Sa mga oras na iyon pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko. Na gusto ko na lamang taposin ang buhay ko. Para saan pa ang pag papatuloy ng buhay ko kung iniwan na'ko ng lahat? Kung wala na akong makitang rason para mag patuloy sa buhay ko. Kung 'yong taong nag iisang dahilan para mag patuloy ako iniwan na rin ako. Gusto ko ng sumuko lalo ng malaman kong walang wala na ang lahat sakin. Pati ang company ni Daddy ang bahay namin ang mga kayamanan namin. Ang sabi ng attorney ni Daddy na once na mamatay siya mapupunta lahat ng ari-arian niya kay Harvey. Noong una nag taka ako. Anong ibig niyang sabihin? Ako ang anak ni Daddy kaya't dapat lang sakin mapunta lahat ng maiiwan niya. Pero mali pala. Hindi ko alam. Wala akong kaalam alam. Na kaya pala ako pinakasalan ni Harvey para makuha ang ari

