CHAPTER FOUR

966 Words
Love Can Save It All Written by Babz07aziole ISANG maluwang na ngiti ang pumunit sa labi ni Monette. “Manong, dito na ho. Hintayin niyo na lamang kami rito sa labas. . .”bilin niya sa driver nila. Dali-daling pumanaog ng sasakiyan si Monette. Bagama’t may ngiti sa labi’y hindi maikubli ang lungkot sa magagandang mata ng dalagita. Paano ba naman kasi, bukas na ang flight niya papuntang France. Magpahanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa nasasabi ni Monette sa nobyo na aalis siya ng bansa. “Hello love, wait lang at patapos nang magbihis sina Mama. Biglaan naman kasi ang pagyayaya mong kumain sa labas kasama ang pamilya ko,”naiiling ngunit galak na sabi ni Jared. “G-Gusto ko lang kasi kayong i-treat at saka surpresahin,”matipid na wika ni Monette. Natigilan naman si Jared, kahit hindi magsabi ang nobya ay mapapansin niya ang pagkabalisa nito na tila ba may iniinda itong problema. Magtatanong na sana si Jared, ngunit lumabas na sa pintuan ang magulang at mga kapatid nito. “Tara na!”pilit na pinasigla ni Monette ang tinig. Agad siyang umabriyesite kay Jared na panakaw lamang ang pagtitig sa kaniya. Sabay-sabay nang sumakay ang mga ito sa van ng dalagita. “Saan po tayo señorita?”tanong ni Mang Dencio. “Sa paborito ko pong Spanish restaurant Manong sa Bayan.”agad pagbibigay ng utos ni Monette sa driver. Tumango naman ito at agad na tumalima sa utos ng amo. . . “NAPAKASARAP naman ng mga pagkain rito love, kaya pala paborito mo rito.”Tukoy ni Jared sa pasta na linalantakan nito ng mga sandaling iyon. “Oo love, kaya sige kain ka pa. Mamaya manunuod naman tayo ng sine nina Mama. Showing iyong kina “bossing” ngayon sa cinema. Paboritong panuoren ni Papa iyon.” “Naku! Love, masiyado ka atang napapagastos sa paglabas natin ngayon.”puna ni Jared. “Okay lang loves, it doesn’t matter as long napapasaya ko ang pamilya mo a-at ikaw. . . “sagot ni Monette. “Iha kahit naman hindi mo kami ilibre ay napapasaya mo kami,”tugon naman ni Aleng Clemencia sa nobya ng anak. “Oo nga anak, sa’yo pa lang jackpot na si Jared. . .”puno ng pagmamalaking sabi naman ng padre pamilya ng mga Lopez na si Mang Ramil. Para namang tumaba ang puso ng dalagita sa narinig buhat sa magulang ng nobyo. Kaya nga kahit na anong mangyari ay hinding-hindi niya ipagpapalit ito. Dahil mayroon itong buong pamilya na tumanggap sa kaniya. Bigla’y isang malakas na tikhim ang umagaw sa pansin ng mag-anak at sa dalagita. Biglang napatayo si Monette pagkakita sa Mommy at Daddy niya. “Mommy, Daddy . . . b-bakit ho kayo narito. Akala ko ba sa mansiyon niyo na lamang ako hihintayin.”kinakabahan na sabi ni Monette. Nanalangin ang dalagita na sana’y walang masabi ang magulang sa gagawin niyang pag-alis ng Bansa bukas ng gabi. “Well iha, napag-alaman kasi namin kay Dencio na lumabas ka raw---kasama mo ang pamilya ng so called boyfriend mo. At totoong mga patay-gutom sila. See ikaw pa pala talaga ang magbabayad ng kinakain nila!”nanghahamak na patutsada ni Donya Selma sa mga kasama sa lamesa ni Monette na napatayo na rin. Bahagiyang nagyuko at nagtinginan ang mag-anak na Lopez, dahil na rin sa pagtitinginan ng ibang mga costumer sa ginawang pamamahiya ng ina ni Monette. “Mom stop it!”agad na saway ng dalagita rito. “Bakit mo pinapatigil ang Mommy mo Monette kung nagsasabi lang naman siya ng totoo. . . “ nanunuyang saad ni Don Romulo. “Daddy nilibre ko po sila, hindi po nila ako pinilit. Kaya, please! Stop this none sense conversation,”pakikiusap ng dalagita sa mga magulang. “I don’t believe you iha, ang sabihin mo nilulubos ng pamilya nila ang pagiging guillable mo! Masiyado ka naïve sa mga galawan ng mga opotunistang iyan!”patuloy pa rin ni Donya Selma na nakapameywang na sa mga sandaling iyon. Hanggang sa hindi na nakatiis si Jared sa sukdulang pang-aalipusta ng Mommy at Daddy ni Monette sa kanilang pamilya. Para sa binatilyo ay wala na sa tamang lugar ang pambabastos ng mga ito sa kanila. “Excuse me sir, pero sumusobra na kayo. Ginagalang po namin kayo, lalong-lalo na si Monette, pero kung ganiyan ang tingin niyo sa amin ay hindi naman po makatao!”may nginig at bahid na ng sarkasmo ang tinig ni Jared. “Aba! At anong pinagmamalaki mo huh! Isa lang naman kayong hamak na mamayan dito sa Bayan natin. Pero kung makapagsalita ka ay parang may narating kana!”si Donya Selma. “Ang sa akin lamang po ay ayos lang sa akin na ako na ang hamak-hamakin niyo. Huwag lang ang pamilya ko. . .”eksplika ni Jared. “I don’t care, sinasabi ko sa’yo Jared layuan mo si Monette! Hindi ka nararapat sa anak namin. Mataas ang pangarap namin sa kaniya. Gusto namin na kapag nakaalis siya bukas, papuntang France para mag-aral ng fashion Designing roon ay hiwalay na kayo. Is that clear o baka hindi ka lang nakakaintindi!”palatak ng Donya. Napatulala naman si Jared na tinitigan si Monette na parang maiiyak na rin. Maging ang pamilya at mga kapatid ng binatilyo ay hindi na nakaimik. “We must go Monette! Maaga pa ang flight mo bukas ng gabi!”agad na hila ni Don Romulo sa hindi na nakapalag na dalagita. Dire-diretso nang naglakad ang mga ito habang hila-hila pa rin si Monette na may bahid ng tigmak ng luha ang magkabilang mata. Nanatiling nakapukol ang pansin nito sa direksyon ng nobyo nakatitig din sa kaniya ng mga oras na iyon. Kitang-kita ng dalagita ang mapait at hinanakit sa guwapong mukha nito na labis na nagpapabigat sa kalooban ni Monette. Gusto niyang kumawala at balikan si Jared, pero natitiyak niyang lalong magkakagulo ang pamilya nila at pamilya ng nobyo. Kaya isang desisyon ang gagawin niya bago umalis bukas ng gabi. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD