Chapter 32 - Bonfires and Thoughts Nandito kami ngayon sa shore ng Camp Alejandrino; nakaupo habang pinapagitnaan ang mainit na bonfire. Anim lang kaming nandito dahil binukod ang mga underclass namin sa aktibidad. Ibang camp master ang in-assign para sa kanila kaya hiwalay sila sa aming mga lider nila. "I knew it from the start." Saad ni Dos habang iniihaw ang mallows sa apoy. "This Camp Alejandrino is yours, Angelie." Natawa si Ma'am Bayona sa sinabi ni Dos na katabi nya ngayon habang nakapalibot kami sa bonfire. Katabi ko naman si Kath na kasama rin namin sa bilog-- kaya anim kami. Nagpaalam sya kay Harvey na sa amin muna sya sasama dahil para maka-catch up sa akin. Pumayag din naman ang mga kasama ko dahil wala namang confidential sa gagawin namin.

