CHAPTER 6

1234 Words
Nagising akong nakayakap ang mga braso ni Harvey sa 'king bewang. Humarap ako sa kan'ya para pagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hinaplos ko ang malambot nitong pisnge at napangiti. Napakaguwapo niya talaga. Perpektong shape ng mukha, matangos na ilong, magagandang mga mata at labing napaka sarap kung humalik. Kahit sinong babae mahuhulog sa kan'yang kagwapohan. Kaya't hindi ko rin masisi si Hannah kung bakit pati siya nahulog kay Harvey. I just wish you were mine. Sana nga talaga ay akin ka Harvey. Hindi lang sa papel kundi pati sa puso mo. Alam kong matatapos lahat din ito. Sana kapag dumating na 'yong oras na bumalik ang alaala mo mapatawad mo 'ko. Sana magawa mo pa 'kong hawakan o titigan. Sana pagdumating ang araw na 'yon tuloyan mo nang nakalimutan si Hannah at ako na lang ang mahal mo. Sana pagdating na araw na iyon ako na ang laman ng puso mo. Mapait akong napangiti. Ilang minuto pa ang tinagal ko sa pag iisip ng kung ano ano bago ako tumayo kahit mahapdi ang pagitan ng mga hita ko. Nag tungo ako agad sa shower para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan kong umiinom ng coffee si Harvey na walang suot na pang taas kaya't napa iwas ako ng tingin. Bakit ba kasi ang ganda ng katawan niya? May suot man na damit o wala bumabagay sa kan'ya. Nakahanda na rin ang breakfast. Gaano ba ako katagal sa shower at nakapag luto pa siya ng breakfast? "Are you still sore?" nag-aalala niyang tanong. Uminit ang pisnge ko sa tanong niya kaya't agad akong umiling. Umupo ako sa tabi niya at nag simulang kumain. Bigla kong naalala ang kagabi bago may mangyari samin. Nag-angat ako ng tingin. "Bakit ka nga pala galit kagabi?" tanong ko sakanya habang kumakain. Tumigil siya bahagya sa tanong ko at nilingon ako. Nakita ko pa ang pagdilim ng mga mata niya dahil sa tanong ko. "May kayakap kang ibang lalaki kagabi, Cara." matigas nitong sambit. Napahinto ako sa pagkain at kumunot ang noo ko. Kayakap? Anong sinasabi niyang kayaka--- "Si John?" bigla kong naalala si John. Siya lang naman ang lalaking nakasalamuha ko maliban sa kan'ya. "Really? Kailangan mo pa ba talagang banggitin ang pangalan niya, huh?" he rolled his eyesballs. He sounds jealous. Is this a good sign? Dapat na ba akong magdiwang dahil nag seselos siya? "Are you jealous?" pabiro kong tanong. Napahinto ako sa mabilisan nitong pag-sagot. "Yes i am." seryoso niyang sagot. Napaubo ako sa sagot niya. At napatingin sa kan'ya. Parang kumakaripas ang t***k ng puso ko. Dapat na ba akong umasa? "Iyon din ba ang dahilan kung bakit napakatahimik mo nang sunduin mo 'ko?" kalmado kong tanong at nagsubo ng isang kutsang kanin na may ulam. Umiling siya. "Y-you didn't say 'I love you' back to me... Pinatay mo na agad yung tawag. Tsk." halos pabulong niyang ani. Napamaang ako sa sinabi nito. Damn it mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko para itong sasabog sa bilis. Tama naman narinig ko 'diba? Gustong umasa ng puso ko. Tumayo ito."Tss. Finish your food, baby." he said smiling. "I will just take a shower." he kissed my cheeks before leaving. Naiwan akong tulala at iniisip lahat ng mga sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag-ngiti. Is this real? Panaginip lang ba ito? Kung panaginip man ito ayoko ng magising pa! ----- "SINUNOD mo ba ang advice ko?" napatingin ako kay Ella sa tanong niya. She's busy doing some stuff right now. "Advice?" kuno't noo kong tanong kay Ella. "Pikutin ang asawa mo para hindi ka iwan!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Ella!" saway ko. Randam ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge. Napatingin ako sa paligid namin. Laking pasasalamat ko na lang at wala pang customer sa coffee shop namin kundi nakakahiya ng sobra. Natawa siya at inalis ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Ito naman! May asawa kana't pa virgin ka parin!" mahina nitong hinampas ang braso ko. "N-nakakahiya kasi... Paano kung may makarinig satin?" mahina kong tanong. Hindi ko magawang tumingin sa kan'ya. "Wala namang tao! Pero sabagay virgin ka pa pala!" she exclaimed. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi nito. "May nangyari samin kagabi ni Harvey." nahihiya kong pag amin. Pakiramdam ko sa sobrang pag iinit ng pisnge ko pwede ng mag prito doon ng itlog. Kumunot ang kanyang noo. "Nangyari?" tumango ako ng dahan dahan. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Napatakip siya ng bibig pagka tapos niyang marealize. "OMYGASH! NAG s*x KAYO NI HARVEY?! KAGABI?!" "Ella naman!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. "OMYGASH! Ngayon ipag dasal mo na lang na sana mabuntis ka!" wika nito. Napahinto ako at inisip ang sinabi niya. Ilang beses pa akong napalunok sa mga na isip ko. Umiling ako. "Mahal ko siya, Ella. Pero ayaw kong mapilitan siya sakin dahil lang sa buntis ako." nakayuko kong sabi. Totoo iyon. Kung dati gustong gusto kong may mangyari samin ni Harvey para mabuntis ako. Para may dahilan na siya para hindi ako iwan. Pero ngayon iba na ang gusto ko. Gusto kong mahalin niya ako dahil mahal niya ako hindi dahil sa may pananagutan siya sakin. Kaya't habang hindi pa bumabalik ang kanyang alaala. Handa akong gawin lahat para tuloyan niya akong mahalin. Na kung sakaling bumalik na ang kanyang memorya ay hindi na niya ako kayang iwan dahil lunod na lunod na siya sakin. Nahinto ang usapan namin ni Ella ng tumawag sakin si Daddy at kinakamusta kami ng asawa ko. Ang sabi ko ganoon parin hindi parin bumabalik ang memorya ni Harvey. Sa totoo lang hindi ko alam, kung alam ni Daddy ang sitwasyon namin ni Harvey bilang mag asawa. Pero satingin ko ay wala itong alam sa sitwasyon namin mag asawa. Hindi rin alam ni Daddy na hindi talaga ako ang mahal ni Harvey. Dahil kung sakaling alam niya hindi siya papayag na maikasal kami ni Harvey. Paniguradong ang tanging alam lang ni Daddy ay mag ex si Hannah at Harvey. At nang iwan ni Hannah si Harvey isang buwan bago sila ikasal. Walang nakaka alam kung saan pumunta si Hannah pagkatapos niyang iwan si Harvey. Maaga akong umalis sa coffee shop namin ni Ella upang puntahan si Harvey. Nag dala ako ng meryenda para sakanya. Sana magustohan niya. Pagdating ko sa floor niya ay bumungad agad sakin ang secretary niya na ngumiti sakin kaya't ngitian ko siya pabalik. Nadatnan kong may kausap si Harvey sa phone niya. Nilapag ko ang dala kong meryenda sa desk niya. Napatingin siya sakin at ngumiti. “I will hang up now." Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Amoy na amay ko ang pang lalaki niyang amoy. Sobrang bango niya! Hindi lang mabango! Ang sarap pang amoyin! "Miss me, hmm?" He hugged me tightly. "Mmm." I nodded. "I miss you more, baby." Anito habang nakangiti. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa saya. "Hey, why are you crying?" nag aalala niyang tanong. "W-wala, masaya lang ako." "Don't tell me, buntis kana hmm?" hinawakan niya ang puson ko. "Parang kahapon lang tayo bumuo may laman na ito agad." nakangisi nitong ani. Tinampal ko ng mahina ang kanyang braso. "Mahal na mahal kita, Reharvey." He kissed my forehead. "I love you more, Wife." "Huwang mo akong iiwan, Harvey. Hindi ko kakayanin." "I won't. I promise." He promised.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD