CHAPTER TWO

1240 Words
NAGING matatag ang relasyon nina Jared at Monette, hindi naging hadlang sa pag-aaral ng dalawa ang pagkakaroon nila ng relasyon sa batang edad. Pinakatotohanan niyon ang pagkagraduate nila ng highschool na kasali sa mga honor list sa kanilang paaralan. Valedictorian si Monette, habang si Jared ay Salutatorian naman sa batch nila. "Congratulations iho, good job! Salutatorian ka!"Nagagalak na pagbati ni Mang Ramil sa bunsong anak. "Salamat Pa, Ma, para sa inyo ito . . ."wika ni Jared sa mga magulang. Mahigpit siyang yumakap sa mga ito. Ang ibang mga graduates ay abala na rin sa pakikipag-usap sa mga dumalong guardian ng mga ito. May mga nagpapakuha na rin ng mga litrato sa mga dumalong photographer. Matapos humiwalay sa pagkakayakap sa magulang ang binatilyo ay agad hinanap ni Jared ang nobya sa karamihan ng tao. Nakita niya itong nasa bungad ng gate, kasama ang mga magulang nito. Sa pustura pa lamang ng parents ng dalagita ay masasabing nanggaling na sa nakakariwasang angkan ang mga ito. "Wait lang Mama, Papa. . . magbibigay galang lamang ho ako sa Mommy at Daddy ni Monette."pamamaalam ni Jared sa magulang. Nagdudumali naman lumapit ito, nakangiting sinalubong ito ni Monette. "G-Goodevening Tito, Tita. . ."bati niya sa dalawang matanda. Tinapunan naman siya ng pansin ng dalawa. Ngunit hindi kapares ng mainit na pakikitungo ni Monette sa kaniya'y ibang-iba ang mga ito. Naroon ang lamig at mapanuring titig ng mga ito sa binatilyo. "Ahh! Mommy, Daddy . . . this is Jared Lopez m-my boyfriend,"pakilala ni Monette sa magulang. Dahil sa narinig ay tuluyang nangunot ang noo ng dalawang matanda. "Really iha? Gosh! Hindi ko aakalain na pumapatol sa hampas lupa ang anak natin, Romulo!"mariin anas ni Donya Selma sa esposo matapos nitong mapagtanto na tama ang hinila nito kay Jared. Nag-alis naman ng bara sa lalamunan ang Don, kababakasan din ng pagkakainis ang mukha nito. "We better go home, marami kang ipapaliwanag sa amin ng Mommy mo Monette,"malamig na dikta ni Don Romulo sa nag-iisang anak. "But Daddy, magkukuhanan pa po ng litrato sa batch namin."agad na pagsagot ni Monette. "Okay, but after that ay umuwi na tayo. Biya-biyahe pa kami ng Daddy mo sa France, besides pagkatapos ng graduation mo ay putulin mo na lahat ang ugnayan sa lalaking iyan. Mukhang nanggaling sa hindi matinong pamilya!"Gigil na sabi ni Donya Selma kay Monette na napaawang lamang ang bibig. Agad naman ang pagkuyom ng kamao ni Jared, halos hindi niya matanggap ang pangmamata ng mga magulang ng nobya sa estado niya. Ramdam nito ang masuyong paghawak ni Monette sa palad niyang nakakuyom ng mga oras na iyon. Tinapunan ito ng pansin ni Jared, mababanaag ng binatilyo ang labis na paghingi nito ng dispensa sa kaniya. Lahat sila ay napalingon ng biglang may tumikhim at umagaw ng kanilang atensiyon. "Mawalang galang na po, pero pinalaki namin ng maayos ang anak namin na si Jared. Kaya huwag ho kayong mag-alala, nasa mabuting kamay ang anak niyo."si Mang Ramil na nakatingin sa Mommy at Daddy ni Monette. Hindi na muling sumagot ang mga ito, agad nilang binalingan ang kanilang anak na si Monette. "Iha if you're ready to go home ay tawagan mo na lamang si Mang Dencio sa bahay. Mauuna na kaming umuwi, maaga pa ang flight namin para bukas."kasabay niyon ang pagbeso-beso ni Donya Selma sa anak. Tumango na lamang si Monette pagkatapos. Maiksi pang tinapunan ng mapanlait na titig ni Donya Selma ang direksyon nina Jared. Habang si Don Romulo ay panay ang hit-hit nito sa primerang tabacco nito. Nang makaalis ang mga magulang ay agad na hinarap ng dalagita ang pamilya ng nobyo. "Naku po! Tita, Tito, Ate Jenina, Jhyruz at Jhyrich inihihingi ko po ng sorry ang ginawa ng mga magulang ko. P-Pasensiya na po. . ." "Huwag mo ng isipin iyon iha, halika at ipinaghanda namin ng munting salo-salo si Jared. . . "pangyayakag ni Clemencia ang Mama nina Jared sa dalagita. "Salamat po . . ."maluwang ang ngiting sabi niya. Malayong-malayo ang ugali ng mga magulang ni Monette kina Mang Ramil at Clemencia. Buo siyang tinaggap ng mga ito para sa binatilyo. Maging ang nakatatanda kapatid na babae ni Jared na si Jenina at ang kambal na sina Jhyruz at Jhyrich ay mainit din ang pagtanggap sa kaniya. "Tara na love,"yakag ni Jared. Ramdam pa rin ni Monette ang hinampo ng nobyo ukol sa ginawang pamamahiya ng sariling magulang rito. "Sorry, hayaan mo, pagsasabihan ko sina Mommy at Daddy. . ."mababa ang tinig na bulong ni Monette, habang sumasabay sa paglalakad ni Jared. Matipid na ngiti ang isinukli ng binatilyo rito, lalo siyang kinain ng guilt sa pagraan ng sandali. Tuluyan nang sumakay ang mga ito sa owner jeep na pagmamay-ari ng ama ng binatilyo. "Hayaan mo na iyon Monette, ipapakita ko sa mga magulang mo na mali sila ng inaakala sa akin." Nginitian na lamang ito ng dalagita. Dahil para rito, kahit na anong mangyari ay pipiliin pa rin niya si Jared sa lahat ng bagay na meron siya ngayon. . . MAKARAAN ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ng mga ito . Nabungaran nila ang mga naghihintay na kapit-bahay ng pamilya Lopez. Agad binati ng mga ito si Jared, dahil sa pagtatapos nito bilang Salutatorian. "Naku! Mang Ramil wala bang inuman diyan!"Kantiyaw ng isang lalaki na may edad na. "Sige-sige magsi-upo na kayo at sasakada ako sa kabilang kanto ng tatagayin. . ."abiso nito. Isang opisyales sa Munisipyo sa Bayan ng San Nicolas sa lungsod ng Maynila ang ama nina Jared. Habang ang ina naman nito'y isang simpleng may-bahay lamang. Nakita ni Monette ang nakasabit na malaking poster, kung saan naroon ang kuha kay Jared at sa Ate nitong si Jenina na kasabay na grumadyewt ng binatilyo. Office Secretarial ang natapos nito, vocational course sa TESDA. Napag-alaman ni Monette na ito ang tutulong kay Jared sa pagkokolehiyo nito.Ganunpaman ay may ibang mga kamag-anakan din mula sa abroad ang magbibigay ng pinansiyal rito. Dahil BA Architecture Engineering ang nais kuhanin ni Jared sa college, mahal ang matrikula at malaki ang magiging gastusin ng mga ito. Mahilig magdrawing ito kaya natitiyak ni Monette na makakaya nitong ipasa ng binatilyo. Kitang-kita ni Monette ang hindi magkamayaw na mga tao sa paligid, ang pakikiisa at pagsasaya ng mga ito. Simpleng buhay para sa iba, malayong-malayo sa buhay na kinalakhan ni Monette. Sa unang pagkakataon ay nanaglihi siya sa buhay na meron si Jared. Tuluyan nang iniabot ni Monette ang plastic plate na naglalaman ng pangunahin handa ng nobyo niya. "Kain ka lang love, asikasuhin ko lang ibang bisita."paalam ni Jared. Tumango naman siya at tahimik na sumubo sa pancit na especiality ng Mama nito. At tama ito. Napakasarap niyon, maligayang-maligaya si Monette habang katabi niya sa sofa na pinag-iwanan sa kaniya ni Jared ang mga kapatid nito. "Kain lang ng kain Anak, marami pa sa lamesa. Huwag kang mahiyang kumuha . . . "nakangiting bilin ni Aleng Clemencia sa dalagita. "S-Salamat po Tita . . ."nahihiyang sagot niya. "Naku! Iha Mama na ang itawag mo sa akin. Magmula ng maging kayo ni Jared ay anak na rin naman ang turing namin sayo ni Papa Ramil mo." Nagniningning nitong pakli. Halos sumabog sa kaligayahan ang puso ni Monette sa makapagdamdamin salita ng ina ng nobyo. Nakakatiyak ng dalagita, hindi na iba ang turing ng pamilya Lopez sa kaniya ng mga sandaling iyon na labis naman niyang ipinapagsalamat . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD