Chapter 42 - A Show Inayos kong mabuti ang uniporme ko at saka tinignan ang doktor na maiging binabasa ang resulta nang mga isinagawang medical exams sa akin. Umupo ako nang maayos at maigi. Tinignan ko ang relo kong regalo ni Dos, dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong manabik. May isang oras pa para mag-byahe. Kayang kaya to basta't sumangayon ang resulta. "Mmm-hmm." Tumango tango ito bago ilapag papel sa desk nya. "Results are all normal. You are good to go, Captain." Nginitian nya ako at ngumiti rin ako. "Syempre wag mo lang muna masyadong abusuhin dahil healing is a process pero, ayos ka na." Komento pa nya. "Ang bilis mo mag-recover ah! It's just a month. Para kang kalabaw." Natawa ako. "Thank you, doc. Magaling

