WAY BACK EIGHT YEARS AGO. . .
Monette Del Gado, isa sa mga sikat na cheer dancer sa kanilang eskuwelahan. Matalino sa klase pares ni Jared ay nasa section 1 rin ito. Isa rin sa mga may magagandang mukha sa kanilang campus.
Ang buhok nito'y mahaba at itim na tuwid, may bilugang mata na binagayan ng malalantik na pilik-mata. Ilong nito'y katamtaman lamang ang tangos at nababagay sa hulma ng mukha ng dalagita. Ang labi nito'y matambok na natural ang pagkakapula. May dalawang biloy ito na sa tuwing ngumingiti'y lumilitaw. Tumataas ito ng mahigit 5'5 ft. Ang balat nito'y makinis at tila gatas sa kaputian pares sa anak mayayaman sa kanilang lugar. Ang kurba ng katawan nito'y tama lang. Hindi masasabing payat o mataba, kumpara sakto lang.
Bukod sa magandang panlabas ay binagayan din ng mabuting kalooban ito
May tatlong buwan din nanligaw rito si Jared. Sa loob ng buwan na lumipas na panliligaw niya ay walang araw na hindi pinagsisisihan ni Jared.
Ramdam niya kasing malaki ang chance na sasagutin ito ni Monette. Dahil kung tratuhin siya nito ay tila sila na. Hindi katulad ng ibang mga babae na feelingera, paasa ang babae.
Si Monette ibang-iba. Kadalasan ang lugar na pinagdadalhan niya rito ay sa mga ocean park at amusement park. Hindi ito maarte na lalo naman niyang nagustuhan sa dalagitang nililigawan.
Isang araw ay inaya ito ng binatilyo na lumabas, sa isang 'di kalayuan parke malapit sa subdivision kung saan naninirahan ang babae.
"M-Monette, pakihintay lang ako saglit at bibilhan kita ng ice cream,"nahihiyang paalam ng binatilyo rito.
Matipid naman tumango si Monette at tahimik na naupo sa pinag-iwanan niyang bench.
Dali-dali nang nagtatakbo si Jared, lumiwanag ang mukha nito ng makita niya mula sa 'di kalayuan ang isang ice cream cart.
"Manong! Manong! Pabili po ako ng sorbetes, dalawa pong strawberry ice cream flavour. . . "agaw-pansin nito sa tindero.
Agad naman nabaling ang tingin ng lalaki rito, kitang-kita ni Jared ang kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki.
"Paano ba 'yan iho, chocolate flavour na lang kasi ang natira rito,"malungkot na pagbibigay alam nito.
Mataman nag-isip si Jared.
"Ah ganoon po ba, 'wag na po, strawberry flavour kasi ang favourite ni Monette. Pasensiya na po sa iba na lamang ako bibili. . . "biglang pagbawi ni Jared.
Patalikod na ang binatilyo ng muli niyang madinig ang tinig ng magsosorbetero.
"Sandali iho, wala naman masama kung ibang flavour ang ibigay mo sa kaniya. Kung gusto ka talaga ng taong pagbibigiyan mo nito ay nakakasiguro akong tatanggapin niya ito,"nasisigurong sabi ng tindero.
"G-Ganoon po ba, sige po pabili. . ."pagpayag ni Jared.
Matapos makuha ng binatilyo ang binili ay nagdudumali na itong tumakbo pabalik sa direksyon ni Monette.
Agad iniabot nito ang hawak na chocolate ice cream. Kinakabahan pa siya na hindi tanggapin iyon ng kadate niya.
"Pasensiya ka na naubusan kasi si Manong ng strawberry flavour,"mahinang paumanhin ni Jared.
"Ano ka ba, ayos lang! kahit na anong flavour pa iyan basta bigay mo. Tatanggapin ko. . ."nakangiti nitong sabi sa kaniya.
Nagalak naman si Jared, muli niyang nilingon si Manong na nagtitinda. Nag-thumbs up naman ito na agad niyang sinuklian ng maluwang na ngiti.
Kaya lalong nafa-fall si Jared dito dahil wala itong kaarte-arte sa tuwing magkasama sila. Hindi alam ni Jared, kung karapat-dapat siya rito. Ngunit ng araw iyon ay kusa itong sinagot ni Monette.
"Alam mo Jared. Madami ang nagtatanong sa akin kung bakit binibigyan pa kita ng pag-asa. Alam mo ba kung bakit?"malagkit nitong sabi.
Habang patuloy itong tumitikim sa hawak nitong chocolate ice cream na binili niya.
"B-Bakit?" nauutal pang sabi ni Jared. Sa edad na kinse ay hindi pa rin maiwasan nito ang maturete. Lalo't kaharap niya ang crush. Hindi pa niya maunawaan kung saan siya kumuha ng guts na manligaw rito. Kasi naman, Monette is one of a kind . . .
Unti-unting hinayon ng mga mata ni Jared ang kabuuan ni Monette. Hanggang bitiwan na nga nito ang mga salitang gumugulo sa isipan ng binatilyo.
"Dahil para sa akin Jared. Ikaw na ang perpektong lalaki sa akin. Ang siyang kukumpleto sa pinapangarap kong love story."
Isang ngiti ang pumunit sa labi nito. Alam niya, nararamdam nito na may unawaan na nga silang dalawa, kahit hindi nito sabihin ng diretsahan sa kaniya.
Sa pagdaan nga ng mga araw, lalo siyang nagpursigi sa panliligaw dito, ginawa niyang inspirasyon si Monette. Araw-araw, hatid-sundo siya ni Jared sa kanila.
Panay ang tukso sa dalawa, pinsan ni Lizette.
Kung bakit hindi pa raw ito sinasagot ng pinsan nitong si Monette. Halata namang parehas sila ng nararamdaman nito.
Ang lagi na lamang isinasagot ng huli. "Magtigil ka nga Liz! Ibinubuking mo ako masiyado. Grabe ka!"
Habang siya, pakamot-kamot nalang sa ulo. Sa tuwing inaakiyat niya ito ng ligaw. Hindi niya nalilimutang magdala ng pasalubong. Kung hindi bulaklak at tsokolate. Mga lutong ulam ang dinadala ni Jared. Cheap man tignan. Pero si Monette, appreciate iyon. Hindi aakalain ng dalaga na magaling itong magluto.
Ika-labing apat ng Nobyembre ng mag-umpisang manligaw ito sa babae. Kaya nang sumapit ang ika-labing apat ng Pebrero ay tuluyan na nitong narinig sa labi ni Monette ang mga katagang matagal niyang hinintay.
Sa gabi ding iyon, ginanap ang kanilang promenaide. Ang napakaespesyal na gabing iyon ay lalo pang naging memorable. Dahil tuluyan na siyang sinagot ng nilalagawan.
Alam niyang maganda si Monette. Ngunit, lalo itong naging kaakit-akit sa kaniyang paningin.
Ang mga nangungusap nitong mga mata, makinis at namumulang pisngi, 'di dahil sa blush on. Kung 'di dahil natural ang pagiging kulay mansanas ng magkabilang pisngi ng dalaga. Ang napakahaba nitong itim at tuwid na buhok na inililipad ng hangin. Labi na walang kasing lambot.
Isinayaw ito ng binata sa gabing iyon. Napagtanto niyang iba na ang emosiyong bumabalot sa kanilang dalawa. Magkahawak sila ng kamay habang nagsasayaw sa napakalamyos na awitin na "parting time" ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos niya sa nobya.
Tila ba'y makakawala ito kaniyang tabi.
"I love you Monette. You don't know, how glad I'am, na sa wakas... Naging officially on na tayo." Atlast he said.
Dahan-dahan namang idinaiti ni Monette ang kanang pisngi niya sa dibdib ng nobyo. Sa mga sandaling iyon. Walang nangibabaw sa kanila, kung 'di ang mga tunog ng sarili nilang puso.
Sa unang pagkakataon, at sa unang gabi na maging sila ay pinahintulutan siya ni Monette na mahalikan ito sa labi.
Lubos na nagalak si Jared, sapagkat siya ang unang lalaking nakahalik kay Monette.
Maging siya din naman, first kiss din niya ito.