NANATILI lamang nakahiga si Jared sa kaniyang kama ng muli niyang marinig ang pagvibrate ng cellphone niya sa tabi.
Marahan niya lamang tinapunan iyon ng mapag-alaman niyang si Monette ang kasalukuyang tumatawag sa kaniya.
Hindi na mabilang ni Jared kung pang-ilang beses na itong kumukontak sa kaniya. Hinahayaan niya lang naman iyon dahil masama pa rin naman ang loob niya sa nobya.
Naglihim ito sa kaniya iyon ang maliwanag na katotohanan!
"Anak, Jared . . ."biglang agaw ng pansin ni Aleng Clemencia mula sa pintuan kung saan ito nakatayo ngayon. Mahihinuha sa mukha nito ang pag-aalala sa binatilyo.
"Oh, Mama nandiyan pala kayo. K-Kanina pa po kayo riyan,"biglang sabi niya. Agad siyang napaupo matapos na lumapit at umupo sa tabi niya sa kaniyang kama ang ina.
"Hindi naman anak, pero napansin ko na pinatayan mo na naman ng tawag si Monette. Magpahanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin siya kinakausap?"
Agad iniiwas ni Jared ang pansin sa ina, sa totoo lang ay ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon.
"Iho, mas magandang harapin mo ang problema. Lalo ngayon, aalis si Monette ng bansa para mag-aral. Para rin naman sa kaniya iyon at sa iyo. . ."eksplika ng matanda.
"Ang totoo po niyan Ma, o-okay lang naman sa akin na mag-aral siya sa ibang bansa. . . pero iyong inilihim niya sa akin. Hindi ko yata matatanggap,"naghihinakit na amin niya sa ina.
Napangiti naman si Aleng Clemencia, marahan nitong hinagod ang likuran ng binatilyo.
"Kaya nga anak, kausapin mo si Monette kung bakit niya nagawang ilihim sa'yo. Kung maari'y huwag mo siyang husgahan. Nasa unang stage pa lamang kayo bilang magnobyo at magnobya. Sana naman mas palawakin niyo pa ang pang-unawa niyo sa mga bagay-bagay alang-alang sa inyo bilang magkatipan. . . "mahabang litaniya ng ginang.
Kahit paano ay bahagiyang nag-isip si Jared. May punto ang ina, sa mga sandaling iyon ay muling hinintay ni Jared na tumunog ang cellphone niya.
Ngunit tuluyan siyang nabigo ng lumipas pa ang ilang oras ay hindi na tumawag sa kaniya ang nobya.
TULAD sa mga nakaraan gabi na na nagpupunta si Jared sa burol ay napakatahimik.
Mas lamang ngayon, dahil mag-isa nalang din siyang nagpunta sa mga oras na iyon.
Nanatili siyang nakatitig sa mabituin na kalangitan. Hindi na katulad ng dati'y wala ng hatid na ningning ang mga iyon sa paningin binatilyo.
"Ilang oras na lang ay aalis ka na. . ."naibulong ni Jared habang nakahiga siya sa likod ng owner type jeep ng Papa niya. Hiniram niya iyon sa pagpunta roon.
Kasalukuyang nasa isip niya si Monette ng mga sandaling iyon. Sa bawat pagpatak ng oras ay ang lalong pag-ibayo ng kalungkutan sa sistema ni Jared.
Mamaya na kasi ng madaling araw ang alis ni Monette.
"Isang araw pa lang na hindi kita nakasama ay miss na miss na kita love,"naibulong ng binata sa kawalan.
Unti-unting namasa ang magkabilang mata niya dahil sa napipintong pagluha.
Tiluyan niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan magmalabis ang luha niya sa pisngi. Dama niya ang lamig na dulot ng panggabing hangin sa paligid ng burol.
"I love you Monette, s-sana nandito ka . . ."patuloy niyang pagsasalita ng mag-isa. Iniisip niya'y nakatunghay sa kaniya ang nobya at may bahid ng ngiti ang labi.
Ngunit sa pagkagulat niya nang magmulat siya'y nabungaran niya ang magandang mukha ng nobya.
"M-Monette n-narito ka. . . "utal-utal nitong sabi.
"H-Hindi kasi kita natiis love. . ."nasabi ng dalagita. Tuluyang napaluha ito at yumakap sa kaniya ng mga sandaling iyon.
Hindi na rin mapigilan ni Jared ang sarili, agad nitong lalong kinabig payakap si Monette at masuyong hinaplos-haplos ang likuran ng nobya.
"Shhh! I'm so sorry sa ginawa kong hindi pagsagot sa mga tawag mo kaninang umaga. . . "bulong ni Jared.
Saglit naman lumayo si Monette at pinakatitigan ang mukha ni Jared.
"S-Sorry din, dahil inilihim ko ang pag-alis ko ngayong araw, ayaw ko kasing masaktan kita. B-Baka kasi 'pag sinabi ko, pigilan mo ako. Lalo akong panghihinaan ng loob na sundin ang gusto ng mga parents ko. . ."madamdaming wika ni Monette.
"Ayos lang, basta next time Monette ay magsasabi ka agad okay. Walang lihiman, promise mo. Saka hindi ko gagawin iyan, kahit na kailan ay hindi ako mamagitan sa lahat ng magiging desisyon mo. Uunawain kita at laging pakikinggan. Uunahin ko kung anong makakabuti sa'yo, sa relasyon natin. Ganoon kita kamahal love. . ."
Parang sasabog sa kaligayahan ang puso ni Monette, dahil sa mga katagang sinabi ng nobyo.
"S-Salamat love, pangako Jared!"pangangako ni Monette na nakatitig sa binatilyo.
Tila naman nakuha ng binatilyo ang nais ni Monette. Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa nobya. Hanggang sa tuluyang nagdampi ang labi ng bawat isa sa kanila.
"J-Jared, gusto ko s-sanang ibigay sa iyo ang lahat. Bago ako umalis papuntang France. . ."amin ni Monette na malagkit nang nakatitig sa nobyo.
"P-Pero Monette, a-ayos lang naman na hindi eh. S-Saka ginagalang kita. . . "
"G-Gusto ko may babaunin ako sa pag-alis ko love, please . . ."pagmamakaawa ni Monette. Pinugpugpog na ni Monette ang buong mukha ni Jared.
Dahil sa ginawa ni Monette ay tulyan napatid ang pagtitimpi ng binatilyo.
Hanggang sa tuluyang tinugon nito ang bawat halik at haplos ng katipan.
Umibabaw ang nag-aalab nilang damdamin sa nakalipas na sandali na sila'y nagtatampisaw sa isang banyagang karanasan.
"I love you M-Monette. . . "anas ni Jared sa paghahabol ng hininga matapos ang namagitan sa kanila ng nobya.
"I love you too Jared, ipinagpapasalamat kong ikaw ang aking una at sana hanggang sa huli tayo pa rin . . ."puno ng pag-aasam na hayag ng dalagita.
Kinintilan ng maiksing halik sa noo ni Jared ang nobya. Walang pagsidlan ang kaligayahan mababanaag sa mukha ng dalawa.
"Hintayin mo ang pagbabalik ko Jared. . ."matapos sabihin iyon ay nagsumiksik sa tagilirang bahagi ng katawan nito si Monette na tila doon umaamot ng init.
"I will love,"masuyong sambit ni Jared sa pinakamamahal na babae.
Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
Sa mga ganitong gawi ng dalagita kaya lalo niyang minamahal ito. Isa rin ito sa mga katangian na mamimiss niya rito sa dalawang taon na hindi niya ito makikita at makakasama . . .