Chapter 1

1541 Words
    Sometimes, love can hit you like a truck. Rapid and unexpected. - Love Radio     Chapter 1 - How We Met        They say; if you have a dream, you must hold on to it so much to make it possible. Of course, kailangan na magdasal ka din at gumawa ng paraan para makamit mo yun. If there's a will, there's a way nga diba? But if there's no way, then you probably just needed to go and make one. Take my experience for example. Nung bata ako, isa akong dakilang kontesera. Bukod sa suki ako ng mga quiz bees, laman din ako ng mga beauty contests at modelling shows. Mula grade five hanggang second year high school, pinangarap ko ang maging isang flight attendant. Nakakatawa kasi nang tumungtong ako ng third year, nag-iba ang ihip ng hangin at nakalog ang utak ko. Paano, mula sa pangarap kong maging kikay, mahinhin, at magandang stewardess, nag-shift bigla ang pangarap ko sa pagpasok sa Philippine Military Academy. Nakakatawa talaga hindi ba? Muntik nang maging magkapareho o magkaroon ng similarity no? Kidding. Actually, sobrang layo. And as expected, madaming nagulat. More appropriately said was, nagulantang. Maraming nang-underestimate, nang-discourage, nagsabing hindi ko kaya, nagsabing hindi ko mararating yung pangarap na yun. Imposible daw na makapasok at makapasa ako ng PMA. Payatot daw ako at mukhang lalampa lampa. Hindi daw ako bagay mag-sundalo. Kesyo sayang daw ang talino at ganda ko sa isang propesyong hindi naman ako pupwede. I took it as a motivation. Nachallenge ako sa isang bagay na hindi daw ako uubra. Nagtake ako ng entrance exam. Nagdasal nang nagdasal bawat araw, na sana, makapasa. And God really is a God of miracles. Out of almost 13,000 examinees, only 1,500 plus passed. Blessed to know that I was one of those. But that didn't mean na pasok na agad ako. May next step pa at iyon ay ang CPE, o ang Complete Physical Examination. Dito tinitignan kung may diperensya ang mga kandidato sa pagka-kadete. Isang linggo na mag-iistay sa PMA office sa Camp VLuna, para maperform lahat ng tests. "Dria!" Tawag ni Mamshie mula sa labas ng kuwarto ko. Kumatok pa sya dahil nakasara ang pintuan. "Pasok po," magalang kong sagot saka binuksan nya ang pintuan. Ngumiti ako sa kanya bago ipasok ang huling damit sa loob ng bag na dadalhin ko papuntang VLuna. "Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong nya sa akin. Inisip ko sandali kung nailagay ko na ba ang lahat ng kailangan ko sa isang linggo. "Opo," tumango ako. "Okay," sabi nya. "Buhatin mo na yan at ilagay mo na sa kotse." Agad kong sinunod si Mamshie at nilagay sa kotse ang backpack ko na parang sasabog na sa dami ng laman. Pinapainit na din ni Papshie ang makina ng kotse kaya sumakay na ako. "Let's go?" Sabi ni Papshie sakin. Tumango ako nang nakangiti. "Bye Ma," sabi ko sabay lawit ng ulo ko sa window para halikan sya sa pisngi. "Ingat ka," she said. "Magtext ka o mag-chat ha." Tumango ako at saka sinimulan ni Papshie na mag-drive paalis. "Kung hindi pa tayo umalis, she's probably crying now," biro ni Papshie. Natawa ako dahil totoo ang sinabi nya.         "Sobrang traffic talaga," sabi ko habang nakatanaw sa mga kotseng bumper to bumper ang dikitan. "Bakit kasi Friday pa nasakto? Rush hour na kahit maaga pa." Isang oras na ata kaming stuck dito sa North Edsa. Uusog nga, tas mga isang step lang ang equivalent non. Trashy, traffic system. "Ganun talaga. Nasabay ata tayo sa pasukan e. Buti nga di tayo commuters," sabi ni Papshie. Dumungaw ulit ako sa bintana only to see the irritated faces of motorists. Good to know na hindi lang ako ang iritable ngayon. Mga ilang minuto pa kaming nagtagal sa masikip na daloy ng trapiko bago finally, ay makarating sa kampo. Actually, ospital ito ng mga sundalo pero kampo na din kung tawagin.  Dito dinadala ang mga injured sa gyera, mga sundalong may trauma at iba pang may acquired sickness. Dito din nakabase ang isa sa Liaison office ng PMA. Ang pag-iistayan ko. After a few turns, nag-park ang kotse namin sa tapat ng isang lumang style na bahay. May naka-hang na sign sa labas na, Philippine Military Academy Liaison Office. Marami rami na ding nandito. Puro mga may kasama ding pamilya, at bulto bultong bagahe. Siguro galing pa sa malalayo. Bumaba na ako at nagpaalam kay Papshie.  Magbabyahe pa sya ng ilang oras pauwi kaya sabi ko ay ako na ang bahala sa sarili ko. Ayoko na ma-stuck sya sa hinaba habang pila ng mga sasakyan sa daanan. I held myself in the snappiest way I could before sitting down on one of the benches sa ilalim ng shed, sa Liaison. May isang babae sa harap ko na medyo mataba. Kasama nya ang about five big bags sa gilid nya. She caught me staring kaya ngumiti ako sa kanya. Yung isa naman, lalaking tulog habang yakap ang bag nya. Nakanganga pa sya and I bet, naghihilik. Baka maaga pa sya nag-byahe. The other guy only held one luggage bag na kulay silver. Singkit ang mata at makapal na kwadrado ang kilay. Maputi at makinis, tapos clean cut ang buhok. Maganda ang built ng katawan at cute. Pansin kong kanina pa sya tumitingin sa akin mula ng dumating ako pero nag-iiwas ng tingin pag tumingin ako. Hindi ko nalang iyon pinansin at saka kinuha ang cellphone ko sa bag. Inopen ko ang messaging para maitext si Mamshie. To: Mamshieee Papshie's on his way home na po. Already miss you! Naagaw ang pansin ko ng marinig ang magandang tunog ng isang well-tuned na motor ng kotse. Bumaba mula doon, sa isang Audi Matte Black, ang isang lalaki. Matangkad sya at gwapo. Matangos ang ilong, catchy ang mata at maliit na pula ang labi. Yung buhok nya fixed na combed-back.  Sobrang lakas ng appeal nya, parang artista o model. Kaya naman napansin kong halos lahat ay nakuha nya ang atensyon. Nakasuot sya ng simpleng grey na t-shirt at maong, pero malakas ang dating. Binuksan nya ang likod na pinto ng kotse at hinila palabas ang kulay pulang maleta bago dumungaw sa salamin sa loob, at nag-paalam sa driver. Ngumiti sya doon habang itinaas ang isang kamay at kitang kita ko na lumubog ang dimples nya sa pisngi. Accidentally, our gazes met. Upon realizing it, nagmadali akong mag-iwas ng tingin at saka binuksan ang cellphone ko na hawak hawak. Napalunok ako dahil nakita kong natawa sya sa peripheral vision ko. Nakakahiya. Naramdaman kong uminit ang tenga ko dahil don. "Oo mukhang uulan na nga e," dinig kong sabi ng isang babae sa kausap nya sa phone. "Buti nalang may habong dito. Nakaupo na si Kaye." Napatingin ako sa langit sa labas at napansin ang pagdilim ng mga ulap. Sana wag abutan si Papshie. Sabi ko sa sarili ko. "Pwedeng umupo?" Napatingin ako sa nagsalita. Yung lalaki pala. Nakangiti sya habang hinihintay akong sumagot. Umusog ako ng kaunti saka tumango. "Thank you," sabi nya sabay upo sa tabi ko. Tumingin uli ako sa langit. Mukhang ilang segundo lang at babagsak na ang malakas na patak ng ulan. Sobrang dilim. Parang pagabi na pero tanghaling tapat pa lang. "Takot ka sa ulan?" Napatingin uli ako sakanya. Ngumiti ako ng matipid. "Hindi." Hindi ko alam kung saan sya kumuha ng lakas ng loob mag-joke sa hindi nya pa kilala. "I'm Travis Villareal," sabi nya. "Ikaw?" "Adrianna Orteza," I said. "Dria nalang." Tumango sya. "Adrianna," ulit nya sa pangalan ko. "A boy's name turned into a girly one." "Kind of," sabi ko. "Mali ang ultrasound result sa Mamshie ko. Sabi, lalaki daw. So ang pangalan na ready para sa akin ay Adrian. Turns out, I'm a girl." "So they came up adding 'a'?" "Ganun na nga," A thunderclap from afar was heard. Bahagyang nagulat ang iba at ganun din ako. Napatalon nga ako sa pagkakaupo e. Nagulat ako ng tumawa si Travis. "You seemed afraid of the rain," saad nya. "Nagulat lang ako," depensa kong nakakunot ang noo. "Chill," tawa nya. "I was just kidding." Ngumiti lang ako noon. And just in time, lumabas sa nakasarang front door ang isang matangkad at may edad nang lalaki na naka-salamin. "Good afternoon everyone," bati nya sa lahat. "Let's proceed to the orientation hall." Tumayo ang lahat at nagsimulang bitbitin ang mga gamit ng bawat isa. Inangat ko ang travel backpack ko at ipinasok ang makapal na black straps nito sa payat kong mga braso. Napangiwi ako sa bigat. Malamang ay mas mabigat pa ito kesa sa akin e. "You need help?" Tanong ni Travis. Malamang nakita nya ang inis kong reaksyon sa bigat ng bag ko. "Hindi," tipid kong sagot. Normally, ako ang nagsisimula ng conversations sa ibang tao. That is how I gain friends.  Friendly nga daw ako masyado at madaldal. Pero bakit pag si Travis yung nag-aapproach, ang tipid tipid kong sumagot? Bakit parang sobrang conscious ako when he talks to me? Yung tipong parang kabado at di mapalagay? Yung parang may dumi ako sa mukha, o kaya ay matutunaw ako? I'm feeling so uneasy, but not in a way na masama ang kutob ko sa kanya. I just.. I don't know. I really can be unreasonably weird at times. "Why are you so uncomfortable?" Tanong nya habang pareho naming hinihintay umusog ang mahabang pila nang mga pumapasok. Hindi ako nakasagot. Hindi ko din kasi alam ang sagot. Hindi ko inakalang mapapansin nya kasi yun e. "Are you afraid that if you talk to me, you'd fall inlove?" Tanong nya. Napatingin ako sakanya habang nanlalaki ang mata.  To say that I was shocked was an understatement. Natawa sya sa reaksyon ko at parang nagpapasikat ang mga dimples nya dahil kitang-kita ang mga iyon. Pumasok sya sa loob nang may malaking ngiti sa labi. At ako? Naiwang tulala. What did he just say?    ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD