Chapter 19 - The Dead Major Nakaupo ako sa tapat ng desk ni General Catabungcal habang pinag-tatama ang daliri ko sa kahoy na mesa nya. Sabi nya ay hintayin ko daw sya at may sasabihin syang importante sa akin patungkol sa panibagong misyon. Kukuhanin lang daw nya ang folder na naglalaman ng impormasyon at babalikan din daw nya ako kaagad dito. "Thank you for waiting." Bumukas ang pintuan at iniluwa sya nito. "Sir no problem sir." Sambit ko. Iniabot nya sa akin ang folder bago sya umupo. Binuklat ko ito at binasa ang unang pahina. "Benham Rise, as you see." Sabi nito. "Kailangan ng Navy ang tulong natin dahil namataan uli ang barko na naglululan ng attacker mo, ang kaso, poof! Nawala uli iyon." Umasta pa sya na parang may pumutok na bula. "We need surveillance in air para malaman na

