Chapter 41 - The Mystery of The Disappearing Ship Pumasok ako sa loob ng puting-puting silid. Napakunot ang noo ko sa amoy ng gamot at sa nurse na nag-aayos ng swerong nakakabit sa nakaratay na terorista pero hindi ko na ito ininda pa. I have to get this mission done. May malay na ang kriminal. Nakasandal sa headboard ng kama at nakangiti habang minamasdan ang pagpasok ko. Parang kaswal lang ang lahat sa kanya, bukod syempre sa pagkaka-posas ng mga kamay nya sa magkabilang gilid ng kama. "Captain Orteza." Iiling iling itong nagtatawa. "I heard a lot of things about you." Nagkibit balikat ako habang mainam nya akong inaaral. "Kung ganon, kilala mo na pala ako." Ika ko at saka ngumiti ng sarkastiko. "Mabuti. Dahil kung kilala mo na talaga ako, da

