CHAPTER EIGHT

931 Words
AGAD nang pinagbuksan ng pinto ni Jared si Monette. Halos dalawang oras din silang tumambay sa burol. Tulad ng nakagawian ng dalawa ay pinanuod nila ang paglubog ng araw. Pinagkwentuhan ng dalawa ang ibang mga naachieved ng dalaga. Sa edad na disi-otso ay ilang bansa na rin pala ang napuntahan nito. Hindi maiwasan ng binata managhili sa nobya, gayong wala naman siyang karapatan na makaramdam ng ganoon. Sa isip niya’y ipinanganak ang nobya na may golden spoon. Kaya halos nabibigay ng mga magulang nito ang lahat ng magustuhan nito. “So kailan tayo magkikita ulit love?”tanong ni Jared. Titig na titig ito sa nobya ng mga sandaling iyon. Halos sa dalawang taon na nagkahiwalay sila nito ay lalo itong gumanda sa kaniyang paningin. Kung maganda na ito dati’y mas lalo pa ngayon. May highlights na ngayon ang buhok nito, wavy na hairstyle. Marunong na rin itong maglagay ng make up. Sa itsura pa lang nito’y halatang may ibubuga na ito sa lipunan na kanilang ginagalawan. “Ah kasi, Jared. . . kuwan kasi, ang totoo babalik ako agad ng France.” Biglang natulala si Jared. Hindi niya alam ang itutugon sa babaeng kaharap. Tila ba biglang nanikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga ng maayos. “B-Bakit Monette, hindi ba’t ang sabi mo lang ay dalawang taon ka lang doon?”Agad nitong iniwas ang pansin. “P-Pasensiya ka na love, k-kailanganin ko kasi magkaroon ng kahit dalawang taon o higit pa na experience sa France. Para kapag nag-stay na ako rito for good atleast may pangalan na ako sa ibang bansa. . ." Muling binalingan ni Jared ang mukha ni Monette, naroon ang paghingi nito ng pang-unawa niya. Nagbunga muna ng hangin sa bibig ang binata. Isang napipilitang ngiti ang ipinaskil niya sa labi. “I-It’s okay l-love, maano’y para rin naman sa future mo ang ginagawa mo. . .” “Salamat love! Akala ko hindi ka papayag,”nasa mga mata pa rin ni Monette ang tensyon. Hinagkan na lamang sa noo ni Jared si Monette at saka mahigpit na yumakap. Masakit man sa kalooban ni Jared na magkalayo sila ay nagpakatatag siya sa harapan nito. “Alam mo naman na hinding-hindi kita matitiis Monette. Lahat ng gusto mong gawin ay susuportahan ko, ganoon kita kamahal . . .” “Salamat talaga, I love you.”tugon ni Monette. “Welcome love, I love you more. . . “ DUMATING ang araw ng pag-alis ni Monette. Hindi na naihatid ni Jared sa airport ito dahil may mahalaga siyang exam na aasikasuhin sa araw na iyon. Kasalukuyan siyang nag-te-take ng exam sa desk niya ng mapatingin siya sa labas ng bintana. Kitang-kita niya ang mabagal na paglipad ng eroplano sa kalangitan. Bigla siyang binalot ng mabigat na emosyon sa mga oras na iyon. Naisip niya na nakasakay na ang nobya roon. “Mr. Lopez, look down to your test paper. Concentrate, this is your first warning.”biglang sabad ng matinis na boses sa likuran ng binata. Upang mapabalik sa desk niya ang atensiyon. “Sorry ma’am.” Tuluyan niyang ibinaba ang mukha. “Hayaan mo Jared 3 years lang naman ulit na maghihiwalay kayo ni Monette. Nangako naman siyang magbabakasyon kahit isang beses sa isang taon, okay na iyon. For now, focus ka sa exam mo. Kailangan mong ipasa iyan para makakuha ka ng mataas na average score.”pakikipag-usap ni Jared sa isip lamang. Hindi na nagsayang ng oras ang binata. Payapa ang kalooban na nagpatuloy siya sa pagsagot sa test paper niya. Kahit paminsan-minsan ay sumasagi sa isip niya ang maamong mukha ng mahal niya. “Para sa’yo mag-aaral akong mabuti love. . . “nawika ni Jared pagkatapos. MABILIS na lumipas ang tatlong taon. Nagpatuloy sa matiyagang pag-aaral si Jared. Dahil na rin sa pangako niya sa sarili na hindi masasayang ang paghihirap para sa sarili at mga magulang. Kahit kulang sa tulog at halos wala ng pahinga si Jared sa mga panahon na nagsusunog siya ng kilay sa kurso niya. Nakamit pa rin niya ang pinakamataas na parangal sa pagkagraduate ng Bachelor of Arts in Architectural Engineering. Present ang mga magulang niya sa pagtitipong iyon. Maging si Monette ay naroon din. “Congratulations love! I’m so proud of you!”Masayang bati ni Monette kasabay ng mahigpit nitong yakap. Tinugon naman ni Jared ang yakap ng nobya, ngunit hindi pares sa yakap ng una’y tila walang hatid na init. “T-Thank you. . . “maiksing usal ni Jared. Agad din itong kumalas mula sa pagkakayakap sa dalaga. Takang-taka si Monette sa biglang pagbabago ng nobyo, may isang taon na rin ang nakararaan. Gusto niyang usisain ito, kung bakit ay tila bigla itong nanlamig sa kaniya. Pero naisip niyang wala sa tamang lugar at panahon kung ngayon niya itatanong iyon. Saka na kapag nasa bahay na lamang ng mga ito. Doon na lamang siguro niya kakausapin ito ng masinsinan. “Tara na iha, madaming handa si Jared sa bahay. Saka dumating din sina Uncel Shan niya galing sa Korea. Excited sila na makilala ang nobya ni Jared na isang sikat na fashion designer na sa France!”yakag sa kaniya ni Aleng Clemencia. “S-Sige po Mama,”kiming sabi ni Monette. Napasunod na lamang siya sa likuran ng mga ito. Ngayon pa lang ay naghahanda na siya sa magiging pag-uusap nila ni Jared. “Okay lang iyan, Monette. Maybe Jared has a reason. Basta ihanda mo lang ang sarili mo. K-Kung sakaling gusto niya ng hiwalayan. . .” Sa naiisip ay parang tinusok-tusok ng libo-libong karayom ang puso ni Monette. Kakayanin ba niyang i-let go si Jared? Itapon ang halos limang taon na nilang relasyon? Hindi niya alam. Baka hindi niya kayanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD