Chapter 1
First day ng anniversary celebration ng school namin ngayong gabi at ang unang inaabangan ng lahat ay ang dance competition kung saan ay kasali kami ni Ken.
Si Ken ay isa sa mga kaklase at kaibigan ko. Sa aming apat, kaming dalawa ang magkakasundo dahil pareho kaming mahilig sa pagsasayaw kaya pareho kami ng kursong kinuha. He is a gay kaya napaka-enjoy kasama.
Ngunit sa isang gabi ng pagkakamali, isang gabi na pagkagising namin kinaumagahan ay pareho na kaming hubo't-hubad, nagbago ang lahat. Madalas na niya akong iniiwasan, madalang na rin niya akong kausapin.
Madalas niyang sinisisi sa akin ang nangyari ng gabing 'yun. Ayon sa kanya, dahil sa kapabayaan ko, nawala na ang kanyang virginity. Masakit isipin na ako na nga ang nawalan, ako pa ang naging makasalanan pero hindi na ako umimik tungkol sa bagay na iyon.
Sinusubukan ko na ring baguhin ang sarili ko. Tanggapin at yakapin ang mundo kung saan talaga ako nararapat, ang mundo ng mga kababaihan!
Ginagawa ko ang lahat ng 'yon para sa kanya dahil sa kabila ng pagiging pusong lalaki ko, natutunan ko na rin siyang ibigin at pahalagahan pero ang masakit, ako lang yata ang nakakaramdam ng ganu'n dahil ramdam ko ang galit niya sa akin.
Magkakatabi ang lahat ng tropa sa upuan kasama sina Clark at ang kanyang tropa. Napuno na ng hiyawan at sigawan ang loob ng pinagdarausan ng event. Kanya-kanyang pagche-cheer ang ginagawa ng bawat departments para sa kanilang contestants.
At makalipas ang ilang sandali ay sinimulan na rin ang event.
"Where is Mr. Navidad?" Para nang sasabog si Prof. dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Ken sa amin.
Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan pero hindi ko talaga siya makuntak. He's always out of coverage.
"Ms. Ramirez, where is Mr. Navidad?" tanong sa akin ni Prof.
"Hindi ko po alam," sagot ko naman. Kinakabahan na talaga ako ng sobra lalo na at palapit na nang palapit ang turn namin para mag-perform.
"Call him!" galit niyang sabi, hindi lang sa akin kundi pati na sa lahat ng mga kaklase naming nadoon kasama namin sa backstage.
Agad naman silang tumalima at kanya-kanya na sila sa pagda-dial sa phone number ni Ken pero gaya ko, nabigo rin sila.
"Prof. we can't reach him," sabi ng isa kong kaklase.
Napapikit na lamang sa inis si Prof. Alam kong gustong-gusto na talaga niyang magmura pero nagpipigil lamang siya.
"Ken, asan ka na?" tanong ko sa sarili. Sinubukan ko pa rin siyang tawagan pero out of coverage pa rin siya.
After a couple of minutes, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tawagin na ng hosts ang pangalan ng department namin.
Napatingin ako sa mga kaklase ko. Lahat sila nababahala na pero hindi naman namin ugali ang mag-backout na lamang.
"Prof?" tawag ko sa kanya.
"Go ahead. Kung ano ang makakaya mo, gawin mo," sabi nito.
"Good luck, Vence," sabi naman ng mga kaklase ko. Tumangu-tango ako saka na ako tuluyang lumabas mula sa backstage.
Napatingin ako sa tropa at nakita ko sa kanila ang pagtataka kung bakit hindi ko kasama si Ken sa paglabas.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, sa backstage, sa audience sa pagbabasakaling makikita ko si Ken pero wala talaga.
"Where's Ken?" Narinig ko pang tanong ni Mark.
"Bakit siya lang mag-isa?" taka ring tanong ng isa pang estudyanteng nasa likuran nila.
"Try to call him," nag-alala ring tugon ni Joey at dali-daling kinuha ni Lani ang phone niya at tinawagan niya si Ken.
"I can't reach him," dismayadong sabi ni Lani.
Kitang-kita ko na rin ang pagkabahala sa kanilang mga mata ngayon.
"Asan si Ken?" tanong ng isa pang estudyante na kaklase namin.
"Bakit siya wala?" dugtong pa ng katabi nito.
Maya-maya lang ay nagsimula ng mag-play ang music na sasayawin namin. Wala na'kong nagawa kundi ang sumayaw na lamang na nag-iisa. Pikit-mata akong sumasayaw hindi dahil nahihiya akong sumayaw mag-isa kundi dahil sa masakit na katotohanang kaya pala akong iwan ng taong minahal ko.
Nag-iisa akong sumasayaw. May mga lifting steps pa naman kami sanang gagawin pero hindi ko na magagawa dahil walang magbubuhat sa akin dahil hindi sumipot si Ken.
Nang i-extend ko ang aking kamay ay may biglang humawak dito at ganu'n na lang ang pagtataka ko. Agad namang akong nagmulat ng mga mata at napatingin ako sa nagmamay-ari ng kamay na humawak sa aking kamay at ganu'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari nu'n. It's Romir! Napaawang ang mga labi ko. Hindi ako makapaniwala sa biglaang pagsulpot ni Romir sa stage.
Nakangiti siyang nakatingin sa akin saka iginaya niya ako sa aming sayaw.
Habang nagsasayaw kami ay hindi ko maiwasa ang napatitig sa kanya. Bakit niya 'to ginawa? Bakit kabisadong-kabisado niya ang dance steps namin?
Nanatili rin siyang nakatitig sa akin habang hindi mawala-wala sa kanyang mga labi ang ngiti na paminsan-minsan ko lang nakikita.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos na rin kaming sumayaw. Naghiyawan ang lahat nang yumuko na kami sa harap nila bilang senyales na tapos na kaming sumayaw.
Pagkababa namin sa stage ay excited na sinalubong kami ng tropa.
"That was awesome, Dude!" nakangiting pahayag ni Joey.
"Hindi ko inaasahan 'yun, ah!" segunda naman ni Mark.
"Congrats, Vence..." bati ni Lani sa akin at napatingin siya kay Romir, "...thanks for saving our friend," nakangiti niyang sabi.
Tumangu-tango naman si Romir.
"Congrats, Vence..." bati ko rin sa akin ni Anton, "...at salamat sa'yo, Romir," baling niya rito at ngumiti naman si Romir.
"Wait! How did you know their dance steps?" takang-tanong ni Joey.
"Oo nga, Dude! Paano ka natuto nu'n?" tanong rin ni Mark.
Napaawang ang mga labi ni Romir sa tanong ng mga kaibigan. Pasimpleng napatingin siya sa akin na nag-aabang na rin sa magiging sagot niya.
"Magaling talaga sumayaw 'yan kaya hindi na nakapagtataka," singit naman ni Clark.
Napakamot naman sa kanyang batok si Romir.
"Ahh...ano kasi, na...nakita ko kasi sila minsan na nagsasanay kasama si Ken at dahil magaling akong sumayaw, natutunan ko na rin kaagad," nakangiti niyang sabi habang pasimpleng tinitingnan niya ako.
"Ay! Oo nga pala. Asan nga pala si Ken?" tanong ni Mark.
"Ano kayang nangyari du'n? Bakit kaya hindi siya sumipot?" sunud-sunod na tanong ni Joey.
"I'm sorry, guys?" kunot-noong tanong ni Clark kaya napatingin kami sa kanya habang nakatingin siya sa kanyang phone. Nagtatakang napatingin sa amin si Clark.
"It's a message from Ken," sabi niya sa amin at biglang nagvibrate ang phone ni Anton kaya dali-dali niya itong kinuha at tiningnan.
"I'm sorry, guys?" taka rin niyang tanong. 'Yan ang message na nabasa niya galing kay Ken. Napatingin rin si Lani sa phone niya ng bigla itong tumunog.
"Bakit siya nagso-sorry?" taka niyang tanong dahil kung ano ang message na ipinadala ni Ken sa kina Anton ay ganu'n rin ang message na natanggap ni Lani.
"Baka nagso-sorry siya dahil hindi siya nakapunta dito ngayon," ani Joey.
"No! Masama ang kutob ko dito," saad naman ni Anton. Napatingin siya sa akin na nakayuko at wala ring ideya sa mga nangyayari.
Dali-dali niyang tinawagan si Ken pero hindi niya ito makuntak. Makailang ulit na rin niyang idinayal ang phone number nito pero out of coverage pa rin talaga si Ken kaya she decided to contact his Mother. I'm sure, she know why Ken didn't make to the contest and why we can't reach him.
"Hello, Tita. Magandang gabi po," bati niya sa ina ni Ken na si Tita Lourdes through phone ng sagutin na nito ang tawag niya.
"Itatanong ko lang po sana, Tita kung bakit hindi nakapunta ngayon sa school si Ken," sabi ni Anton.
"Nagpaalam?" Nagtatakang napatingin ako kay Anton dahil sa tanong niya at napatingin siya sa tropa, "...para saan po, Tita?" tanong niya uli.
"Po?! C-canada?!" Lalo akong nagulat sa narinig at napaawang na rin ang mga labi ko, "...kailan po, Tita?" muli niyang tanong at walang anu-ano'y pagkabigla bigla kong inagaw ang phone ni Anton at pinakinggan ko ang sagot ni Tita Lourdes.
"Ngayon ang alis niya. Nasa airport na nga siya ngayon." Pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na tubig ng mga oras na 'yun kaya walang anu-ano'y tumakbo ako palabas.
"Vence!" tawag nila sa akin. Pero hindi ko na sila pinansin pa. Dali-dali nila akong hinabol palabas.
Napatingin sa amin ang ibang estudyanteng nandoon habang nagtatakbuhan kami palabas.
"Vence, sandali!" habol ni Lani sa akin pero hindi ako nakinig. Patuloy pa rin ang ako pagtakbo.
Nang makalabas na ako ay agad akong pumara ng taxi pero agad akong naabutan ni Romir.
Sinubukan pa niya akong pigilan pero wala pa rin siyang nagawa. Tuluy-tuloy na akong pumasok sa taxi at agad namang pinatakbo ito ng driver. Napasunod sa akin sina Clark at Anton habang naiwan ang tropa na nababahala na rin sa nangyayari.
Pagkahinto ng taxi ay agad-agad akog lumabas at pumasok sa loob.
"Vence!" tawag sa akin ni Anton pero hindi na'ko nag-abala pang lingunin siya.
Tuloy-tuloy na ako sa loob ng airport at lakad-takbo ang ginagawa ko habang panay ang linga ko sa paligid.
"Ken!" tawag ko kay Ken, "Ken! Asan ka!" patuloy kong pagtawag dito habang hindi na ako napapalagay.
Patuloy pa rin ako paghahanap kay Ken sa pagbabasakaling makikita ko siya. Nanatili lang nakabuntot sa akin si Anton habang hingal na hingal na rin sa kahahabol sa akin.
Nang makalapit ako sa isang information desk ay agad akong nagtanong sa isang staff na nandoon. Pero nang hindi ko nakuha ang sagot na aking hinahanap ay muli ko pa ring tinanong ang staff pero the same answer pa rin ang natanggap ko.
Wala na si Ken. Iniwan na niya ako. Nilisan na niya ako. Dahan-dahan akong lumakad palapit kay Anton na nakatayo na sa likuran ko at agad naman niya akong sinalubong.
"Vence," hinihingal niyang tawag sa akin pero nilagpasan ko lang siya. Ni hindi ko man lang siya napansin. Nag-alalang sinundan niya ako ng tingin.
"Vence," salubong rin sa akin ni Clark pero gaya ng nangyari sa Anton, nilagpasan ko lamang siya ito at hindi pinansin. Muli nila akong hinabol hanggang sa labas ng airport.
"Vence," muling tawag sa akin ni Anton at this time napatingin na ako sa kanila at hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko sa pag-agos. Masyado nang masikip ang dibdib ko. Masyado na akong nasasaktan.
"Wala na si Ken," sabi ko saka na ako tuluyang napahagulhol. Dahan-dahan akong niyakap ni Anton habang patuloy pa rin ang aking paghikbi.
Hinagud-hagod niya ang likod ko.
"Iniwan na niya ako," humihikbi ko pa ring sabi. Nasa ganu'ng ayos kami sa loob ng ilang sandali. Nang humupa na ng konti ang mabigat kong nararamdaman ay kumawala na ako mula sa pagkakayakap kay Anton saka ako naglakad, nakailang hakbang lang ako pero bigla akong nahilo at nandilim ang aking paningin at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at nasa gilid ko sina Clark at Anton pati na ang doktor na nag-asikaso sa akin. Napangiti silang napatingin sa akin.
"Dok, kumusta ang kalagayan niya?" Narinig kong tanong ni Anton sa doktor at nakita kong napangiti ang doktor.
"She's fine and you don't need to worry dahil normal lang ang himatayin ang isang buntis."
Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng doktor.
"P-pakiulit po, dok," sabi ni Anton sa doktor dahil hindi rin ito makapaniwala sa narinig.
"She's pregnant kaya normal lang na himatayin siya..." sabi ng doktor na siyang nagpatigil sa aking mundo. Napatingin siya sa akin, "...but you need to be careful 'cause you are 2 weeks pregnant and in this stage, masyadong masilan ang pagbubuntis at pwedeng dahil lang sa maliit na pagkakamali ay mawala sa'yo ang baby mo," dugtong pa ng doktor saka ito nagpaalam sa amin. Binalingan ako ng tingin nina Anton.
"I'm pregnant," hindi ko makapaniwalang nasambit.
"Buntis ka?" Agad kaming napalingon sa likuran namin at pareho kaming nagulat sa biglang pagsulpot ni Mama Marcyl, ang ina ko!
"Tita?" gulat na sabi ni Anton.
"Ma?" gulat ko ring tawag sa kanya. Napasunod ang tingin ko kay Mama na dahan-dahang lumapit sa kinahihigaan ko.
"Sabihin mo sa akin. Totoo ba ang narinig ko? Buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ma? Magpapaliwanag ako----" Hindi ko na naituloy ang iba ko pa sanang sasabihin nang biglang dumapo sa aking pisngi ang palad ni Mama.
"Tita!" Agad na awat ni Anton.
"Ma?" umiiyak kong sambit. Sapo ang mukha kong tinamaan ng mataginting na sampal ni Mama.
"Sino? Sino ang ama?!" galit niyang tanong.
"Ma."
"Sino, Vicenta?! Sino ang ama ng dinadala mo? Sino?!" Para nang sasabog si Mama sa galit.
Hindi ko na rin nakuha pang sumagot dahil hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa ina ang lahat. Dahil walang sagot na natanggap si Mama ay agad siyang nagwawala. Niyugyog niya ako at hindi pa siya nakukuntento, pinagsasampal pa niya ako. Pilit siyang inaawat ni Anton at nakisali na rin si Clark sa pag-awat sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil. Umiiyak na rin siya sa kinasasapitan ko.
"Tita, tama na po. Nasasaktan na po si Vence!" awat ni Anton.
"Ma, tama na po!" umiiyak ko ring pakiusap.
"Tita, nasasaktan na ang anak niyo. Tama na," sabad naman ni Clark habang pinipilit nilang mapatigil si Mama.
"Sino ang ama ng dinadala mo?" umiiyak niyang tanong at maya-maya lang ay parang huminto sa pag-inog ang mundo naming lahat nang biglang may isang lalaking payakap na hinarang niya ang kanyang katawan sa akin kaya siya ang tinamaan ng lahat ng pagsasampal na ginawa ni Mama na para sana sa akin. Pinotektahan niya ako.
"Romir?" halos sabay pang sambitin nina Clark at Anton ang pangalan ng lalaking nagprotekta sa akin. Dahil doon, napahinto sa pagwawala si Tita Marcyl. Gulat na gulat akong napatingin kay Romir na bahagya pang nakayakap sa akin.
"Romir?" gulat na nasambit ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
Sina Lani, Mark at Joey ay nasa likuran namin, natulala rin sa pangyayari. Dahan-dahan na kumawala mula sa pagkakayakap sa akin si Romir at buong tapang na hinarap ang aking ina.
"Sino ka? Ikaw ba ang ama ng dinadala niya?" tanong ni Mama sa kanya.
"Ma, hindi---"Opo, ako po." Napanganga kaming lahat sa pag-amin ni Romir. Nanlaki ang mga mata ko. Gulat na gulat.
"What are you doing, Romir?" taka kong tanong sa kanya pero hindi niya ako pinansin, "...Ma, nagsisinu-----" Napahinto ako pagsasalita nang biglang lumuhod si Romir sa harapan ni Mama at natutop ko ang sarili kong bibig sa nakita.
"Handa akong panagutan ang anak niyo. Pakiusap ko lang po, huwag niyo po sanang saktan ang mag-ina ko," madamdamin niyang sabi habang nakayuko. Lalong naapaawang ang mga labi ko sa narinig. Buong tropa, hindi makapaniwala sa ginawa ni Romir.
"Romir!" bulyaw ko sa kanya. Napatingin naman si Mama sa akin.
"Pagkalabas na pagkalabas mo rito, pag-uusapan natin ang kasal niyo," matigas niyoing tugon at isang sulyap pa ang ginawa niya kay Romir na nakaluhod pa rin saka tuluyan na siyang umalis ng hospital. Napapikit na lamang ako saka hindi ko na muling napigilan pa ang pagtulo ang aking mga luha.