Naglalakad ako habang bitbit ang bulaklak sa aking kaliwang kamay. Limang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng mawala silang dalawa sa buhay ko pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan at magtanong. Sa limang taon na 'yon walang nag bago randam ko pa rin ang sakit at kirot ng puso ko sa tuwing dadalaw ako. Ang sakit sakit pa rin. Sobrang sakit pa rin talaga. Hindi ko pa rin maiwasang mag tanong. May magbabago ba kung sakaling hindi ako naghabol? Kung sakaling nakinig ako kay Daddy hindi ba sila mawawala sa buhay ko? Kasama ko kaya sila ngayon? Tinanggal ko ang tuyong dahon na nakakalat sa ibabaw ng dalawang puntod tsaka ko nilapag ang dala kong bulaklak at nag sindi ng dalawang kandila na sa tabi ng dalawang lapida. "Kumusta sa langit Daddy? Masaya ba kayo diyan ni Mommy? Inaalagaa

