Chapter 33 - Competition Maagang nagising ang lahat at saka kami tumungo sa open field sa loob ng resort. Oval ito at ang sukat ay 5 kilometers per ikot. Ang sabi ni Ma'am Bayona, sports activities ang gagawin namin ngayon. Isinama na nya sa amin ang mga underclass namin para makatakbo rin sila, ang kaso ay puro lalaki lang daw ang mag-papaunahan. 10 km run ang mangyayari, bali dalawang ikot ng oval. So ako ay no choice kundi manood. "Oh, bakit andito ka nanaman?" Tanong ko kay Kath na tumabi sa akin sa bleachers. Humihikab pa ito at nag-iinat. "Baka hanapin ka ni Harvey nyan." "Nag-paalam ako. Isa pa, susunod nga daw sila e. Kasi gusto nilang mapanood din to." Tugon nya. Tumango tango ako at tinignan si Ma'am Bayona na kausap nan

