Nagising si Rosana sa sikat na araw na tumatama sa bintana diretso sa higaan. Bumangon siya na masakit ang buong katawan lalo na ang kanyang gitna. Parang may nakasalang na mais! Inayos niya ang unan bigla siyang napakagat sa ibabang labi nang makita niya ang isang buhok—kulot na buhok sa kama. Shit—bulbol! Tiyak kay Stan ‘to dahil hindi humahaba ng ganito ang bulbol niya. Madalas siyang nagsha-shave! Hinulog niya na lang sa sahig saka muling lumingon. Kukunin niya sana ang isang unan upang pagpagan pero naagaw ng atensyon niya ang isang kumpol ng bulaklak. Nakapatong sa unan, binalutan ng dahon ng saging saka may mga tangkay sa loob at tinalian rin ng manipis na katawan ng saging. Kinuha niya at inamoy. Ang bango! Sumilay ang matamis niyang ngiti—hindi maiwasan kiligin! Ilang-i

