NAMAMAGA ang mga mata ni Rosana na halos hindi na siya makakita dahil sa sumisingkit na ito. Nandito sila sa isang chapel sa barangay at dahil wala naman silang kamag-anak dito kaya walang nakikiramay. Kanina nandito si Rudilyn pero kailangan niya rin magpahinga dahil may trabaho siya. Naiintindihan naman niya dahil marami rin kapatid si Rudilyn na pinapaaral. Alas dos ng madaling araw paupos na ang kandila sa taul ni Lola Linday pero hindi niya ito napansin. Hanggang tuluyan namatay ang kandila. “Magandang gabi, po.” “Ma’am Rose?” Napalingon siya agad, pinunasan niya ang mga luha. Maraming tao ang nagdagsaan hindi niya kilala ang mga ito. May dalawang babae na mukhang mayaman at ‘yong mga lalake para silang mga… hindi niya maipaliwanag pero hindi sila ordinaryong tao halatang ma

