CHAPTER SIX

1051 Words
MAGMULA ng umalis sa Bansa si Monette ay lagi na lamang nakakulong ang binata sa silid nito. Naging balisa ito sa mga unang linggo na lumipas. Isang katok sa pinto niya ang nagpabalik sa huwisyo ni Jared. Mula sa pagkakahiga niya sa kama ay iinot-inot itong bumangon. “Halika na anak, kain na.”Aya sa kaniya ni Mang Ramil. Tumango naman si Jared at agad na sumunod sa ama. Nagdasal muna ang Ate Jenina ng binatilyo bago nila inumpisahan ang pagkain. “Ikaw Jared, anong plano mo? Malapit na ang pasukan. Naisipan mo na ba kung saan ka mag-e-enrol?”tanong ng ate niya. “Napagdesisyunan ko pong sa UP po ako papasok. Nakapag-take na rin po ako ng entrance exam, waiting na lang po ako sa result.” “Mabuti naman kung ganoon, aba’y kapag nakapasa ka, malaking karangalan na iyon sa pamilya natin,”nagagalak na wika ni Mang Ramil. “Oo nga kapatid, ngayon pa lang proud na ako sa iyo.”tukoy naman ni Jenina na tinapik-tapik pa ang likod ni Jared. “Asus! Si ate ikaw din naman proud kami sa’yo kasi natapos mo ang kurso mo. Sa unang sahod mo libre naman diyan!”naglalambing na ungot ng binatilyo sa nakatatandang kapatid. “Sige ba, ipangako mo lang Jared na magtatapos ka. Huwag ka agad mag-aasawa, para matulungan mo akong pag-aralin itong kambal.”bilin ni Jenina kay Jared. “Si ate naman, oo kahit mas nauna akong lumandi hindi ibig sabihin niyon ay una akong mag-aasawa. Baka ikaw nga itong mauna pang maikasal!”Naiiling na sagot ng binatilyo. “Hoy! Wala pa isipan ko iyan ano! Saka wala pang nagkamaling ligawan ako,”nakasimangot na sabi nito. “Kidding aside ate, mag-aaral akong mabuti at para makabawi ako sa’yo kina uncel Shan na nasa Korea. Siyempre kina Mama at Papa din. Promise! Makakapagtapos ako at susungkitin ko ang pinakamataas na parangal sa graduation ko!”puno ng dterminasyon bigkas ni Jared. “Tama na nga iyan, bago pa tayo mag-iyakan ay simulan na natin ang pagkain. . .”agaw-pansin ni Aleng Clemencia. “Oo nga gutom na kami!”Duet naman ng kambal na sina Jhyruz at Jhyrich. “Ang siba niyong kumain pero ang papayat niyo pa rin!”naiiling at natatawa na pansin ni Jared sa kambal. “Siyempre Kuya, sa utak namin napupunta lahat ng nutrisyon.”sagot ni Jhyrich. Likas kasi na matataas ang IQ level ng dalawa. Nakaenrol ang mga ito sa isang intellectual school. Kambal man ang dalawa ay magkaiba ang dalawa kung saan magagaling ang mga ito:si Jhyruz ay malawak ang kaalaman sa mga mathematics. Habang si Jhyrich ay sa Science naman mas naeenganyo. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila ng Ate Jenina niya ang pagko-kolehiyo ng dalawa. Sabay-sabay na silang kumain, habang patuloy silang nagkuwe-kwentuhan ng kung ano-ano lang. Kaya wala ng hinihiling si Jared, dahil may buo siyang pamilya. Malulusog sila, malayo sa sakit. Nakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Isang bagay sa mundo na pinakaasam ng sino man. Kung papipiliin siya, mas uunahin niya ang kapakanan ng pamilya niya kahit sa ano pa man yaman sa mundo. . . MATAPOS makapanhik sa sariling silid ay dali-dali nang binuksan ni Jared ang computer desk niya. Laking pasasalamat niya sa ama na nabilhan siya nito, kahit second hand lamang iyon. Malaking tulong kasi sa iyon sa kaniyang pag-aaral, isang linggo na lang kasi ay pasukan na! Naexcite pang lalo ang binatilyo dahil pasado siya sa entrance exam sa UP. Agad niyang ini-log in ang yahoo account niya upang mapadalahan na niya ng mensahe ang nobya. Ngunit sa pagtataka ng binatilyo’y nanatili pa rin na hindi pa naseseen ni Monette ang huling message na ipinadala niya noong isang linggo pa. Nais man magdamdam ni Jared ay mabilis na pinalis nito ang namuong lungkot sa kaibutoran nito. “Baka busy lng iyong tao, Jared . . .”piping pakikipag-usap nito sa sarili. Matapos na makasagot sa ibang mga mensahe ang binata ay nag-scroll muna sa f*******: ito. Nakailang scroll na siya sa newsfeed ng biglang dumaan ang profile ni Monette. Nagtataka ang binatilyo, may time itong magpost sa timeline ng nobya niya. Pero ang silipin man lang ang mensahe niya ay hindi man lang magawa nito. Hindi na napansin ni Jared na ini-stalk na nito ang account ng nobya. Lalong kinain ng hinanakit ang binatilyo sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng nobya, habang namamasiyal ito sa France. Kasama ng ibang mga kamag-anak nito. Hanggang isang kuha ng larawan na tag photo ang nakaagaw sa pansin nito. Sa kuha ng mga ito’y nakasandig sa hamba ng tulay and dalawa. Tingin ni Jared stolen shot iyon, mabilis na gumana ang utak ng binatilyo. Ayaw ng pag-isipan ng kung anu-ano ang nobya. “Wala ka bang tiwala kay Monette?”Piping kastigo ng isang tinig mula sa isipan ng binatilyo. “Of course I had. . . “sagot niya. Para na siyang tanga sa ginagawa. Kahit anong saway niya sa sarili ay patuloy siya sa pagtingin sa mga iba pang tag photos sa timeline ng babae. Isang Brix Lincoln ang nakaagaw sa kuryusidad ng binatilyo. Diumano’y iyon ang lalaking kasama ni Monette. Hindi na nagdalawang-isip si Jared, binisita na niya ang f*******: profile nito. Hindi nalalayo ang edad ng lalaki sa kanila. May lahing banyaga ito, kaya ma-itsura at gwapong-gwapong tignan. Marahil ay nasa 6’2 ft ang height nito. Alon-alon ang kulay blonde nitong buhok. Bilugan ang mata, matangos ang ilong at ang labi’y manipis na mamula-mula. Maging ang balat nito’y makinis halintulad sa isang sanggol. Mariin ikinuyom ni Jared ang kamao, dahil halos perpekto sa anuman aspeto ang lalaking sa tingin niya’y “karibal” sa nobya. Mabilis niyang pinalis sa isipan ang pag-iisip ng hindi maganda kay Monette. LDR sila kaya mas kinakailangan niyang intindihin ang sitwasyon nila. Isang nginti ang ipinaskil ng binatilyo sa labi. Hindi hahayaan ni Jared na maging balakid sa sitwasyon mayroon silang dalawa ni Monette ang wala sa lugar niyang pagseselos. Saka na siya magreact kapag nakumpirma na niya ang kutob. Sa ngayon ay okay na siyang makitang madaling nakapag-adjust si Monette sa bago nitong environment. “Baka sadiyang busy lang siya. Malay mo bukas magreply na siya sa’yo sa e-mail. . . “bulong sa isip ni Jared. Pinanghawakan niya ang mga katagang iyon sa mga lumipas na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD