S—SEBASTIAN… Bakas ang takot sa mukha ni Rosana nang makita ang madilim na awra ng nobyo. Naningkit ang mga mata ni Sebastian at mas lalong lumalim ang gugit sa pagitan ng kanyang mga kilay. “W—What is that face, Rose?” Bumaba ang tono ng boses ni Sebastian, may bahid ng panunumbat at poot. Humakbang pa si Sebastian at siya namang pag-atras niya kaya napahinto si Sebastian. Umigting ang panga ng binata, sinasabi na nga ba isang pagkakamali ang pinayagan niyang makaalis si Rose nang walang alalay. “Sebastia—” Mabilis siyang kinabig ng nobyo at sinunggaban ng halik. Kunot ang noo niya at pilit siyang kumakalas pero mas lalong hinigpitan ni Sebastian ang paghawak sa kanya. Umiyak siya bigla, at bigla rin siyang binitiwan ni Sebastian nang pabalang. Mabuti na lang at nakahawak siy

