Anong ginagawa niya dito? Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayoan ko. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kan'ya. Ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para mag salita. Paano niya nalaman na dito kami nakatira? At bakit siya nandito? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang laki ng pinagbago niya. Ang dati niyang malambing na mga mata ngayon ay napakalamig. Napaka seryoso narin niyang tingnan ngayon. Mas lalo siyang nag mature sa magandang paraan. Descente rin ang kanyang pananamit. Sa madaling salita mas lalo siyang gumanda. Dahilan kung bakit mas lalo akong natatakot na magkita muli sila ni Harvey. Natatakot akong kapag nagkita muli sila ay bumalik ang alaala ni Harvey at iwan ako. Ayoko. Hindi ko kakayanin. Hindi ko kayang makita siyang kasama si Hannah. Pumunta ba siya dit

