Chapter 20 - Risked Again Tumayo ako sa pagka-kaupo ko sa baitang ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit pa ba ako nag-hihintay sa taong pinag-tulakan ko palayo. Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ang tumigil na sya? Dapat masaya ako kasi wala na sya sa buhay ko, na natauhan na sya. Pero bakit ganito? Hindi ko kaya. Nalulungkot ako. Pakiramdam ko, kulang ang lumipas na isang linggo ko dahil walang bulaklak mula sa kanya, walang nakakalokong ngiti nya, mga lumang pakulo, o mga korni na banat. Walang sya. Lalong dumadagdag sa iniisip ko ang report ng napatay na navy personnel doon sa Benham na Major ang ranggo. Paano kung sya pala iyon kaya hindi na sya nakakapunta? Minsan, naiinis ako sa confidentiality rule ng militar. Iyon kasi ang dahilan kung bakit hindi ko alam ang pangalan ng namatay. "

