speaker para mas naiintindihan ko at less ang distraction. "Okay settle down," paunang salita ng isang lalaki na naka-GOA. Sa gilid nya nakapatong ang projector at isang Sony Vaio na laptop. Nakadikit naman sa pader ang isang clean, white tarpaulin na nagsisilbing reflecting prod ng projector. "Before all, I am Major Julius Ranum. I'm the new director of the Office of Cadet Admissions," sabi nya sa isang mahinahong boses. "Good afternoon, cadet candidates." "Good afternoon sir," bati namin sa isang monotonous na tono. "I would also like to introduce my colleagues. Sergeant Periodico, Sergeant Claveria, and Tactical Sergeant Garcia." Isa isang kumaway ang mga iyon at ngumiti sa amin. Pagkatapos magsalita at mag-introduction tungkol sa mga basics ng akademya — salary, job guarantees at benefits — pinanood sa amin ang isang video na parang isang dokumentaryo mula pagpasok hanggang pag-graduate doon. Kahit mukhang mahirap ang magiging buhay sa loob ng kampo, lalo lang nitong minotivate ang loob kong mag-pursigeng makapasok. Nagbigay si Major ng mga reminders. Gaya ng bawal pumunta kung saan saan at lumabas ng liaison, strictly prohibited ang girls sa room ng boys at vice versa, bawal gamitin yung hagdan sa may unahan, pwede ang dalaw basta sandali lang at marami pang iba. Pagkaraan noon, nagsimula na kaming pumunta sa room assignments namin na tinatawag na barracks. Ang female barracks ay sa itaas kaya naman agad kaming sumunod kay Ma'am Garcia, the only female administrator of OCA. Iginiya nya kami sa itaas na noon ay may laman nang ibang mga babaeng cadet candidates, sila yung batch na naunang dumating kaysa sa amin. Isa-isa kaming pumunta sa double deck na mga kama na ang military term ay bunks. "Hi!" Saad ko sa mga kapwa ko bagong dating. "Ako nga pala si Adrianna. Dria nalang for short." Sinuklian nila ako ng ngiti. "Hi," saad nang isang mapayat at maputing babae. "Ako si Jellie." "Ako naman si Rubilyn," "Ako si Fairy," "I'm Raphaella," "Esther," "Nicole," "Czarina," "Dawn," Sa sobrang dami nang pangalan nila, hindi ko nakabisado lahat agad. Pero ngumiti kami sa isa't isa. Sa upper bunk ako na-assign. Laking tuwa ko dahil sa tapat pa ito ng ceiling fan. Sakto at mainit pa naman dito. "Okay attention," napatingin ang lahat kay Ma'am Garcia. "Change into athletic uniform then meet Drill Sergeant at the court. Make it fast." Agad kaming nagpalit at saka madaling tumakbo sa open field para mag-formation. Isa talagang advantage ang pag take up ng ROTC, atleast I don't look stupid in the drills. "Okay stretching tayo," sabi ni Drill Sgt. Periodico. "Pagtapos nito, two rounds jog. Understood?" "Yes drill sergeant!" Sigaw ng lahat. After a few warming up exercise, nagsimula na kaming patakbuhin palibot sa kampo. Ang audience namin nakaka-panibago. Puro sundalo. But something in me felt different. Parang for the first time in my life, I found where I belong. Parang, I belonged to this place. "Hi miss. Sexy mo naman," a random uniformed man told me. Nagulat ako nang bigla itong humarang sa daan ko, causing me to stop. Tila nakikipag-harangang daga pa ito habang nakangisi sa akin.  Ang laki pa namang bakulaw kumpara sa katawan kong patpatin. "Anong pangalan mo?" Tanong nya. "Mag-PMA ka?" "Excuse po," I tried putting up my tiger look facade. "Naiiwanan na ako ng mga buddies ko." It was partly an excuse dahil hindi pa naman sila gaano nakakalayo dahil puro hingal na. Nakakapagod talaga mag-jog sa hapon. Ngumisi nang pang-m******s ang lalaki. "Ang ganda mo. Bagay tayo," sabi nya. Imbis na matawa ako sa kanya ay tumaas ang kilay ko. Bastos masyado ang dating nya. Kung hindi lang kawalang galang, minura ko na sya gaya ng ibang mga manyak na nakakasalubong ko sa daan. "I really have to get going sir," sabi ko at umabante pero hinawakan nya ang braso ko. Agad akong umatras para ma-ishake off ang hawak nya. "Wag nyo po akong hahawakan," sabi kong nagtataray. Nagulat ako nang may kamay na gumapang mula sa gilid ko para hagkan ang beywang ko. Bahagya akong napatalon at umusog pero hinila lang nya ako palapit lalo sa kanya. Travis. What on earth is he doing? "Anong-" "Ano bang ginagawa mo love?" Pa-sweet nyang tanong. L-love?! San nya nakuha yon? I feel the heat rushing towards my entirety. "Kelan pa-" "Sssh. Wag ka nang maingay. Lalo kang papawisan. Tignan mo oh," sabi nya sabay punas ng pawis na tumutulo sa noo ko. He even leaned forward para mas lalong mapalapit sa akin at ako naman ay pilit lumalayo, kaso mas malakas sya kaya I had no choice. "Ride with it," bulong nya sa tenga ko. "H-ha?" I asked. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa lapit naming dalawa. "I'm saving you, aryt? Umarte ka lang na tayo kung ayaw mong may mag-suntukan dito," sabi nya. Damn slow mind. Bakit ngayon ko lang na-gets na tina-try nya akong iligtas sa kurimaw na 'to? At teka, suntukan? Sino magsusuntukan? "Ano love?" Travis snapped me back to reality. Iniayos nya ako sa pagkakatayo. "Okay ka na ba?" Binitiwan nya ang beywang ko para hawiin ang gulong buhok ko paalis sa mukha ko. Nilakihan nya ako ng mata ng hindi ako sumasagot at nakatitig lang sa kanya. "Ah, eh," pinilit kong ngumiti. "O-oo, l-love." Great. Stuttering. "Good," sabi nya sabay pisil sa pisngi ko. "Let's get going, shall we?" Tumango lang ako habang saglit napatingin sa bakulaw na sundalong humarang sa akin. Para syang nalugi habang pinagmamasdang hawakan uli ako ni Travis sa beywang para itakbo paalis. "Dalian mo. Malayo na sila," sabi ni Travis sa akin. Tumango naman ako. "Sa susunod, wag kang hihinto at kakausap ng hindi mo kakilala." Mukha syang iritado. Pinagmasdan ko ang pagtulo ng pawis nya sa gwapo nyang mukha. Okay, gwapo Dria? Seriously? What? Totoo naman e. Mukha lang syang loko pero hot sya. Hot?! Hot naman? Asffgjl! "You're drooling over my handsome face," nakangiti nyang sabi. I looked away and gulped. Ang awkward mahuli. Dinalian ko nalang lalo ang pace ng jog ko para makahabol sa pulutong and after a few ticks, we were back to jog alongside them. Parang walang nangyari. Parang wala ngang nakapansin na nawala ako at si Travis. "Hey," nagulat ako nang hilahin ako ni Travis para isabay sa gilid nya. "Don't go too far from me. May isa pa tayong round ng ikot. You don't want to be sneak on again, do you?" Tumango ako at sumabay lang sa gilid nya.     After reaching Liaison, isa nanamang ikot ang sinimulan namin. Nung padaan na kami sa kumpulan kung saan galing si bakulaw soldier, humarap sa akin si Travis. "Smile. Show him we're flirting," sabi nya. "Flirting talaga? Ano ako p****k?" My mouth really has no filter. He burst out chuckling. "Watch your words, woman." Saad nya. Umirap nalang ako sa kanya. "Too late to pretend, nakalagpas na tayo." He told me. Tinignan ko ang paligid at malayo na nga kami. Thank God. And of course, thanks to Travis. "Salamat," sabi ko. Ngumiti sya. Isang ngiti na nagpalabo ng background. Parang nagkaroon ng auto-focus at auto-blur yung mata ko. Parang sya lang yung nakikita ko. Parang sya lang ang tao sa mundo. "Sorry to tell you but, I don't accept thank you's." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Hinihingal na ako sa daldalan naming dalawa. "E ano pala?" Tanong ko habang hinahabol ang pag-hinga. Lumapit sya sa akin lalo habang patuloy kami sa pagtakbo. Parang wala man lang epekto sa kanya ang init ng panahon at ang layo ng takbo namin. "30 minutes of your time," he answered casually. Tatlumpung minuto sa isang buong 24 hours na meroon ako, kapalit ng pagligtas sa akin sa isang manyak? I think it's a fair deal. "Sige," sagot ko. Hindi naman iyon malaking bagay di ba? Hindi naman big deal iyon. It is only thirty minutes. Little did I know, that it will be one of the most life changing minutes I could ever have.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD