Chapter 31 – Camp Alejandrino Lahat kami ay natulala nang ibaba kami ng PAF copter sa baybayin ng isang isla na tila sobrang layo sa kabihasnan. Napayakap ako sa sarili ko sa lamig. Maling-mali na isuot itong manipis kong tshirt. "We will be back to fetch you right after a month in the same time, and same place of your arrival as per order of General Olivarez. Goodluck." Saad ng piloto namin. Wala nang nakasagot sa kanya dahil lahat kami ay puno ng pagtataka. Alam kong hindi lang ako ang nag-iisang tulala dito. Hindi na tuloy namin nagawa pang i-verify kung tama ba ang lugar na pinag-babaan sa amin dahil bigla nalang lumipad papalayo ang helicopter paalis ng isla. "Hoy oy oy! Sandali" humabol pa si Miguel pero huli na sya. Natulala nalang kaming lahat sa ganda ng isla habang pinagmama

