Chapter 48 - A Sudden Change Tunog ng banayad na paghampas ng alon habang hinihipan ng malamig na hangin ang una kong naulinigan. Napamaang ako at paulit-ulit na inaanalisa ang paligid kung nasaan ako ngayon. Para akong naidlip at bigla na lamang nagising. Parang natulala at ngayon lamang binalikan ng ulirat. Sa isang kisapmata ay napagtanto kong nasa pampang ako ng karagatan — nakaupo sa buhanginang pino ang mga butil. Mag-isa sa kawalan. Luminga linga ako ngunit wala akong nakita kundi puro bughaw na tubig na para bang walang katapusan o dulo. Mataas ang araw ngunit wala akong maramdamang init sa balat o sa paligid. Tumayo ako at tumakbo. Naghahanap ng kahit sino, o nang daang palabas. Lumakad parito at paroon pero, bigo. May kung anong lungkot

