"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?" gulat na gulat kong tanong. Nanlalaki pa ang mga gulat na gulat kong mata at halos umusok ang ilong ko sa inis dahil nasa harapan ko siyang muli. Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito. Umawang ang labi ko sa ginawa niyang pag ngiti. What's wrong with him? Kanina pa siya ngiti ng ngiti! Baliw ba siya? Parang sasabog ako sa inis tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Nagtaas baba ang dibdib ko inis. Sinundan niya ba ako? Don't tell me stalker na siya ngayon? "Hindi ba't sinabi kong ayokong makita iyang pag mumukha mo! Hindi ka ba nakakaintindi? Really? Sinundan mo pa talaga ako?" singhal ko sa kan'ya. Gusto siyang sigawan ng sigawan. Gusto kong sa bawat pag sigaw ko maramdaman niya ang galit ko. Simple lang naman gusto ko ang hindi na siya makita. Pe

