KATATAPOS lamang ng klase nila ni Jared ng hapon na iyon ng maisipan nito na dumaan muna sa isang computer shop.
Magmula ng mag-aral siya ay nagbe-bed space na siya malapit sa University na kaniyang pinapasukan. Isang sakay lamang ng trycle ang biyahe ay makakarating na siya sa tinutuluyan. Pero tuwing weekend ay umuuwi ito sa San Nicolas.
Ngunit dahil maaga silang dinismissed ng prof niya sa isang major subject niya'y may oras siyang magbabad sa computer shop.
Agad niyang itinabi sa ibaba ang bag niya. Dali-dali na niyang itinype sa keyboard ang email at password niya sa yahoo.
Napangiti ang binata ng makita niyang may sagot na sa mensahe niya ang nobya.
Napuno ng excitement ang dibdib ng binata.
Dear Jared love ko,
Kumusta kana? Pasensiya kung ngayon ko lamang natignan ang mensahe mo. Nagkaproblema kasi sa password ng account ko, mabuti na lamang maalam sa mga ganitong bagay si Brix. . .
Biglang napahinto sa pagbabasa ang binata ng mabasa niya ang pangalan ni Brix, ang lalaking pinagseselosan niya. Muli ay ipinagpatuloy niya ang pagbabasa, pakiramdam niya parang kaharap niya lamang ang nobya.
. . . alam mo love, sobrang miss na kita. Pero iniisip ko, balang-araw magkakasama rin tayo. Sana okay ka lang diyan, kumain ka lagi sa tamang oras maliwanag ba love? Kasi wala ako diyan para alagaan ka. Paki-kumusta mo pala ako kina Mama Clemencia at Papa Ramil, maging sina ate Jenina at sa kambal.
Basta mag-aral kang mabuti huh Jared, para sa future natin. Saka love. . . huwag kang titingin ng iba diyan, okay, so hanggang dito na lang muna ang liham ko love. Magiging busy ako this month, lagi mong isipin na mahal na mahal kita. . . I miss you so much love.
Monette.
Hindi alam ni Jared pero matagal siyang nakatitig sa email ng nobya. Sa totoo lang ay miss na miss na rin naman niya ito. Kahit hindi nito sabihin ay mag-aaral siyang mabuti, para balang-araw ay ipagmalaki rin siya nito.
Tuluyan na siyang tumipa para masagot ang email ng nobya. Ikuwe-kwento niya rito ang mga nakalipas na araw niya na magkalayo sila. Para kahit paano'y maramdaman nitong magkalayo man sila ay tila magkasama pa rin sila kahit malayo ito sa kaniya. . .
AFTER TWO YEARS
NGINGISI-NGISING pinagmasdan ni Jared ang kalendaryo nila na napuno ng ekis na mark.
"Tinorture mo na iyang kalendaryo 'nak huh!"Puna ni Aling Clemencia habang naglalagay ito ng mga tinuping damit sa kabinet ni Jared.
"Excited na akong makita si Monette Ma!"galak na pamamalita ng binata sa ina.
"B-Bakit?Ahy oo nga pala mahigit dalawang taon na rin siya roon ano?"nasabi ng ginang.
"Oo nga e Mama, kahit hindi ko masiyadong nakakausap si Monette this past few weeks. Tanging sa sss account niya lamang kasi ako nakikibalita sa kaniya. Mabuti na lamang at may mga nagta-tag photo sa kaniya ng mga kuha niya noong graduation niya."salaysay ni Jared.
Tuluyan nitong itinabi sa lamesa ang hawak niyang mark pen.
Wala kasing kahilig-hilig sa social media ang nobya. Mabuti na lamang at kahit magkagayon ay hindi naging mahirap sa dalawa ang pagiging LDR.
Dahil parehas silang matured sa lahat ng bagay. Sa loob ng dalawang taon ay hindi sila nag-away nito,may mga kaunting tampuhan ngunit nakukuha nilang ayusin pagkatapos.
Mas priority kasi ng dalawa ang ibang mga bagay, lalo ang pag-aaral nila.
"Kailan ba uuwi ng Pilipinas si Monette iho?"ang agaw-pansin na tanong ni Aleng Clemencia sa binata.
"Hindi ko pa rin alam Ma, hindi pa nagrereply si Monette sa email ko noong nakaraan araw. Saka magiging busy ako this week, mayroon po kaming exam."sagot niya sa ina.
"Ah ganoon ba, balitaan mo na lamang ako kung kailan ang araw ng uwi niya para makapaghanda tayo ano,"bilin nito sa binata.
"Sure Ma, baba na lang ako mamayang hapunan. Aayusin ko pa ang mga dadalhin kong gamit sa boarding house para bukas."
Tumango naman si Aleng Clemencia.
Nasa kalagitnan na siya sa paglalagay ng mga gagamitin niyang uniform nang humahangos na pumunta sa silid niya si Jhyruz.
"K-Kuya, may bisita ka!"tawag sa kaniya nito.
"Pwedi ba, nakikita mong may inaasikaso ako. Kung sino man iyan paghintayin mo na lamang sa ibaba, maliwanag. "hindi tumitingin na sabi niya sa kapatid.
"Eh kasi kuya. . ."
Natigil sa paglalagay ng damit si Jared, pinakaayaw niya kasi ay pinapakialaman siya.
"Sino ba kasi iyan at . . ."Napipikon niyang sabi, ngunit nabitin sa ere ang iba pa niyang sasabihin ng makita niya ang bulto ni Monette na katabi ni Jhyruz. Nasa likuran din naman ang magulang niya.
Hindi na namalayan ng binata na napatakbo na siya sa direksiyon ng nobya. Maging ito man ay yumakap sa kaniya ng mahigpit.
Natutuwa naman ang dalawang matanda sa nasaksihan. Maging ang kambal ay nag-apear pa.
Hindi na tuloy namalayan nina Jared at Monette na tuluyan ng umalis ang mga ito.
"T-Totoo ba ito?"hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Jared matapos na lumayo saglit sa nobya. Hawak-hawak na nito ang magkabilang pisngi ni Monette.
"Oo naman love, akala mo ba nanaginip ka lang!"galak pero naiiyak na sabi ng dalaga.
Agad naman siyang niyakap ni Jared at hinalik-halikan ang noo nito.
Walang pagsidlan sa tuwa ang dalawa sa nakalipas na sandali.
"Opo ka muna love, wait ayusin ko lang ito. Labas tayo maya!"
Agad naman tumalima si Monette at naupo sa kama ng nobyo. Puno ng pagmamahal na pinagmasdan lamang siya nito. Maging si Jared ay panaka-nakang tinatapunan ng tingin ang nobya. Naroon na mangingiti silang dalawa.
"Wait love, magbihis lang muna ako. . ."
"S-Sige, maghintay na lamang ako sa ibaba love,"sambit ni Monette.
Tatalikod na sana ito ng maramdaman nito ang paghawak ni Jared sa siko niya.
"B-Bakit love?"takang-tanong ni Monette.
"A-Ayaw mo ba akong panuoren magbihis?"pilyong tanong ni Jared.
"Sira! Ano ka ba, baka kung anong isipin nina Mama sa ibaba. . . "nanaway nitong sabi matapos na mahampas ng dalaga ang dibdib nito.
"Ano ba joke lang naman love, hindi ka na mabiro."tatawa-tawang sabi ni Jared.
"Hee! Luko ka!"nakasimangot na angil ni Monette. Naramdaman niya ang pag-akbay ni Jared.
"Baka lang naman kasi na namiss mo iyong . . . alam mona,"nanunudyong anas ng binata na itinaas-taas pa ang kilay nito.
"Ano ka ba Jared! Kilabutan ka nga!"naghuhumerantadong saway ni Monette sa nobyo. Kasabay ng pagkurot nito sa tagiliran ng binata. Pulang-pulang na ito sa ngayon.
"Ikaw naman hindi ka na mabiro, Uy! Tama na masakit na love!"pigil ni Jared sa kamay ni Monette na panay pa rin ang pagkurot sa kaniya.
"Ikaw kasi, porket may nangyari na sa atin tini-take advantage mo na ako!"
"Uy! Hindi huh! Love, di ba biro lang. Sorry naman!"
Nang mahawakan na ni Jared ang beywang ni Monette ay dali-dali na niyang binuhat ito sabay silang natumba sa kama.
Napuno ng tawanan sa buong silid ni Jared dahil sa walang humpay na pangigiliti ng binata sa dalaga.
Itinigil niya lamang iyon ng napapaos na ang tinig ni Monette dahil sa walang humpay nitong pagtawa.
"Mukhang pinagod mo itong si Monette ah iho,"birong panimula ni Mang Ramil matapos nilang makababa ni Jared.
Agad naman pinamulahan si Monette.
"Papa w-wala naman kaming ginawa!"agad na pangtatama ni Jared sa kung ano man kababalaghang tumatakbo sa isipan nito.
"Naku Jared, huwag mo pinapansin iyang Papa mo. Dahil nagbibiro lamang iyan!"agad na pamamagitan ni Aleng Clemencia.
"Si Papa talaga! Dahil diyan pahiram ng sasakiyan mo,"pagkuha ng permiso ni Jared.
"Sige nak, basta siguraduhin mong gagasulinahin mo pag-uwi huh!"habilin pa ni Mang Ramil.
Matapos pa ang ilang pag-uusap ay umalis na sila Monette at Jared.
"Saan pala tayo pupunta love?"tanong ni Monette sa nobyo.
Maiksi lamang siyang binalingan ng tingin ni Jared. Nakaagaw ng pansin sa dalaga ang kakatwang ngiti nito.
"Hoy! Baka sa motel mo pa ako dalhin huh!"
"Hindi ah love, ikaw ang dumi ng utak mo. . ."naiiling na sabi ni Jared.
"Eh saan ba kasi!"patuloy na usisa ni Monette.
Naramdaman ng dalaga ang masuyong paghawak ni Jared sa palad niya. Bago niyon dalhin sa labi nito at kinintalan ng halik.
"Siyempre saan pa nga ba, sa dati nating tagpuan love. . . "
Napangiti naman si Monette, saglit silang dumaan sa supermarket upang mamili ng makukutkot.
Hanggang sa tuluyan silang nakarating sa burol. Katulad pa rin ng dating emosyon ang bumalot kay Monette sa tuwing tumutuntong siya roon.
Magaan at payapa ang pakiramdam, kuntento ang dalaga lalo at katabi niya ang lalaking pinakamamahal.
"I love you Monette,"anas ni Jared.
"I love you too Jared, salamat sa paghihintay, pang-uunawa sa naging sitwasyon natin. Salamat love at hindi ka nagbago . . ."
"Hindi iyan mangyayari love, ako pa rin ito ang dating Jared na minahal mo. Promise lalo pa kitang mamahalin ngayon nakauwi ka na. . ."puno ng pagmamahal na bigkas ni Jared habang nakaupo sila sa inilatag na kumot nito sa lupa.
Napasuluyap ang dalaga sa binata na nakatitig na ngayon ng buong pagsuyo sa kabuuan ng mukha niya. Tuluyan ipinikit ni Monette ang mga mata ng kusang idinampi ni Jared and labi nito sa kaniya.
Tanging mabining dapyo ng sinag ng papalubog na araw ang tumatanglaw sa kanila.
Maging ang malamig na hangin na dulot ng hapon na iyon ay hindi nila ramdam sa muling pagakakadikit ng katawan nila. . .