CHAPTER THREE

841 Words
KASALUKUYAN na silang nakalulan sa owner type jeep na pagmamay-ari ng ama ni Jared. Hiniram niya saglit ang sasakiyan ng ama para maihatid si Monette. Pasado alas-diyes na rin ng gabi, kaya tahimik ang binabagtas nilang daan. Mabilis din silang nakarating sa mansyon nina Monette. Hinayaan naman silang pumasok ng security guard na nakabantay sa main entrance ng subdivision ng makilala nito si Monette na naksakay sa tabi ng binatilyo. “So papasok na ako love, text-text na lang. . .”wika ni Monette sa nakatitig na binatilyo sa kaniya. “Sige love, by the congrats and sweet dreams. I love you,”matamis na anas ni Jared. Bago pa makahuma si Monette ay kusa ng dumampi ang labi ng nobyo sa kaniya. Ilang segundo rin nagtagal mula sa pagkakahugpong ang labi nila ng kusa na rin humiwalay pagkatapos si Jared. “S-Sige ingat ka sa pag-uwi l-love, goodnight!”agad na sabi ni Monette at nagdudumaling lumabas sa owner type jeep. Kitang-kita pa ni Jared ang pagkaway sa kaniya ng dalagita mula sa portico ng mansyon ng mga ito. Bago niya pinasibad ang sasakiyan ay isang kaway mo na ang ginawa ni Jared. Sa gabing iyon ay tila nalulunod sa kagalakan ang puso ng binatilyo. Pasipol-sipol ito habang patuloy sa pagmamaneho. Isa sa mga gabing iyon ang hindi malilimutan sa lahat ni Jared. Habang tumatagal ay lalo niyang minamahal si Monette. . . NAPADAKO ang pansin ng dalagita sa ama ng marinig niya ang sinabi nito isang umaga. Magkaharap silang tatlo sa mahabang lamesa. “Monette, iha, ihanda mo ang mga credentials mo. Dahil this week ay lilipad ka ng France. Doon ka na mag-aaral,”biglang open ng topic ni Don Romulo. “P-Po? P-pero gusto ko pong isa sa mga Universities sa Maynila ako mag-aral ng fassion designing. . .”naibulalas ni Monette. “Iha, anong matutunan mo sa University na pag-eenrolan mo rito sa atin. Mas modern and class ang mga Universities sa France, kaya makinig ka na lamang sa amin. We want the best for you dear. . . “panghihimok ni Donya Selma. “Pero Mommy. . . “ “No more but, Monette. . . our decision is final, understand? Bakit . . . may kinalaman ba ang squater boy na iyon, kaya ayaw mo kaming sundin?”inis na tanong ni Don Romulo sa anak. Agad umiling si Monette, ayaw niyang pagmulan ng gulo nila ng magulang sa parte ni Jared sakali. “S-Sige po, aayusin ko po agad ang mga ka-kailangan na requirements,”tuluyang bigkas nito. “That’s good to hear iha, sige kumain ka pa. . .”si Donya Selma. Maraming mga masasarap na putahe ang nakalapag sa harapan ng dalagita. Ngunit tila walang lasa ang mga iyon, mas masarap pa at nakakabusog ang mga nakahain na handa dati sa bahay nina Jared noong graduation nila. Pinilit na lamang niyang nginuya ang steak na hiniwa ng Mommy niya sa kaniyang plato. NASA itaas ng burol sina Jared at Monette ng mga sandaling iyon. Nakaunan ang binatilyo sa kandungan ng nobya. Alas-siyete na ng gabi, nasa lilim sila ng punong mangga. Ang nag-iisang puno kung saan sila naroroon. Noong unang dinala ni Jared si Monette roon ay tila nainlove ito sa lugar. Naging lihim nilang tagpuang dalawa ang burol. Tahimik kasi ang lugar, ang mga bahay na nakatirik ay malayo pa roon. Sa punong iyon ay inukit nila ang unang letra ng kanilang pangalan at araw kung saan naging sila. “J love M, February 14, 2008. . .”basa ni Jared. “Sana sa pagtanda natin ay nandito pa rin ang punong ito love,”si Monette habang matamang nakatitig din roon. “Oo naman love, matibay yata ang punong ito. Ako pa ang nagtanim noong bata pa ako. Isang lalaki kasi ang nagbigay sa akin ng buto niyan dati, hindi ko nga aakalain na lalaki ng ganiyan iyan. . .”pagkwe-kuwento ni Jared na bumangon mula sa pagakakahiga. Naramdaman ni Monette ang biglang pag-akbay sa kaniya nito. Kahit ilang Buwan na sila ay hindi pa rin sanay ito sa pagkakadikit ng katawan nila ng nobyo. Nahihiya pa rin ito. “May shooting star!”Sigaw ni Jared na nakatingala at napatayo. Humayon din naman ang magagandang mata ng dalagita sa direksyon kung saan nakatingin ang nobyo. Nakapikit na ito na tila nanalangin. Agad rin naman naupo si Jared sa tabi ni Monette pagkatapos ng ilang sandali. “Naniniwala ka roon?”Naiiling na tanong ni Monette rito. “Oo naman, sa tuwing may dumadaan na bulalakaw ay humihiling ako,”maluwang na ngiting sagot ng binatilyo rito. “Talaga? Eh, anong hiniling mo?”corious na tanong ni Monette. “Hindi ko pweding sabihin.” “Bakit?”namimilog na pangungulit ng dalagita. “Kasi hindi matutupad,”maiksing sagot nito. “Hmp! Ang daya mo naman eh!”himutok ni Monette. “Sabihin ko na lamang kapag natupad na, promise love.”si Jared na natatawa pa. Agad nitong sinunggaban si Monette at kiniliti. Napuno ng malalakas na tawanan ng dalawa ang paligid ng burol. Maging ang nagkikislapan bituin na nakakalat sa buong kalangitan na binabalutan ng dilim ng mga sandaling iyon na nakatanglaw sa kanila ay tila mas nagningning pa sa mga sandaling lumipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD