Apat na araw na ang lumipas simula nang pirmahan ko ang divorce paper namin ni Harvey. Apat na araw na simula noong umalis ako sa bahay namin at bumalik sa bahay ni Daddy ng luhaan. Apat na araw na akong halos tulala at umiiyak. Apat na araw na rin simula nang huli kong makita ang asawa ko. Sa apat na raw na iyon umaasa akong hahanapin niya ako. Umaasang magbabago ang isip. Umaasang baka sakaling maisip niyang mahal niya rin ako. Umaasa na sana mahal niya rin ako. Tulala akong napatingin sa picture namin ni Harvey sa cellphone ko. Nakayakap siya sakin dito at pareho kaming nakangiti. Ito iyong mga oras na hinihiling kong sana hindi na matapos pa. Mga oras na pinagdarasal kong maulit muli. Bakit ba kailangan matapos ang lahat? Ganoon ba talaga? Kailangan bang kapag naging masaya ka may ka

