CHAPTER 8

1062 Words
"Mamimiss kita ng sobra, Cara." naiiyak niyang sabi habang hawak ang dalawa kong kamay. Natawa ako sa sinabi niya. "Huwag ka ng umiyak diyan. Isang buwan lang naman kayo sa New York. Babalik pa naman kayo 'diba?" biro ko pa habang nakangiti. Hinampas niya ng mahina ang braso ko. "Ito naman! Wala ka talagang moral support kahit kailan!" nakasimangot niyang sabi. Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya. Paniguradong mamimiss ko rin siya. Mamimiss ko ang kakulitan niya. After what happened between Ella and Mark napag desisyonan nilang mag bakasyon sa New York ng Isang buwan kasama ang anak nila. Masaya ako para sa kanila at naayos nila ang relasyon nila. Ang sabi sa'kin ni Ella. Noong time na nahuli niya ang asawa niyang kahalikan ang secretary nito. Ang secretary daw ni Mark ang humalik rito kaya't sa gulat raw nito hindi ito agad naka galaw. Pinaliwanag sa kan'ya lahat ni Mark ang nangyari. Tinanggal na rin nito ang secretary niyang humalik sa kan'ya. At nangako itong hindi na muling kukuha ng secretary na babae. Ang kwento pa sa'kin ni Ella lumuhod sa harapan niya si Mark para lang humingi ng tawad dahil sa nakita nito. Na agad din pinatawad ni Ella dahil naiintindihan niya ang nangyari. Masaya ako't na ayos nila ang relasyon nila. Masaya ako para sakanilang dalawa. Lumuhod ako sa harapan ni Cydney at niyakap siya. "Mamimiss ka ng sobra ni Ninang, baby." ani ko sabay halik sa malambot nitong pisnge. Niyakap niya rin ako pabalik. "Mamimiss rin po kita sobra, Ninang!" Pinisil ko ang pisnge niya at bumolong "Pag balik niyo dito paniguradong may kapatid ka na!" I tease her. Humagikgik siya sinabi ko. Tumayo ako at pinagpag ang suot kong skirt. Pagkatayo ko ay naramdaman ko agad ang mga braso ni Harvey sa bewang ko. Hinila niya ako palapit sa kan'ya. Naramdaman ko ang pagdikit ng braso ko sa braso niya. Napasinghap ako at napatingin sakanya. "You guys should go. Para makapag date na kami ng asawa ko. Tsk." asik ni Harvey habang magkasalubong ang makakapal na kilay nito. Napalingon ako sa kan'ya. Bahagya itong nakasimangot. Natawa sila Mark at Ella sa sinabi ng asawa ko. "Sige! Dapat pagbalik namin may laman na iyang tiyan ni Cara!" biro ni Ella. Nagtawanan silang dalawa ni Mark. Samantalang ako ito namumulang kamatis. "Baka nga may laman na itong tiyan ni Cara ngayon." Nakangisi nitong ani habang hinahaplos ang aking tiyan. Mas lalo ako namutla sa sinabi at ginagawa niya ngayon. Pero paano nga kung buntis talaga ako? Maganda ba iyon o hindi? Dapat ko ba iyong ikasaya o hindi? Pero bago ako mabuntis dapat lang na sabihin ko ang totoo kay Harvey. Para hindi masira ang relasyon namin kung sakaling bumalik na ang alaala niya. Pero paano? Paano ko sa sasabihin? Saan ako mag sisimula? Natatakot ako. Natatakot akong sabihin sa kan'ya ang totoo. Natatakot akong kapag sinabi ko sa kan'ya ang lahat ay iwan niya ako. Natatakot akong bumalik sa dati ang trato nito sakin. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin kung iiwan niya ako dahil sa kasinungalingan ko. Ang daming what if. Ang daming posibilidad na mangyari. At natatakot akong dumating ang araw na iyon. Ngunit kailangan kong sabihin sakanya ang totoo. Dahil kapag nalaman niya ang totoo sa iba paniguradong mas ikakagalit niya iyon. Pero saan ako mag sisimula? Pag kauwi namin sa bahay ay nag simula akong mag luto ng sinigang na baboy. Samantalang si Harvey ay may kausap sa phone niya. Madalas ko siyang makitang may kausap sa phone niya. Ang tanging sinasabi niya lang sakin ay tungkol raw sa business. Kaya't sinasawalang bahala ko ito. Umakyat ako sa taas patungong kwarto namin at nadatnan ko si Harvey na nakahiga sa sahig at walang malay. Nabitawan ko ang hawak ko at nanlalaki ang mga mata kong tumakbo palapit kay Harvey na ngayo'y walang malay. Nag sisigaw ako na umiiyak at agad kong inabot ang phone ko para tawagan si Daddy. Nanginginig kong hinawakan ang mga kamay ni Harvey. "H-harvey please! Wag mo akong iwan!" lumuluha kong ani. Wala akong magawa kundi umiyak hanggang sa dumating si Daddy at dinala namin si Harvey sa hospital. Tinanong ako ng doctor kung umiinom pa ba raw ito ng gamot na binigay sakanya ng Doctor. Tumango ako bilang sagot at sinabi sa doctor na kadalasan niyang nakikitang sumasakit ang ulo nito. At minsan naman ay naririnig niya itong nag sasalita ng tulog. Ang sabi ng doctor. It's a good sign daw na unti unti ng babalik ang memorya ni Harvey. Ng asawa ko. Napaiyak ako sa sinabi ng Doctor. Matatapos na ba ang lahat? Kaya ko na bang bitawan siya? Kaya ko na bang palayain siya? Kaya ko na bang pakawalan siya? Handa na ba ako? Bakit ngayon pa? Kung kailan.. Masaya na ako. Masaya na kami. Niyakap ako ni Daddy. Mas lalo akong napaiyak. "Shhh... Don't worry, Cara. Gigising narin mamaya ang asawa mo." Hindi Dad. Hindi iyan ang dahilan kung bakit ako umiiyak at nasasaktan. Natatakot ako na mawala siya sakin. Natatakot akong na pag gising niya bumalik na ang alaala niya at tuloyan niya na akong iwan. Gusto kong sabihin lahat ng iyon kay Daddy. Pero ayokong problemahin niya pa ang problema ko. Mahina na at matanda na si Daddy. Ayoko siyang ma stress. Ayokong pati siya mawala sakin. Pero kanino? Kanino ako lalapit? Kanino ako iiyak? Kanino ako kakapit? Wala ngayon si Ella. Ang bestfriend kong lagi kong napag sasabihin ng problema. Nag paalam ako kay Daddy na uuwi ako saglit sa bahay namin ni Harvey. Para kumuha ng mga damit. Binilin ko rin na bantayan niya si Harvey. Humalik ako sa noo ni Harvey bago umalis. Pagka uwi ko ay agad kinuha ang isang bag at inilagay ang mga damit doon na kakailangan namin habang nasa Hospital. Pagkatapos maiayos ang lahat ay naligo ako. Simpleng pulbo at lipstick ang inilagay ko sa mukha ko. Biglang tumunog ang doorbell napakunot noo ako at napatingin sa orasan na tabi ng tv. It's already 5:30 pm. Sino namang bibisita ng ganitong oras maliban kay Ella? Bigla akong nalungkot ng maalala ko si Ella. Kakaalis pa lang nila kanina ay sobrang miss ko na siya. Ako yata ang mas makakamiss sakanya. Binuksan ko ang pinto. At halos yumanig ang mundo ko ng makita kung sino iyon. Walang iba... Kundi si Hannah.. Ang babaeng pinakamamahal ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD