"I-im pregnant." isang tinig ang nagpahinto sa akin.
Nahinto ako sa ginagawa ko at dahan-dahan napatingin sa kan'ya. Halos hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
She's pregnant? With Harvey? Tears escaped my eyes. Mabilis na nanubig ang mga mata ko at hindi ko mapigilang masaktan sa nalaman ko. Magiging Ninang na ako sa anak ng bestfriend ko at ng lalaking minamahal ko.
I hugged her and i smiled fake while saying "R-really? Congrats, Hannah." I said slowly. Pinipigilan ko ang boses ko sa pagiging basag dahil sa sakit na nararamdaman.
Masaya ako para sakanila pero hindi ko matago iyong sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit. Sakit na kahit kailan wala akong karapatan para maramdaman.
Magiging isang pamilya na sila..
I wiped my tears and smiled weekly."M-masaya ako para sainyo. Paniguradong magiging masaya si Harvey kapag nala--" she cutted me off before I could finish my sentence.
"H-hindi si H-harvey ang ama!" she cried.
Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang gulat. "W-what do you mean? H-hannah!"
Napaupo siya sa sahig habang umiiyak. "I-im sorry." iling iling niyang sambit.
Tinulongan ko siyang tumayo kahit pati ako ay nanghihina rin. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Paano niya na nagawang lokohin si Harvey? Ang lalaking mahal ko? Paano? Paano!
"P-paano si Harvey? Kapag nalaman niya ito--omagashh!! Masasaktan siya, Hannah!" Iniisip ko palang na masasaktan si Harvey nafudurog na ako. Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan.
She wiped her own tears and smiled. "Y-you love him, right?" isang tanong na hindi ko inaasahang marinig mula sa kan'ya.
Paano niya nalaman? Hindi ako makagalaw sa tanong niya. Ni hindi ko magawang makapag salita. Para akong pinako sa kinalalagyan ko.
"T-this is your chance, Cara! Hindi ba't dapat maging masaya ka?"
Napatulala ako sa tanong niya. Masaya ba ako? No! I love Harvey pero hindi ganito ang gusto ko. Hindi ko gustong makitang masaktan si Harvey para lang mapunta siya sa 'kin.
"T-turuan mo siyang kalimutan ako at mahalin ka."
"W-what?!... Hannah naman! Isang buwan na lang ikakasal na kayo ni Harvey. Ano bang pinag sasabi mo!" nalilito ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
Ano bang nangyayari sakanya? Isang buwan na lang at ikakasal na sila ni Harvey. Isang buwan na lang magiging asawa na siya ni Harvey! Isang buwan na lang ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap ko!
Umiling siya. "H-hindi mo naiintindihan, Cara! Buntis nga ako at hindi si Harvey ang ama!" she said hestirecally.
Napatingin ako sa tiyan ni Hannah na hawak na hawak niya. Is this true? At wtf? Alam niyang mahal ko si Harvey? Kailan pa?
"Kailan pa?" tulala kong tanong.
"N-nakipag s*x ako sa---"
"Kailan mo pa alam na mahal ko si Harvey?! Kailan pa, Hannah!" I shouted, cutting her sentences.
Ngumisi siya. "Since no'ng una mo siyang ipakilala sakin. I know you liked him at the very begging. Pero anong magagawa ko? Cara gusto ko rin iyong taong gusto mo!"
Napasinghap ako sinabi niya. How could she? "Alam mong gusto ko siya! P-pero bakit pinilit mo akong tulongan kang iset up sakanya?" tulong luhang tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.
She laughed. "Hindi ko naman kasi alam na tanga ka! Malay ko bang susundin mo rin ako!"
Sa inis ko sa sinabi niya ay nasampal ko siya. Napahawak siya sa pisnge niya at ngumisi. Parang hindi siya ang Hannah na kilala ko. Hindi na siya yung Hannah na tinuring kong kapatid.
Naglakad siya papunta sa closet at kinuha ang mga gamit niya. Sumunod ako sakanya.
"S-saan ka pupunta?"
Huminto siya sa ginagawa niya at tiningnan ako.
"Sabihin mo kay Harvey na buntis ako at hindi siya ang ama. P-pakisabi narin na hindi ko siya m-minahal na ginamit ko lang siya d-dahil mayaman siya!" kinuha niya ang mga damit na kinuha niya sa closet at inilagay sa isang bag
"H-hannah naman! Mag usap muna kayo!" naiiyak kong sabi. Gusto ko siyang pigilan lalo na't alam kong hindi matutuwa si Harvey kapag nalaman niyang umalis si Hannah ng walang paalam
Dinala niya ang mga bag na pinaglagyan niya ng mga gamit niya.
"H-hindi na kailangan! C-cara ingatan mo siya at mahalin." isang malungkot na ngiti ang binigay niya bago umalis.
----
"Nasaan si Hannah?" bungad na tanong nito sa 'kin.
Nag-angat ako ng tingin. Bumungad sa 'kin ang madilim na mukha ni Harvey. Dahan-dahan akong tumayo at napakagat labi sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan'ya na umalis na si Hannah. Na iniwan na siya ng babaeng minamahal niya.
"f**k! Nasaan si Hannah, Cara?!" napaatras ako sa lakas ng sigaw niya.
Hindi ko mapigilang maging emosyonal, tumulo ang mga luha ko. "H-harvey... Si H-hannah... Umalis na siya!" Nagulat ako ng bigla niyang suntokin ang pader. Nakita kong nag dugo ang kamao niya.
Lalapit sana ako sa kan'ya para kunin ang dumodugo niyang kamao pero hindi ko nagawa ng muli siyang sumigaw at galit na tiningnan ako.
"Tangina! Saan siya pumunta?!" he asked angrily. I couldn't moved. Hindi ko magawang gumalaw sa takot. Ni hindi ko alam kung paano huminga ng maayos sa harapan niya lalo na't randam na randam ko ang mabigat na paghinga niya.
Umiling ako habang umiiyak dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Wala akong idea kung saan pumunta si Hannah. Lumapit siya sakin.
"Nasaan siya?! Tangina sagot!" niyug-yog niya ako sa inis niya dahil hindi ako makapag salita.
"Hindi ko alam! Umalis na siya at hindi na siya babalik! Iniwan na niya tayo! Iniwan ka na niya!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang iyon.
Tinulak niya ako ng bahagya at umiling.
"Hindi niya ako iiwan. Nangako siyang pakakasalan niya ako!" mapait nitong ani.
Tinalikuran niya ako at aalis na sana ng bigla ko siyang niyakap sa likod.
Alam kong hindi ang tamang oras pa dito. Pero..
"M-mahal kita." I confessed
Napaharap siya sakin at kitang kita ko ang gulat sa mata niya.
"What did you say?"
Kumalas ako sa pag kakayakap sakanya at tiningnan siya sa mata.
"Mahal kita simula nong bata pa tayo! Hindi ko lang masabi dahil natatakot akong masira ang friendship natin. Akala ko sapat na iyong mag kaibigan lang tayo kahit mahal kita hindi bilang kaibigan. Pero n-nong naging kayo ni Hannah. Doon ko lang na realized na hindi pala sapat hanggang kaibigan lang! K-kasi habang nakikita ko kayo ni Hannah na masaya. Nasasaktan ako!"
Kitang kita ko ang awa sa mga mata niya. "I'm sorry" he said in a small voice.
Alam ko ang ibig niyang sabihin. Sobrang sakit.
"H-hindi ba pwedeng ako nalang?" mahina kong tanong. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong bosess.
"Hindi."
"B-bakit hindi na lang ako?"
"Dahil hindi ikaw si Hannah." he answered. After that iniwan niya akong mag isang umiiyak.
Tama siya hindi ako si Hannah. Si Hannah na mahal na mahal niya. Si Hannah na kahit kailan hindi ko mapapalitan sa puso niya.