Rated SPG. Bawal sa mga tigang! Hindi mapigilan ang mga luhang nagsilandas sa guwapong mukha ng gobernador. Napapukit siya kasabay niyang hinapit ang katawan ni Rosana, isiniksik sa kanyang bisig na para bang natatakot siyang maglaho ito anumang sandali. Mainit at mapusok ang kanyang halik, puno ng matinding pagnanasa at pagsuyo. Napakapit si Rosana sa matigas na balikat ng gobernador, ninanamnam ang init ng katawan nito. Napaawang ang labi niya, ngayon niya lang ulit naramdaman ang ganitong sensayon na una niyang nadama kay Stan—tatlong taon ang nakakaraan. Nang bumaba ang halik ni Stan sa kanyang panga, pababa sa kanyang leeg, napapikit siya at napasinghap. “God, Rosana…” bulong nito habang dinadama ang lambot ng kanyang balat. Para bang isang panaginip ito, matagal niyang pinana

