Nasaan ako…? Sa isang magandang silid nagising si Rosana. Bumangon siya at nagpalinga-linga, pero ganoon na lang ang gulat niya nang tumambad sa harapan niya ang lalaking naka-dekuwatro ng upo tas naka-cross arms. Umatras siya hanggang sa lumapat na ang likod niya sa headboard ng kama. “Ikaw???” Tumayo si Stanford at humakbang palapit sa kanya. Niyakap niya nang mahigpit ang unan. Umigting naman ang panga ni Stan dahil sa reaskyon ni Rosana na animoy gagahasain niya ito. “Bakit? bakit mo ako dinala dito, hayop ka! hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo, pinagkaitan mo ako. Ipinagkait mo sa akin na masilayan ko sa huli si Sebastian!” Bigla na lang tumayo si Rosana at binato sa kanya ang unan. Natamaan siya sa mukha pero nanatili siyang nakatayo. “Ano pa ba ang gusto mo sa ak

