"Kain ka pa," sabi ko kay Rovi habang sinusubuan ko siya nang gabing 'yon. Ilang araw na rin ang nakalipas at naging linggo, sa awa ng Diyos, nagising na rin si Rovi mula sa mahaba-haba niyang tulog. Umiling-iling siya sa pagitan ng pagnguya, "I'm already full, Mama," sabi niya sa akin kaya inihinto ko na rin ang pagsubo sa kanya. "Hello?" Nakangiting bungad sa amin ng dalawa kong naggagandahang kaibigan. "Hello, Rovi?" bati sa kanya ni Anton. "Kumusta ang Rovi namin? Okay na ba?" tanong rin sa kanya ni Lani. "Okay na po ako, Mommy-Ninang," nakangiti ring sagot ng anak ko. "Mabuti kung ganu'n. Masayang-masaya kami para sa'yo," saad ni Anton na pilit pa talagang pinapasigla ang boses. "Si Daddy Romir, kasama niyo po ba?" Natigilan ang dalawa sa biglaang pagtanong sa kanya ni Rovi

