MALALIM napabuntong hininga si Rosana habang nasa harap ng pinto ni Stan. Nakalabas na ito mula sa hospital dahil hindi naman talaga grabi ang natamo nito hindi katulad ni Sebastian kasalukuyan itong nagpapagaling sa hospital. Kumatok siya ng ilang beses hanggang narinig niya ang boses ni Stan. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at binuksan ‘yon. “My Rosana…” masayang bungad agad sa kanya ng asawa. Sinara niya ang pinto at nilapitan ito. “Kumusta na ang pakiramdam mo, baby?” magiliw niyang tinig. Umangat ang kamay ni Stan at hinila siya palapit. Mahigpit siyang niyakap nito, waring sinisigurong totoong nandoon siya at hindi isang panaginip lamang. “Mas okay na ako, lalo na ngayong nandito ka.” Hinagod nito ang kanyang buhok bago marahang inilapat ang isang halik sa kanyang no

