Chapter 47 - The Letter Tulala kong minamasdan ang nag-eehersisyong mga miyembro ng Philippine Marines habang tumatakbo sila sa gilid namin ni Stalone. Nagcha-chant sila habang bitbit nang dalawang nangunguna ang bandila ng kanilang company at branch. Tinignan nila kami at agad silang tumigil nang hindi ko nalalaman kung bakit. Huminto naman tuloy si Stalone dahil akala nya ay kung ano. Sabay sabay naman silang sumaludo na ikinagulat ko. "Ma'am!" Sigaw ng komandante na Tinyente ang ranggo. "C-carry on." Nautal pa ako sa pagkabigla. Pagtapos kong sabihin iyon ay nag-jog muli sila. "Ang taray! Alam na agad nila na Valor Awardee ka, Kapitana!" Tuwang tuwang saad ni Stalone. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ng matipid. Agad nga palang kumakalat ang balita kapag m

